Chapter 5

54 1 0
                                    

"Elizabeth, may naghahanap sayo."

Naiangat ko ang ulo ko mula sa desk ng arm chair dahil sa sinabi ng aking kaklase.

"Huh? Sino daw?"

Nagkibit balikat sya at tumuloy na sa circle of friends nya.

Buti pa sya may circle of friends. Ako lang naman ang parang outcast sa section na ito. '__'

Tumayo ako at tinungo ang pinto ng classroom. Buti nalang wala ang teacher namin sa Developmental Reading na subject, hindi ko pa naman natapos yung project na binigay nya.

Nagulat ako sa aking nakita. Ano'ng ginagawa ng Terrence na yan dito sa University?

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Tinitigan nya lang ako.

"Ahm… Hello? Tinatanong kita kung ano'ng ginagawa mo rito?"

Wala pa rin syang imik. Aba ano nanaman 'tong pakulo nya? Is he trying to provoke me?

"Okay, kung ayaw mong sumagot, may gagawin pa ako, kaya...goodbye!" Paasik kong sabi, sabay talikod. Pero hinawakan nya kamay ko.

"Mag-usap tayo."

Eng!

Hinarap ko siya ulit. "Excuse me? Kinakausap kita kanina pero hindi ka umimik, tapos ngayon sasabihin mo mag-usap tayo? WOW, pare sino ka sa tingin mo? VIP? Sorry, pero may gagawin ako. Bye!"

Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tuluyang tinungo ang aking upuan.

"ZABETH! I said let's talk!"

Hindi paman ako nakabalik sa upuan eh narinig kong sumigaw sya. Nagsitinginan tuloy classmates ko.

A mango love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon