Triit triit triit triit sound ng alarm sa cellphone ni Finn at agad niya itong tinurn off.
*Yaaaawn*
"Aaay ano ba yaaan, class na naman uliiit, sige na nga, katawan, tama na yang 5 minutes mo, naka lima ka na, susuntukin na talaga kita" sabi ko na may pag ka inis.
Pilit akong tumayo sa aking kinahihigaan , pumunta na diretso sa comfort room na nasa loob lang naman ng kwarto at tumingin muna sa mirror.
"Finn, malapit na ang school end, konting tiis pa then yung reward? Well, you dont have to deal with bullcraps anymore, no more assignments, no more late night studying, no more crap!" Pabulong na sabi ko sa aking sarili.
Yung mga words na sinasabi ko sa aking sarili, enough na yun para i motivate ang sarili ko para sa buong araw, araw-araw.
Pagkatapos kong humilamog ay napag desisyonan ko nalang na maligo at mag ligpit na ng gamit, after kong maligo ay sinuot ko na yung medyas at slippers na nasa ilalim ng kama ko at dumiretso na pababa.
Pag baba ko palang ay nakita ko na si yaya, Alisha ang name niya.
"Ate ano bang breakfast na hinanda mo" Sabi ko.
"Good morning sir Finn, ano po..." sabi ni ate Alisha ng pinigilan ko sha sa pag sasalita
"Teka, hulaan ko muna" tinakpan ko yung mata ko at nagsabi "bacon? Teka, naaamoy ko yung itlog a? At mukhang scrambled? At kape" hindi lang hula ang ginagawa ko kundi ina analayze talaga at ginagamitan ko ng guts.
"Hahaha! Pasensya na po pero mali e" sabi naman ni yaya na tumatawa.
"Grrr, sige na nga, ano po ba yung hinanda mo ate?" Disappointed kong sabi sa kanya. Eh super analyze ako e, huhuhu.
"Hehe, sige po, bale hotdog, tinapay, at milo po" sabi naman ni ate.
Tiningnan ko yung watch ko at mag se-seven o'clock na.
"Ah ganon ba? Sige, lagyan mo nalang ako sa tupperware at doon nalang ako sa school kakain ng hinanda mo, late na late na late na talaga ako, patay ako neto, salamat" sabi ko habang hinahanap ko yung school shoes ko na nasa isang room na puno ng shoes malapit sa main door ng house, after kong magbihis ay nag toothbrush na ako agad, oo, nag to-tooth brush po ako before pumunta sa school, kaya gayahin niyo ako ha? Di jk lang 😂.
Napag desisyonan ko nalang na 'wag nang gumamit ng kotse papuntang school dahil di ko alam kung saan ko na nilagay yung susi kaya pinahanap ko nalang kay ate Alisha at sinabihan sha na ipahatid nalang kay kuya Jeff mamaya yung sasakyan.
Habang nasa jeep ay may na receive akong message, galing ito kay Wayne, bestfriend ko, actually, kaisa-isang bestfriend at friend ko sa school, babae po sha, pero medyo boyish, sabi niya:
"Hoy! **** saan ka na? Hintayin mo ko sa gate ng school papunta na ako ng school"
lakas maka mura nitong si Wayne e 😬, nag reply naman ako ng:
"papunta pa lang ako ng school, pero hihintayin kita sa gate, basta wag mo lang akong sabihan na kakagising mo palang dahil wala akong pake, iiwan talaga kita" reply ko naman sa kanya
"k" yun lang yung reply niya.
Kahit po nag mumurahan kami ni Wayne ay di po ibig sabihin galit kami sa isa't-isa at plastic kami, ito po ay nangangahulugang comportable po kami sa isa't-isa at normal lang po sa amin yan. Kaya kaway-kaway jan sa mga may bestfriends na nag mumurahan kapag kayo-kayo lang, shempre, 'wag naman nating ipa obvious ✌.
YOU ARE READING
The Opposites
Science FictionWhen love is involved, everything is seen differently. But does love really surpass everything? Can it? Will it? Lets find out in Finn's journey as he is struggling to know himself and the reality of the false world he was made to believe was real...