"BUUUURRRRRRFFFFFFFFFFFFFFF"
Busog na busog ako sa binigay na mango float ni Terrence.
Humiga ako sa may couch ng dorm. Ang saya ko dahil I know, titigilan na ako sa pangungulit ng damuhong na Terrence na iyon. BWAHAHA
Pero ang sarap talaga ng Mango Float na dala niya ha.
Bakit kaya sa dinamidaming babae sa mundo, ako pa ang napili niyang pakasalan?
Kesyo he saw the girl he loves in me daw, tapos he loves me daw, pakasal agad? Bata pa ako 'no. Ayoko ko din namang maging isang panakip-butas. Ano ako vulcaseal?
Besides, may hinihintay ako. Wait. Hihi. Hindi ako sure. Meron nga ba?
:D
Parang meron, na parang wala. Hay… teka, tama may pinangakuan ako na hihintayin ko siya pero di ko matandaan ko ng sino.
Blame it on my memory
Okay din naman si Terrence, kaso kasal agad. Hindi ba sya marunong manligaw?
At nagawa pa niyang kumbinsihin ang parents ko ha. With all the family meeting pa daw.
Pero at least nakapasok ako doon sa White Villa a iyon. Ang ganda pala taaga sa loob.
It was one of my dreams. XD. Buti nalang natupad na. Somehow.
Tumayo ako mula sa couch at tinungo ang silid ko sa dorm. Actually, silid namin ng dalawa ko pang kasama. Can't remember their names. Makakalimutin ako eh. XD
Habang naglalakad ako, naisip kong si Terrence lang ang lalaking nakagawa ng malaking impact sa buhay ko for just 2 day 4 hours and… whatever.
AAH.. Ang sarap talagang humiga sa kama.
Pero marami pala akong dapat ipagpasalamat sa lalaking iyon.
-nakapasok ako sa villa dahil sa kanya
-nadagdagan ang allowance ko dahil pambili ng pain reliever sakaling sumakit pa ang likod ko.
-nakakain ako ng maraming mangga
-nakakain ako ng mango float after '48 years'
-nakapasyal ako sa The bay
-nalibre pamasahe ko back and forth.
-nakasakay ako sa isang mamahaling sasakyan
-nakarinig pa ako ng story. '___'
-Nakakita ako ng brown eyed person for real.
-…
…
…
…
…
Nakatulog sya sa pagbibilang.
"Promise mo yan ha?" tanong ko sa batang lalaking humahawak ng aking kamay.
"Promise." Sabi nya na nakangiti. Nakita ko ang bungal niyang ngipin.
"Sige na nga." Sabi ko. " I will marry you Terrence."
And I saw him smile
His brown eyes sparkled against the warm ray of sunset.
The scene shifted.
Nakangiti ako habang hinahawakan nya ang kamay ko. Ang saya-saya ko talaga.
May sinabi sya pero hindi ko narinig. Nang hindi ako natinag, hinila nya ako at pumasok kami sa simbahan. Nagpatianod nalang din ako. Nilingon nya ako.Hindi ko lang gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil nasilaw ako sa mga ilaw sa loob ng simbahan. Pero alam kong nakangiti sya.
BINABASA MO ANG
A mango love story
Teen FictionA mango, a mysterious guy inside a white villa and the mischievous brother. Elizabeth should have known that the aforementioned people, place and things will end her single blessedness.