Chapter 13

11 0 0
                                    

*Christine Pov*

Umaga, 6:30 palang ng umaga naghanda na ako ng makakain ni chanyeol nagluto ako ng agahan para makakain siya bago umalis at nagtimpla narin ako ng kape niya

Kasalukuyan kong inilalapag sa lamesa ang mga niluto ko ng bigla siyang bumaba para pumunta sa kusina

"Oppa kain ka na muna bago ka umalis"ngunit hindi niya ako pinansin, kumuha lang siya ng baso at tubig

"Uhmm oppa? Hindi ka ba kakain? Sayang naman lahat ng niluto ko oh"ngunit tinignan lang niya ako ng masama pero hindi parin ako nagpatinag kinulit ko parin siya

"Oppa sige na kain ka na muna bago ka umalis sayang naman lahat ng ito oh"

"Pwede ba Christine?! Bakit ba hindi ka na lang tumahimik?! Nakakarindi ka kaya!! Tandaan mo mag asawa lang tayo sa papel!!"

Alam ko na eh, hindi naman kailangang sabihin pa kailangan pang ulit-ulitin

"Tyaka alam mo Christine hindi na ako bata para asikasuhin mo pa! Kung gusto mo yung naghatid na lang sayo kagabi yung asikasuhin mo!"nabigla ako oo nagbigla ako dahil hanggang ngayon hindi pa niya nakakalimutan iyon

Pagkasabi niya nun umalis na siya kaya bumalik na lang ako sa may lamesa at kinuha lahat ng niluto ko na para sana sa kaniya

Binalot ko ito para ibigay sa kapitbahay namin na working student may katabi kase kaming isang boarding house at may nakilala akong isang babae dun kailangan niyang mag aral at magtrabaho ng sabay para matustusan niya ang pag aaral niya

Ewan ko ba kung asan ang mga magulang niya kaya simula nung makilala ko siya lagi ko na siyang tinutulungan

Binalot ko ang mga niluto ko na ibibigay ko sa kaniya dahil for sure madaling araw na naman nakauwi yun at hindi pa nakakakain at sa pagkaka alam ko eh 9:00 pa ang pasok nun pero maaga siyang nagigising kaya mabibigay ko toh sa kaniya ngayon

Pagkabukas ko ng pinto nagulat ako ng biglang andun pa si chanyeol naka tayo at ang sama ng tingin yung tipong parang kaya kang kainin ng buhay

"Ano ha?! Porket hindi ko kinain yan bibigay mo dun sa lalakeng naghatud sayo kagabi? Ano tototohanin mo? Siya na lang ang aasikasuhin mo?! Tss hindi ako papayag akin na yan"sabay hila niya sa plastic na dala ko

Dire-diresto siya sa may kusina kumuha ng plato,kutsara at tinidor pati na rin baso siya na rin ang kumuha ng kanin niya, kinain niya ito na parang batang aagawan ng candy

Napatingin siya sa akin na kasalukuyang nakatayo sa tabi niya

"Umalis ka diyan baka mamaya hindi ko matapos toh at masuka lang ako lalo na ikaw makikita ko"seryosong sabi niya kaya pumunta na lang ako sa sala para manuod ng kung ano ano

Alam ko naman chanyeol na ayaw mo sa akin pero wag mo namang ipahalata masyado

Habang nanunuod ako naalala ko yung sinabi ni lay oppa pano kung totoo nga yun? Paano kung bigla na lang mawala sa akin si---

"Christine may gusto lang akong sabihin sayo bago umalis"

Hala ano kaya yun?

"Uhmm a-ano yun o-oppa?"ano ba tin bakit nauutal ka?

"Hindi masarap yung luto mo"pagkasabi niya nun umalis na siya

Hindi masarap yung luto mo

Hindi masarap yung luto mo

Hindi masarap yung luto mo

Hindi masarap yung luto mo

Paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya what the hindi masarap luto ko?! Eh halos maubos nga niya eh

Pagdating ko kanina sa may kusina ubos na ubos yung luto ko simot na simot yung tipong kahit na isang butil ng kanin sa plato niya wala kang makikita

Tapos sasabihin niya hindi masarap?!

*Chanyeol Pov*

Hindi ko alam bakit nagkakaganun ako, kagabi pa akong ganito.

Ano bang nangyayari sa akin?!

Naglalakad ako papuntang practice room ng makasalubong ko si suho hyung

"Hoy chanyeol sabay na tayo tara"sabay akbay sa akin

Hindi ako kumibo wala ako sa mood simula kagabi dahil dun sa kasama ni christine

"Hoyy chanyeol nakikinig ka ba??"

"Uh.. may sinasabi ka hyung?"tanong ko sa kanya wala kase ako sa sarili ko eh

Bakit ba kase ako nagkakaganito?

"Ano bang iniisip mo? HAHAHAH ang sabi ko tara bilisan mo oras na"binatukan pa ang ng walang hiya

Nakooo kung hindi ka lang mas matanda sa akin sinapak na kita

Patakbo na sana ako papunta sa practice room ng may nabangga ako

"Uhh... Sorry miss"tinulungan ko siyang tumayo, nanatili lang siyang nakayuko

"Ahh ano okay lang sige"nagmamadali siyang umalis pero yung boses na yun

Yung boses na yun kay trisha yun

Hahabulin ko pa sana siya para siguraduhin kaso tinawag na ako ni sehun

----------------------------------------------
A/N:  sorry pooooo kung short update tyaka sorry kung matagal ng hindi nakakapagupdate

PARK CHANYEOL's Wife(on-going)Where stories live. Discover now