*There's a room for your emotions, and that's music*
------------------------------------------
"Riz?" paguulit ko sa kanina ko pang pagtatawag ng atensyon ng bestfriend kong pinakamaaasahan, pinakamabait, Pinakacaring, pinakamahinahon at piiiiiiiiiiiinaka-
"Sssh! Cant you see Im busy? Mamaya ka nga!"
Sagot ni Riz na halatang kanina pa naiinis sa kakatawag ko habang takip-takip niya ang telepono para di marinig sa kabilang linya.
'JOKE lang pala yung sinabi ko kanina. Binabawi ko na!'
-_-'
Paano ba naman kasi! Kanina pa ako nagtatawag pero hindi niya naman ako nililingon! Puro nalang niya shina-shut yung fist niya sa akin habang nakaupo sa sofa at nakatalikod sa akin which means 'Shut your mouth'. Haay, sino nanaman ba kasi kausap niya sa telepono at di man lang niya magawang lingunin ako?
'Cant you see, cant you see?-_- Sus dinaan pa ko sa english!'
Nakita kong ibinalik niya ang atensyion niya sa telepono at biglang ngumingiti-ngiti na para bang uod na binudbudan ng asin. Ahy hindi! Higad na binudbudan ng asin!
Sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik na lamang ang atensyion ko sa cake na ginawa ko. Napabuntong hininga ako at maingat na inilagay ko ito sa kulay pulang box at tinalian ko ng puting laso.
Pero kinakabahan talaga ako! Ngayon kasi ay 2nd anniversary na namin ng boyfriend kong si Jacob at hindi ko talaga akalain na magtatagal kami ng ganito. Hindi naman dahil sa di maayos ang relasyon namin. Sobrang ayos nga e! Ang sweet sweet niya pang boyfriend. Lagi niya ko tinatawagan sa umaga para mag 'goodmorning'. Siya na nga ata alarm clock ko e. Lagi niya din akong hatid-sundo. Pag nagrereview ako, tinatawagan niya ko kahit hindi kami mag-usap para daw mafeel ko na andyan lang siya sa tabi ko hanggang sa matapos ako mag-aral at hanggang sa makatulog na siya. Pag may sakit ako parang siya na ang paracetamol ko at syempre paborito ko ang kaniyang YAKAPSULE! ^_^. Kapag nag-aaway kami, hindi niya palalagpasin ang isang araw na di kami nagkakabati. At ang pinaka-ikinabibilib ko sakanya ay ang di niya pagbitiw sa relasyon namin kahit na minsan hindi ko na siya maharap dahil sa obligasyon ko sa sa aming school theatre.
Kasi bali ganito yan, Song writer ako sa school theatre namin. Expected na talagang abala ako kasi bukod sa may mini-maintain akong grades ay madami pa kong dapat tapusing mga kanta. Andiyan pa yung practices namin tuwing weekends. E paano kasi, sunod-sunod ang activities sa amin. Buti nga nabigyan ako ng free time to celebrate our 2nd anniversary. ^_^ Dati-rati kasi,kahit weekends busy padin. Pero what I love the most about him is...
HINDI KO PA SIYA NARINIG NAGREKLAMO. I think he is really perfect and that's why Im really inlove with him.
Paano kami nagkakilala? Sa school theatre din. Lagi kasi siyang bumibili ng ticket noon everytime may play kaya halos memorize ko na ang mukha niya. No, I never performed na as in bonggang highlight sa stage. Nagp-play lang ako ng piano. Hanggang sa isang araw pagkatapos ng play, nasa backstage na ako noon nang biglang may humigit sa akin at nang makita kong lalaki iyon biglang tumaas ang balahibo ko kasi baka malay mo hold-up to o kaya rape to! Eh hindi ko naman siya kilala that time e. Pero nung nagpakilala siya sa akin at ikinuwento niya sa akin ang lahat, dun kami nagkakilala ng tuluyan hanggang sa magkabutihan na kami ng loob. Nalaman ko sakanya na kaya pala lagi siyang nanunuod sa amin ay dahil sa akin.
SYEMPRE AKO NAMANG LOLA NIYO KENELEG! ^_____^V Akalain niyo yun may nakakapansin din pala sa kagandahan ko. Akala ko ako lang at ang basag na salamin nila Riz eh. Dito kasi ako nakatira sakanila kasi ayoko ang aura ng sarili naming bahay.

BINABASA MO ANG
Music Diary of Love
Teen Fiction"When I think of songs, I remember you. When I listen to it, my heart beats for you. But when the song stopped, I think how are love stopped out of the blue." -Zoe Nisha Lim