Chapter 4

61 1 0
                                    

Habang nag-eempake ako ng damit ay naalala ko ang pinag-usapan namin ng Terrence na iyon.

Sabi niya, mahal daw nya ako at matagal na nya akong kilala…

How Come? I don't even know that he exists until now.

Teka...

 Baka stalker ko sya?

Eh? Malabo.. Erase… erase…

Pero paano nya ako nakilala?

Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga at nagmamadaling lumabas ng silid dahil kailangan kong abutan ang last trip ng jeep patungong Urban City.

Pagkababa ko, nakita ko ang nanay ko na nakapamewang at halatang galit sa akin.

"Huwag ka munang umalis." Saad nya.

Ngayon ko lang ulit nakita ang nanay kong ganito ka seryoso. At kapag ganyan sya, hindi dapat ako susuway sa mga sasabihin nya dahil baka makita ko naman ang super scary mode ni mother.

Kaya sumunod ko sa kanya sa may sala. Nakita ko ang tatay ko na nakiipaglaro kay Jun2 habang tawa naman ng tawa ang kapatid ko. Halatang yung paborito nilang card game ang kanilang nilalaro.

Pagkakita nila sa akin ay medyo natigil sila at nagpatuloy rin, ngunit nang pumasok si inay, umupo sila ng maayos at tuluyang nanahimik.

Natawa ako ng mahina.

Under de saya parin pala si Itay.

Pinaupo ako ni inay sa silyang kaharap nilang tatlo habang nakapangko ang tingin nila sa akin.

Napalunok ako. Dag ko pa yata ang nag dedefense ng Thesis nito.

"A-Ano po ang pag-uusapan natin?"

Nakatitig parin sila sa akin. Walang umimik.

Nakita kong tumaas ang kilay ni  inay.

Whew! Nakakatakot na…

"Elizabeth. Diretsuhin mo nga kami." Si inay

"Po."

"magpapakasal ka ba o hindi."

TING!

"P-Po?"

"Oo o Hindi?"

"Hindi."

"bakit?"

"Ilang ulit ko bang sasabihin, hindi ko kilala yung lalaking iyon."

"Sigurado ka?"

"Ano ba naman nay, sarili kong magulang pilit akong ipakasal sa taong hindi ko kilala?"

Galit na rin ako ha. Ang bata ko pa 'no. At bakit ba gsto na nila akong ipamigay?

"Anak, hindi naman sa ipinamimigay ka namin." Si tatay

"Elizabeth, sigurado ka bang wala kang naaalala kapag narinig mo ang pangalang Terrence Romualte?" Si nanay

Sandali akong nag-isip…

Isip…

Isip…

Isip…

Isip…

"Wala."

"bobeta ka talagang bata ka."

"Wow nay, wag naman palagi bobeta itawag nyo sa akin.. Sige ka baka matuluyan ako nyan. Alam nyo po ba yung labeling theory?"

"Whateva…. Let's go back to the topic."

ENG!

Hay naku, ang nanay talaga.

"Talaga bang ayaw mong magpakasal?"

"Sabi nang ayaw eh."

"Okay, pero wag kang iiyak-iyak sa akin ha dahil pag nangyari yun, ewan ko na lang."

"As if naman iiyak ako. No way."

"Bahala ka. Hala sige na. baka hindi mo pa maabutan ang last trip."

Tumayo ako at naglakd patungo sa pinto pero may naalala ako bigla.

"Ay nay may naalala ako-"

"May naaalala ka na?" Excited na tanong nanay ko

"Whoa ang weird nyo ha. Oo may naalala ako."

"So, pakakasal ka na?"

"Huh? Diba kasasabi ko lang na hindi, si nanay talaga."

"Akala ko may naalala ka na?"

"Meron po." Saad ko

"Ano?" Excited nyang tanong

Ngumisi ako at inistretch ang aking kamay patungo sa kanya "Allowance ko po."

****************************************************************************

Nakangiti ako habang hinahawakan nya ang kamay ko. Ang saya-saya ko talaga.

May sinabi sya pero hindi ko narinig. Nang hindi ako natinag, hinila nya ako at pumasok  kami sa simbahan. Nagpatianod nalang din ako. Nilingon nya ako.Hindi ko lang gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil nasilaw ako sa mga ilaw sa loob ng simbahan. Pero alam kong nakangiti sya.

Malapit na kami sa altar nang magsigawan ang mga tao sa loob at nagsipagtakbuhan palabas. Nadagananan ako, kaya nabitiwan nya ang kamay ko. Nagkahiwalay kami.

Maya-maya pa may narinig akong ingay na umalingawngaw sa loob ng simbahan. Putok yata ng baril.

Nanginginig na ako at ramdam na ramdam ang sakit dahil inaapakan na ako ngunit nakayanan kong umiwas sa bugso ng tao at sumuong sa ilalaim ng upuan. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig at may naramdaman nalang akong sakit sa aking noo at unti unting lumalabo ang aking paningin.

May umaalog sa akin kaya iminulat ko ang aking mata. At nakita ko ang isang mukha ng batang lalaki at ang kanyang mga matang nagpapahiwatig ng matinding pag-aalala.

There is something peculiar with those eyes.

They were brown

At isa pang pagsabog ang aking narinig at tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Ha!"

Napasinghap ako. Whew! Napanaginipan ko nanaman yun. Bumangon ako ng dahan dahan mula sa aking higaan dahil baka makadisturbo ako ng ibang dormers

Tinungo ko ang kusina ng dormitory at uminom ng tubig.

Matagal-tgal na ring hindi ko napanaginipan yun. Akala ko tinigilan na ako. Hindi parin pala.

Pero ngayon, may kakaiba. Nakita ko ang kulay ng mata nung batang lalaki.

Sino kaya yun?

Humiga ako ulit pero hindi na ako nakatulog…

Nakinig nalang ako ng music.

Now Playing…

Moments by One Direction

____________________________________________________________

Comments please... >.<

ShakespeareanDirectioner

A mango love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon