*Musicality is not just a talent. Its how you feel it, do it and love it*
--------------------------------------------
HASPHER'S POV
Nandito kami ngayon ni Zoe sa rooftop ng school. Bawal dito pero dito ko siya dinala kasi knowing her, hindi siya makakapagopen pag madaming tao.
Zoe is like a sister to me. Matagal ko nang alam na may gusto ang kapatid ko sakanya noon. Lagi siyang binibida sakin ni Jacob. Hindi narin ako nagtaka kasi talagang mabait, matalino at masipag yan. Pag gusto niya ang isang bagay, pinupursue niya. Siya yung tipo ng tao na di-palaimik sa mga taong di niya close pero ang lakas magbasa ng tao.
Ako nga madami siyang alam sakin na hindi alam ng sarili ko. Parang mas kilala niya nga ako kesa sa sarili ko.
Siya din yung tipo ng tao na mapagkakatiwalaan mo sa lahat ng bagay at kahit di makabasag pinggan ang itsura niya, marunong yan lumaban.
She once fought for me when someone wolf-whistled to me and looked at my sensitive parts with lust. Hindi ko nakita pero alam kung siya yun.
FLASHBACK~
Narinig kung may sumipol sa gilid. Nakita ng peripheral vision ko na nakatingin siya sa may dibdib ko tapos parang nagbubulungan pa sila nung mga lalaking kasama niya tapos mamaya maya tatawa. Nakakaimbyerna kasi para silang WALKING DISASTER.
Tumuloy na ko sa paglalakad noon kasi ayoko nalang pansinin yung mga maniac pero napahinto ako nung biglang may narinig akong kalabog sa likod ko. Nilingon ko si Zoe pero nabigla ako kasi wala siya sa tabi ko. Nakita ko nalang na nakatumba yung lalaki sa sahig habang hawak-hawak ang pagkalalaki niya tas narinig ko pang umaaray yung lalaking sumipol.
'Ouchtsupape yun!'
I snapped when Zoe came towards me na parang walang nangyari.
"Tara na?" Tanong niya habang nakangiti. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka.
"A-Anong ginawa mo?"
"Wala naman akong masamang ginawa. Yaan mo, magiging ama pa yan. tara na" She said normally and walked overtaking me. Tinignan ko ulit yung maniac sabay ngisi ko at sinundan si Zoe.
'THATS WHAT HE GET! BWUHAHA!'
~END OF FLASHBACK
Nanghihinayang ako sa kanilang dalawa. Kahit ako, di makapaniwala at di makaget-over para sakanila. What more sakanya?
Hindi na kinuwento ni Jacob sakin kung pano eh. Sabi niya lang, niloko niya si Zoe at nagsawa na daw siya kay Zoe which was so unbelievable to happen.
Last week lang ang sweet sweet pa nila. Nagkukwento pa nga sakin si Jacob at alam kung mahal na mahal niya si Zoe eh.
Pero sakanya na mismo nagmula yung rason...
Pinagalitan ko siya ng sobra at lahat na ata ng panggugulpi ginawa ko dun sa lalaking yun!
Gago pala eh! Nagkalat na talaga mga ganyang lalaki ngayun noh?! Kahit kapatid ko siya mahal ko parin ang mga eba noh! At alam kung siya ang mali.
Mga di talaga makuntento sa isa! Mga madaling magsawa!
Naalala ko noong nagsisimula palang sila....
FLASHBACK~
"Ate sino yung nagpipiano sa play niyo kanina?" Tanong ni Jacob habang ako busy nagtotoothbrush.
BINABASA MO ANG
Music Diary of Love
Teen Fiction"When I think of songs, I remember you. When I listen to it, my heart beats for you. But when the song stopped, I think how are love stopped out of the blue." -Zoe Nisha Lim