Umaga na, after kong bumihis ay pumunta na ako sa ilalim at nag umagahan, nandoon si ate Alisha na humihintay sa akin sa table.
"Sir Finn, good morning po, bakit po kayo naka uniporme? papasok po kayo? Di niyo nalang ho ba hihintayin si uncle niyo na dumating? 2 days lang rin naman at darating na iyon dito?" Sabi ni Yaya sa akin na mukhang obvious na pinipigilan akong pumasok sa school o lumabas ng bahay.
"ah, hindi na ate, and besides malapit nalang rin naman mag closing ng class kaya susulitin ko nalang ito" sabi ko sa kanya.
"sige po sir Finn, pero kung kailangan niyo po ng tulong, i text niyo lang po ako o i contact" sabi ni yaya sa akin.
"kailangan? Ah oo nga pala" sabi ko sa kay ate ng pabiro.
"ano po iyon? Masama ba pakiramdam niyo? Nahihilo po ba kayo? Tubig po? Tubig?" Sabi ni Ate Alisha na sobrang worried.
Hahaha! Over, natawa naman ako kay ate, sobrang pag overthink e.
"hahaha! Ate naman, oa. mag papagawa sana ako sa iyo ng hamburger, ketchup lang ang ilagay niyo at wala ng iba." Sabi ko sa kanya na tumatawa.
"sus, yun lang pala, kinabahan ako dun a, sige, ilan ipapagawa niyo?" Sabi naman ni Ate.
"dalawa lang po, salamat ate!" Sabi ko sa kanya.
Pagkatapos niyang gumawa ng burger ay agad agad na akong pumunta ng garahe at kukunin ko sana yung susi kay kuya Jeff.
"kuya, yung susi po ng sasakyan ko?" Sabi ko kay Kuya Jeff na nagmamadali.
"ah sir Finn, magandang umaga po, eh..." sabi naman ni Kuya Jeff na napakamot ng ulo.
"kuya, okay na ako, wag kang mag alala, kapag dumating si Uncle Mac ay ikaw na ang mag dr-drive sa akin at di kita susumbong" sabi ko kay Kuya Jeff ng may assurance na hindi siya mapapagbintangan kung ano man mangyari sa akin, at saka malaki na ako.
"hehe, sige po sir Finn, salamat po, basta po, mag ingat kayo sa kalsada ha? At kapag may kailangan kayo ay i message mo lang ako at pupuntahan kita sa school mo" sabi ni Kuya Jeff na kitang kita sa kanyang mga mata na may trust sha sa akin.
"sige Kuya, salamat po, alis na po ako" sabi ko kay Kuya Jeff.
Kinuha ko na yung susi sa kanya at agad agad ng pumunta ng school. Pag dating ko sa school ay nandoon na si Wayne sa puwesto kung saan ko pinapark yung sasakyan ko parati.
"aba, ang early ha, sa hamburger siguro" sabi ko sa sarili ko at pinark na yung sasakyan ko.
"Wayne! Andito na ang burger mo, no mayo, ketchup only, hehe" sabi ko sa kay Wayne after kong buksan yung windshield ng sasakyan ko.
"Ay naku! Salamat! Napakabagal mo, ginutom ako ng sobraaa!" Sabi ni Wayne na mukhang excited na kumain agad.
At pag ka bigay at pag ka bigay ko sa kanya ng burger ay kinain niya kaagad yung isang hamburger, di lang man nangyaya 😢 huhuhu. Pero, may na notice ako kay Wayne, parang di niya ino-open up yung nangyari sa akin kahapon??? E parang super concerned na concerned sha sa akin kahapon a?
"Wayne, kahapon, yung nurse ba ay kinuha rin ng ambulance? Nandiyan ba sha sa clinic o nag papahinga pa rin? Alam mo, napa ka weird ng mga nang..." sabi ko sa kanya para ma open lang man yung topic at talagang on fire na akong mag litanya sa kanya ng bigla shang nag salita, naputol ang pag na-narrate ko.
"ha? Anong pinag sasabi mo? Ms Stringer? Nurse? Ospital? Baliw ka? Oh, eto, hatian kita sa burger ko, atleast lang man may laman tiyan mo at wag ng mag drugs ha?" Sabi lang niya sa akin at ikinagulat ko iyon.
"Ha? Wala kang alam? Wala kang may naaalala? Yubg kahapon? Yung nangitim kamay ko? Mata ko? E ikaw pa nga yung sumama sa akin sa clinic ng nangitim yung kamay ko a?" Sabi ko sanya na nag me-meet na yung kilay ko at sobrang lito, nag ha-hallucinate ba ako?
"luhhh? Mukhang malubha ang tama sa 'yo a? Agang aga pa tods" sabi ni Wayne sa akin na ewan ko ba if nag papanggap lang ang babaeng to o what.
Talagang nagulat ako sa mga sinasabi niya, napaisip ako bakit di niya maalala? Eh hindi naman pwedeng nag iimagine ako dahil kagabi e naactivate ko pa nga yung powers ko? Ano ba tong nangyayari sa akin? E promise, hindi naman talaga ako nag da-drugs.
"Joooke! Hahaha! Akala ko madadala ka e" sabi ko nalang kay Wayne para di na maging awkward and big thing sa kanya, sa akin, sa amin. Ngumiti nalang ako at niyaya ko na siyang pumunta na sa classroom at mag review.
Pag ka hapon ay pumunta ako sa clinic after ko hinatid si Wayne sa labas ng gate. Pag karating ko doon sa clinic ay nandoon yung nurse namin.
"Hmmm, mukhang okay naman si Nurse Gean ha? weird" bulong ko sa sarili ko.
Pinuntahan ko sha at tinanong, close naman kami e kasi parati akong pumupunta sa clinic kapag manghihingi ng gamot para sa hyper acidity ko.
"Nurse Gean, good afternoon" sabi ko sakanya habbang papasok ng clinic.
"Uy Finn, magandang hapon din, hyper acidity?" Sabi niya sa akin ng nakangiti.
"Weird talaga" bulong ko sa sarili ko ulit.
"Yes po?" Sabi niya sa akin na mukhang narinig yung mga sinabi ko.
"Ah hindi po nurse, magtatanong lang sana ako tungkol kahapon, may naaalala ba kayo kahapon na nangyari sa atin? ng pumunta ako dito? Yung si ms stringer ay nandito rin?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm, parang di ka naman pumunta dito kahapon a? Si Ms Stringer oo, kumuha siya ng gamot dito pero parang di naman nakin naalala na pumunta ka rito?" Sabi niya sa akin na parang nacu-curious.
Sinasabi ko na nga ba e, may parang umerase ng memorya ni Wayne at ng nurse at kung sino man ang nakakita o naganap sa akin kahapon.
Nasa loob ako ng sasakyan at napaisip ako kung sino at kung paano.
"Wth, ****, bakit kaya di nila maalala? Ano bang nangyayari? Kung may umerase man sa kanilang memorya dahil di nayon imposible dahil ako nga, demonyo, sino? Sino ang tumanggal ng memorya nila?" Sabi ko sa sarili ko na desperate talagang makakuha ng answers, ayaw ko talagang na ha-haaang.
Natahimik ako ng mga ilang segundo ng maalala ko si Ms Stringer, yung weirdong teacher na yun, pero maganda pa rin, crap, ganda ng eyes omg. nandoon rin pala siya. Pero vague na yung mga nangyari sa akin e, di ko na lubos lubusang maalala talaga.
"Si Ms Stringer, alam niya, yun ay kung hindi pa nabura yung memorya niya, kailangan ko shang puntahan dahil sha nalang yung last chance ko" sabi ko sa sarili ko ngbhopeful at tumatawa. Parang mad scientist ako meto e.
Agad kong pinaandar ang sasakyan ko at dali daling pumunta sa front ng math building.
-------------------------------------------------------------
Hope you guys love this chapter :) will have the next part on the next Chapter. Yeay! Amazing! God bless us all.
YOU ARE READING
The Opposites
Science FictionWhen love is involved, everything is seen differently. But does love really surpass everything? Can it? Will it? Lets find out in Finn's journey as he is struggling to know himself and the reality of the false world he was made to believe was real...