This is the story how I met the tragic end of my happy, single life.
This story revolves in the fruit called Mango… hence, the title. ^_^
************************************************************************************************
nakita ko sa aking harapan mismo ang isang lalaking nakaputing t shirt at nakapangalumbaba sa balcony.
"HI" Sabi nyang ganun.
Nanlaki ang mata ko at feel ko parang tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan.
*************************************************************************************************
CHAPTER 1
Isa ako sa mga taong matitigas ang ulo. Literally, matigas talaga ulo ng mga tao diba kasi may skull, pero yun bang stubborn, tama yun ang perfect word para sa akin.
Alam nyo kung bakit? Dahil pinagsabihan ako ng nanay ko na huwag daw kumuha basta-basta ng mga bagay na hindi sa akin.
Pero heto ako ngayon, nasa bakuran ng White Villa, pilit na inaabot ang sanga na kinalalagyan ng manggang hitik na hitik. Hindi naman siguro masama kumuha ng isa diba? Besides, sayang naman kasi wala namang taong tumitira sa villa na ito kaya walang kakain ng mga manggang ito.
Isa pa, paborito ko ang mangga. Bahala kayo kung anong sasabihin nyo basta kukuha ako ng isa. Hehe
Konti nalang… heto na…
Yes! Sa wakas, abot ko na rin
Tumalon ako mula sa pinapatungan kong sanga, sabay papak ng kinuha kong mangga.
Since weekends, umuwi ako sa probinsya namin galing sa Urban City at dahil sa naiinis ako sa mga tsuper ng motorsiklo doon sa terminal eh, pinili ko nalang na maglakad galing sa bayan patungo sa aming humble house.
Habang nasa daan ako, napansin ko itong mangga sa White Villa na hitik na hitik na naman sa bunga kaya, hayun, na tempt na kumuha kaya na delay ang pag-uwi. Pero no worries, katabi lang naman ng White Villa ang bahay namin.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng nanay ko at nakita ang nilalantakan kong mangga.
"Hoy Elizabeth, saan mo nanaman kinuha yang mangga? Dyan nanaman sa villa ano? Ilang ulit ko bang sasabihin na huwag na huwag kang magnakaw?"
"Nay naman, isa lang naman itong kinuha ko eh, tsaka wala namang tao dyan, sayang naman kung yang mga batman ang makikinabang."
"hay nako bata ka, hala sige na, magbihis ka na doon."
Hahakbang na sana ako paakyat ng hagdan papunta sa aking silid nang…
"Teka nga, huwag mong sabihing umakyat ka doon sa puno ng mangga na naka uniporme?"
"Opo."
"Bobeta, paano kung may dumaang lalake, eh di nakita yang panty mo."
"Nay naman, may shorts nman po ako."
At narinig ko nanaman yung litanya ng nanay ko.
Tumungo na ako sa silid ko at natawa ako nang makita ko ang nakapaskil sa pinto ng aking silid.
Elizabeth Constantine's private property
no trespassing
Dahil sa Urban city na ako nag-aaral, every weekend nalang ako nakaktulog dito. Nakaka miss din.
"Nay!" rinig kong sigaw ng kapatid kong 8 years old na si Jun2.
"may multo sa White Villa." natawa ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Ate, may multo." Saad nya agad sa akin nang makita nya akong bumababa sa hagdan.
Nilapitan ko siya at kinurot ang pisngi. "Alam mo ang likot ng imahinasyon mo."
"Totoo ate. Nakita ko kanina."
"We, di nga."
"Totoo talaga ate, promise." nag cross pa ito.
"Sige nga, pakita mo sa akin." Actually, palusot ko lang yun para makapunta ulit ako ddon sa villa at makakuha ng mangga. Hahaha
"hoy, saan kayo pupunta? Magtatakipsilim na." ang nanay ko
"May pupuntahan lang po kami sandali inay."
Nang makarating kami sa villa, agad na itinuro ni Jun2 kung saa daw nya nakita ang sinasabi niyang multo. Pero hindi ko na sya pinakinggan dahil may nakita akong hinog na mangga.
Agad kong inakyat ang sanga na iyon. Dahil sa naka shorts nalang ako, mas mabilis akong nakaakyat. Dahil sa engrossed na engrossed ang attention ko sa manggang hinog, hindi ko namalayan na malapit lang pala ako sa balcony ng second floor ng villa.
Determinado na talaga akong makuha ang mangga dahil feel ko, naglalaway na ako eh.
Narinig kong sumisigaw ang kapatid ko sa ilalim pero binalewala ko ito dahil malapit ko nang maabot ang pinakaaasam kong mangga.
And finally, the long wait is done.
Kinagat ko ang mangga at bababa na sana nang nakita ko ang kapatid kong may iningunguso.
Sinundan ko naman ang direksyon na kanyang tinuturo at nakita ko sa aking harapan mismo ang isang lalaking nakaputing t shirt at nakapangalumbaba sa balcony.
"HI" Sabi nyang ganun.
Nanlaki ang mata ko at feel ko parang tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan.
May sinabi pa sya, pero hindi ko narinig dahil nawalan ako ng balanse at tuluyang nawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
A mango love story
Teen FictionA mango, a mysterious guy inside a white villa and the mischievous brother. Elizabeth should have known that the aforementioned people, place and things will end her single blessedness.