CHAPTER 3

38 1 0
                                    

*When the music talks, it talks to your heart*

-------------------------------------------

"Guys game na! Andito na si Zoe! Hi Zoe!" Sabrine said while smiling, one of the lyrical dancers sa theatre namin. Sana nga mahawaan niya ko ng pagka-hyper niya this day.

The practice was not yet started and I know dahil yun sakin. Ano ba to! Isa sa pinaka ayaw ko e yung maging 'pa-VIP' ako. They all look at my direction and some of them smiled, others are throwing me death glares dahil na-late ako at ito ang first time ko na-late.

Nagsmile din ako kahit na medyo hindi ko feel magpractice. Hindi ko nga alam kung makakapag-concentrate pa ako sa pagplay ng piano. Feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa ko nakakatulog since Saturday and Sunday.

At isa pa, hindi bagay ang tema namin sa emotions ko. Baka yung happiness maging sadness V_V at Yung practice maging funeral. Valentines day na kc sa Biyernes. Parang kahit saang sulok ako tumingin, naaalala ko siya kung paano niya ako kinantahan noon.

'Baka yung Valentines Day maging Undas lang.'

Dito ako nakatayo sa place kung saan ko siya pinanood habang kinakantahan niya ako noon.

Tumango nalang ako at di na ko nagsalita. Naaalala ko nanaman ang lalaking yun! The one who made my heartbreak! Yung taong gusto kong ibaon sa bulkan! Lahat ng nangyari nung Saturday at Sunday paulit-ulit na nagrerewind sa isip ko kaya nga di ko magawang matulog agad ng dahil sa panggagago  niya sa akin! Shoot! Im damn wasted, am I?

Ito nanaman eh! Naiiyak nanaman ako! Bwiset! Ayoko na umiyak! Kung pwede lang pigain ang mata para di na ko umiyak!

Pero tao lang ako...

may kahinaan...

'Umalis ka na. Kalimutan mo na lahat ng satin. Wag mo na kung kakausapin. H-Hindi na kita mahal'

'UMALIS KA NA. KALIMUTAN MO NA LAHAT NG SATIN. WAG MO NA KONG KAKAUSAPIN. H-HINDI NA KITA MAHAL.'

O_O

WAAAH! hanggang ngayon naririnig ko pa din sya! Para akong mababaliw!

"A-Are you okay Zoe?" Sabrine asked.

Tumingin ako sa kanila and I found them staring at me like they're examining me with their freakin' looks.

Medyo malaki kasi eyebags ko ngayon at halatang galing ako sa iyak.

Mukha na tuloy akong Zombie.

Magandang Zombie.

Biglang tumayo ang president namin. Siya si Ms. Haspher Kate Decano and sad to say, she is Froy Jacob Decano's older sister which happened to be my ex-boyfriend. Sabi niya wag ko siyang tawaging ate. Haspher lang daw kasi nakakatanda kaya yan lang tawag ko sakanya. She looked at me hesitantly but I just gave them a hesitant nod.

She just smiled at me with doubt and clapped her hands thrice to signal us to start.

"Game!" She said. Some rushed to the stage, some are mumbling and some started to check their looks at the mirror before running towards the stage. Of course, hindi mawawala ang mga taong naglalampungan lang sa tabi na parang nawalan lang ng tenga.

Naglakad ako papunta sa piano at inilapag ko ang shoulder bag ko sa ibabaw nito. I deeply sighed and stared at the piano.

Naaalala ko yung mga times na lagi akong dinadaanan ni Jacob dito tuwing uwian para hintayin ako from practice. Nakakatimang nga kasi siya yung may pinakamalakas na palakpak at sigaw tuwing practice or presentations. Parang siya na nga yung naging no.1 fan ko.

Music Diary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon