Chapter 12

21 0 2
                                    

"Oppa pwede ba tayong lumabas? Tagal ko na kaseng gustong makasama kang lumabas eh"pilit ko kay chanyeol

Humarap siya sa akin at sinigawan na naman ako lagi na lang niya akong sinisigawan hindi ba siya napapagod?

"LUMABAS KANG MAG- ISA MO!! WAG MO NGA AKONG IDAMAY DIYAN SA MGA WALANG KWENTANG PINAGSASASABI MO!!"sigaw niya sa akin pero hindi parin ako nagpatinag kinulit ko parin siya

"Oppa sige na kase ngayon lang please"ngunit hindi ka niya pinansin bagamat nagpatuloy lang siya sa panunuod ng kung ano sa tv

"Oppa sige na daliiii~"sa oras na sinabi mo yun humarap siya sayo ng nakasimangot

"Pwede ba?! Christine naman huwag kang mangulit at alam mo bang istorbo ka?! Kita mong busy ako dito kung gusto mo lumabas ka ng mag-isa mo at kung gusto mo huwag ka narin bumalik!"

Aray naman!

Alam kong hindi mo ako mahal at alam ko ding wala akong halaga para sayo pero sana huwag mo namang ipamukha

Pumanik na lang ako sa kwarto para magbihis, may nakita kase akong bagong bukas na resto sa may labasan gusto ko sanang kumain kami ni chanyeol dun kaso tulad nga ng sinabi niya lumabas na lang daw ako ng mag-isa kaya eto ako na lang

Masakit man sa akin na hindi niya ako samahan pupunta pa din ako dun gusto ko kasing matikman yung mga pagkain dun mukha kaseng masarap

Bababa na sana ako kaso naalala ko nakalimutan ko pala yung bag ko kaya bumalik ako, bago ako tuluyang lumabas ng kwarto tumingin ulit ako sa salamin

Nakasuot lang ako ng plain white t-shirt tyaka short sa labas lang naman yun kaya hindi na kailangan pang magbihis ng bongga

Pagbaba ko nakita ko si chanyeol na nanunuod pa din sa tv

"Uhmm chanyeol aalis muna ako lalabas ako tulad ng sinabi mo lalabas ako ng mag-isa kakain lang ako sa may labas may bago kaseng bukas na resto dun" pagpapaalam ko sa kaniya, tumalikod na ako agad at hindi na hinintay pa ang sagot niya

Alam ko namang wala siyang pakelam sa akin

After 10 minutes nakarating na ako sa bagong bukas na resto pero parang may nararamdaman akong sumusunod sa akin pero binalewala ko na lang baka kasabay ko lang

Umupo ako sa tabi ng bintana mahilig kase akong makakita ng taong naglalakad ng masaya, pagkaupo ko may dumating na waitress at kinuha ang oorderin ko

Habang naghihintay ako may naramdaman ako nakatingin sa akin mula sa labas ngunit binalewala ko lang ulit ito dahil sino nga ba ako para may magkainteres pa sa akin

Kaso nung pagharap ko ulit sa labas may nakita akong pamilyar na tao

Chanyeol?!

Kaya kumurapkurap ako dahil hindi ako makapaniwala na makikita ko siya sa labas ngunit pagdilat ko wala na siya

Inisip ko na lang na baka namamalikmata lang ako at baka ibang tao lang iyon.

Habang kumakain ako ng matiwasay

(Wow matiwasay ware ahahaha)

PARK CHANYEOL's Wife(on-going)Where stories live. Discover now