"Ate!" Sigaw ni Jun2 habang palapit ako sa kanya.
Kararating ko lang galing sa Urban City.
"Ang nanay?" Tanong ko sa kanya.
"Nandoon sa Villa."
"Ano'ng ginagawa nya doon?"
"Ate, ano ka ba, hindi mo ba alam kung ano'ng nagyari?"
"Obvious ba na hindi?" >_<
"Halika na ate." Hinila nya ako papunta sa Villa.
"Ano ba kasi ang nangyari?"
May tinuro sya. "Nakikita mo ba iyon ate?"
Sinundan ko ng aking tingin ang tinuro nya at nakita ko ang kotse ni Terrence na wasak wasak ang harapan.
I was speechless. Napatigil ako sa paglalakad na para bang tinubuan na ako ng ugat. Char. Pero yun talaga ang totoo. Alam nyo naman siguro ang feeling ma shock diba?
Buti nalang hinila ako ni Jun2. "Ate, huwag ka ngang OA. Tara na, baka hindi na humihinga si kuya Terrence."
Kinurot ko sya. "Ano ka ba."
"Aray naman, totoo naman ah, naghihingalo na nga yun kanina pagdating dito."
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jun2 dahil nakita ko ang nanay kosa pinto ng Villa. Namumula ang mata. Isa lang ang ibig sabihin nito, umiyak sya.
"Anak…" Sabi nya sa garalgal na tinig.
Naiiyak na rin ako. "Si- Si Terrence po?"
Tinuro nya ang isang pinto na medyo nakaawang. Tumakbo ako.
Bakit ngayon pa? bakit ngayon pa na maliwanag na ang lahat, ngayon pa na naaalala ko na ang lahat?
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang Daddy ni Terrence hinahawakan ang kamay ng kanyang anak. Napatingin sya sa akin na umiiyak.
Nakita ko si Terrence na may benda sa bandang noo. Nakapikit ang mata, hindi umiimik.
"A-ano po'ng nangyari?"
"Nabangga ng isang ten-wheeler truck ang kanyang kotse habang papauwi sya galing sa Urban pagkatapos kang bisitahin."
Napasinghot ako. Sh*t umiiyak na pala ako.
"bakit hindi nyo po sya dinala sa ospital?"
"Ayaw niya. Hihintayin ka raw nya dito."
Tiningnan ko si Terrence, feel ko parang hindi na talaga sya humihinga.
Sinapak ko sya na ikinagulat ng daddy nya.
"tarantado ka pala eh. Bakit hindi ka nagpa ospital ha? Bakit kailangan mo pa akong hintayin ha? Bakit -bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito? Naaalala na kita Terrence, pakakasal na ako sa'yo., Idilat mp lang ang mga mata mo."
Humagulgol na ako sa kanyang harapan. "Hoy! Ano ba, gumising ka na nga dyan." Saad ko habang niyuyug-yog ko sya. Inawat naman ako ng tatay ko na ngayon ko lang napansin na nadoon pala sa loob.
"Anak, tama na. Wala na tayong magagawa, nangyari na eh."
"Hindi, Ang daya nya eh." Kumawala ako sa pagkakahawak ni tatay.
"Ang daya-daya mo Terrence, diba sabi mo, hihintayin mo ako? Gumising ka dyan, Diba pakakasalan mo pa ako? Naaalala na kita Terrence, bumangon ka na dyan."
Sinipa ko ang kamang hinihigaan nya at napapo ako sa sahig na humahagulgol.
Naaalala ko na ang lahat, Terrence.
"I love you Elizabeth…"
Mahal din kita Terrence, wag mo akong iwan. Saad ko sa pagitan ng pag-iyak
"Hindi naman kita iniwan ah." Saad ng isang mahinang tinig. Tapos may aramdaman akong humawak sa ulo ko
Huh? Akala ko ba imagination ko lang yun, bakit may sumagot? Iniangat ko ang aking ulo
Ayun, Nakita ko ang damuhong na nakangiti. "Ang tagal mo."
Para akong si Flash dahil sa bilis ng aking pagtayo at pagyakap sa kanya.
"Aray!" Daing nito pero hindi ko pinansin
"A-akala ko iniwan mo na ako?"
"Hindi ko gagawin yun 'no. pakakasal ka pa sa kin diba?"
Napatingin ako sa kanya. "Ha?"
"Yun ang sabi mo kanina." May pilyong ngiti sa kanyang labi.
"Ha? May sinabi ba akong ganun?"
"Yep."
Nasabi ko nga yun bago ko sinipa ang kanyang higaan.
"Kanina ka pa pala gising? Hinayaaan mo muna akong mag drama bago ka gumising."
Kinurot-kurot ko sya.
"Aray-"
"Sorry."
"Naaalala mo na ba talaga ako?"
Tumango lang ako.
"Eh, ano pa'ng hinihintay natin? Pakasal na tayo."
Bumangon sya at hila ako papuntang simbahan.
Joke lng. Hindi yun ang nangyari. XD
"Tumigil ka nga dyan, hindi ka pa nga magaling eh."
"I-kiss mo nga ako pra madali akong gumaling" Saad nito at bago ako maka kilos ay hinila na nya ako at ayun…
CHU!
****Epilogue
"Gusto mo ng mangga?" Tanong nya sa akin
"OO."
"Kiss muna."
Tiningnan ko sya ng masama.
"Bakit? Ano'ng ginawa kong masama?"
"Ano'ng kiss ang sinasabi mo dyan?"
"Kiss, yung... ('3')"
"tigilan mo nga ako Terrence, akin na nga yung mangga."
"Kiss muna. Sige ka lagot ka sa akin mamayang gabi."
"Eh? Ano naman aber ang gagawin mo sakin?"
"Nakalimutan mo na bang mag-asawa na tayo?"
TING!
O___O
"Ay oo nga pala."
A/N Ito na ang final chapter ng Mango love story.. Inincode ko sa ilalim ng ilaw na hindi umaandar dahil brownout. XD. Sa mga wrong spelling, blame it on the keyboard letters na ayaw magpakita sa malapyaw na liwanang ng aking screen. Hihi.
Anyways, salamat sa tumangkilik at sumuporta..
Ito yung first story ko sa wattpad na ginawa ko out of nowhere.. Kaya medyo hindi klaro yung plot.. Haha.. Next time ulit…
ABANGAN: hihi.. Just when I stopped (loving you)
(-__-) hay salamat human na gyud…. After 48 years
BINABASA MO ANG
A mango love story
Teen FictionA mango, a mysterious guy inside a white villa and the mischievous brother. Elizabeth should have known that the aforementioned people, place and things will end her single blessedness.