*Christine Pov*
Andito na ako sa dorm kauuwi lang namin ni lay oppa at mamaya-maya uuwi na ako, kasalukuyan akong nag aayos ng may pumasok sa kwarto na tinutuluyan ko at bigla nalang akong hinila pa labas
Ano bang problema nito? Bigla na lang manghihila?
"Ano bang problema mo? Bat ka ba nanghihila?"pagkasabi ko nun bigla na lang siya humarap sa akin at sa pagharap niyang iyon hindi ko akalain na siya pala iyon
"Anong problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko!! Hanap ako ng hanap sayo pero andito ka lang pala nakikipaglandian kay lay hyung!!"galit na sigaw niya sa akin
Wait lang so totoong hinanap niya ako? Pero okay na sana yung sinabi niya eh kikiligin na sana ako kaso AKO?! Nakikipaglandian?! Myghadddd nakikitira lang ako dito
"Wait lang bitawan mo nga ako! Tyaka HINDI AKO NAKIKIPAGLANDIAN KUNG YUN YUNG GUSTO MONG ISIPIN BAHALA KA BASTA ALAM KO SA SARILI KO WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA!!"nakita ko ang exo na napatigil sa ginagawa nila ng sumigaw ako, napatingin lahat sila sa aming dalawa
"Bakit? Hindi ba totoo? Isa-isa mo kaming nilalandi diba?"pero this time nakabitaw na siya sa akin i mean hindi na masyadong masakit ang pagkahawak niya yung feeling mo hindi na siya nakahawak pero pag titignan mo parang nakahawak parin siya na anytime na aalis ka isasara niya lang kamay niya at mahahawakan ka na basta ganun
"ILANG ULIT KO BA DAPAT SABIHIN SAYO HA?! LAGI NA LANG GANYAN SINASABI MO! KAHIT NA ALAM MO NAMANG HINDI TOTOO!!! OO KASALAN KO KUNG BAKIT WALA NA KAYO NI TRISHA UNNIE PERO KASALAN KO BANG MINAMAHAL LANG KITA? KASALAN KO BANG AKO YUNG NAKITA NG MANAGER MO? AKO ANG NAKITA NIYA PARA MAGPAKASAL SA IYO?"sigaw ko ulit sa kanya, hindi ko na kaya sawa na ako eh sawang-sawa na ako paulit-ulit na lang niya akong sinasaktan paulit-ulit na lang niya akong sinisi kung bakit wala na sila ni trisha unnie
Nang mapansin kong walang balak magsalita sa aming lahat muli akong nagsalita
"KUNG GUSTO MO MAGHIWALAY NA TAYO"masakit man pero kailangan,kailangan kong gawin para sa kasiyahan niya, para sa kasiyahan ng taong mahal ko....
Mukhang nagulat silang lahat pati siya nagulat din, pero alam ko naman na pag alis ko eh magbubunyi yan dahil wala ng makulit, wala ng magiging sagabal sa kanila ni trisha unnie
Pumasok ako sa kwarto kung saan ako pinapatulog ni lay oppa at kinuha ang mga gamit ko
Aalis na muna siguro ako bahala na kung saan ako mapunta basta hindi ko kayang umuwi ngayon
*Chanyeol Pov*
Yung mga katagang binitawan niya, mga katagang sinabi niya sa harapan ko, sa harapan ng mga kamember ko
Parang libo-libong karayom na tumusok sa puso ko, anytime na hindi ko inalis ang mga ito pwede na akong mamatay
Hindi ko kayang umalis na lang siya ng ganun-ganun na lang, hindi pwede kailangan ko siyang hanapin ulit
Tumayo ako at lumabas ng dorm narinig ko pang sumisigaw si sehun pero wala akong pake kailangan kong mahanap si christine
Pagkalabas ko palang ng pinto sumalubong sa akin ang malakas na ulan dahilan para lalo akong matakot, lalong mag alala sa kanya
Dali dali akong pumasok sa sasakyan inuna kong puntahan ang pinaka paborito niyang kainan dito niya ako laging niyayaya pero umaayaw ako lagi
Pumasok ako sa loob nakita kong napakaraming tao dito pero ni anino niya hindi ko makita
"Aishhh saan ko siya hahanapin? Hindi naman pwedeng umuwi yun sa amin dahil for sure galit sa akin yun"nasabunot ko na lang ang buhok ko dahil hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin at hindi ko alam kung nababasa ba siya o hindi
Palabas na sana ako ng may lumapit sa akin, ito na nga ba sinasabi ko eh nakalimutan kong magtakip ng mukha inshort mag disguise
"Uhmm sir? Can I help you? May hinahanap po ba kayo?"hala? Mukhang hindi ako kilala nito ah
"Uhmm hindi mo ba ako kilala?"tanong ko sa kanya pero tanging iling lang ako sagot niya
"Ahh eh can I ask? May nakita ka bang babae dito na may dalang bag na malaki? Naka kulay black na off shoulder tapos naka pants?"tanong ko sa kanya pero mukhang masasayang lang ang oras ko dito, paalis na sana ako ng bigla siyang sumigaw
"AHHHH OO"pagkasabi palang niya hinarap ko ulit siya
"Asan siya?! Bilis asan siya?"sinabi naman niya na kakaalis lang niya at wala itong dalang payong pero ang sabi nito sa kanila eh kailangan na niyang umalis at maghahanp pa siya ng bahay na matutuluyan
Dali dali akong lumabas hindi na ako nag kotse ipapakuha ko na ito kay suho hyung kinuha ko na lang ang cellphone ko at ang wallet ko
Wala din akong dalang payong pero no choice kailangan ko siya hanapin habang hindi pa siya nakakalayo
Tumakbo ako para maabutan ko siya lagit na hindi ko alam kung saan siya pumunta takbo parin ako ng takbo pero wala akong makitang tao, unti unti na akong nawawalan ng pag-asa hanggang sa mapadpad ako sa isang park
Umupo ako sa isang upuan doon wala akong pake kung nababasa ako basta ang gusto ko lang ay makita siya
Tumingin ako sa langit kahit na alam kong umuulan, pumikit ako at dinama ang pagbuhos ng ulan hanggang sa maramdaman kong wala na hindi na nababasa ang mukha ko
Pagdilat ko nakita kong may payong, pinapayungan ako ng babaeng hinahanap ko, ng babaeng umalis sa tabi ko kanina lang
Tumayo ako agad at niyakap siya wala akong pake kung mabasa man siya basta gusto ko siyang yakapin, yakapin ng mahigpit yung tipong hindi na siya makakaalis ulit.....
YOU ARE READING
PARK CHANYEOL's Wife(on-going)
FanfictionPwede kayang ma-inlove ang IDOL sa isang FANGIRL? They say be careful what you wish for because you just might to get it. Kaya mo nga ba pangatawan ang mga naging desisyon mo? Ano ang gagawin mo kung malalaman mong asawa mo ang bias mo? Mag...