Chapter 13

10.3K 138 7
                                    

CHAPTER 13

NANDITO AKO NGAYON sa mall. Anong ginagawa ko dito? Aba. Tanungin niyo itong kasama ko! Marami daw gagawin, eh pagkatapos na pagkatapos ko ba namang pirmahan lahat ng papel ay bigla nalang niya akong kinaladkad palabas ng building na sa kanya pala? Oo sa kanya, at take note ha KINALADKAD po, caps lock para intense. Tignan niyo, ang gentleman niya no?

Tapos andito kami sa tapat ng jewelry store. Hindi kami bibili ng singsing ah, hindi rin kwintas, hindi rin relo. Eh anong ginagawa namin? Eto NAGBABANGAYAN, caps lock ulit para intense. At kung sinabi kong nagbabangayan, as in literal na nagsisigawan kami.

Gusto kasi niyang kumain sa restaurant while gusto ko naman sa fast-food chain lang, like err hindi kasi ako sanay sa mga resto, medyo awkward yung feeling at yung ambiance lalong lalo na yung maaarteng tingin ng mga maaarteng tao sa loob. (Hindi naman lahat pero meron talaga eh. By experience yan.)

"Eh sa gusto ko sa McDo eh! Kung gusto mo magisa kang magresto!"

"No, we are going to the restaurant! Why can't you be obedient even for only one time?!"

Dahil sa sigaw niya dumami lalo ang taong nanonood sa eksena namin chos! Eksena daw oh baka naman Eskandalo. Pero dahil dun may naisip akong kalokohan. Yumuko ako pinilit na paluhain ang mga mata ko, ng lumabo ang paningin ko dahil sa luha ay nag angat ako ng tingin.

"G-gusto ko lang naman kumain ng burger eh. Yun lang ang gusto ko h-hindi mo pa maibigay. You promised me you'd give me whatever I want, then what are you doing right now? Mamamatay na ako sa gutom and you're there shouting at me like an animal." I dialogue with a fake sob. Napangiti naman ako ng lihim sa naging reaction niya. Shock was written all over his face. And of course, because I earned the people's sympathy. Some of them are even shouting 'Iho pagbigyan mo na yang girlfriend mo!' 'Aba'y nangako ka pala iho eh. Ang tunay na lalaki may isang salita.'

"What the... What the fuck are you saying?!" kung may salitang pabulong na sigaw, ganun nga siguro yung tawag sa ginawa niya.

Itinodo ko na ang pag arte ko. Well kung nagtatanong kayo kung bakit may lakas na loob akong ganituhin siya ay dahil bukas pa daw kami magsisimula sa 'contrata' something niya. Ewan ko ba dyan, kailangan ko pa daw magpa-check up para daw masigurado niyang malinis ako. Huh! Baka nga siya eh! Tapos magpa-check up daw, dito sa mall?! Hello? Mall 'to hindi hospital!

Patuloy lang ako sa pag arte hanggang sa pumayag siya, hindi dahil gusto niya kundi dahil may sumigaw ng 'Miss ako nalang! Dadalhin kita kahit saan mo gusto pag ako ang napangasawa mo!'

Eheh! Ako parin ang nagwagi kaya sa McDo kami kumain mwuhahahaha!

"Huy! Ano nga palang gagawin natin dito sa mall? Kanina pa tayo naglalakad eh. Ano bang hinahanap mo? Akala ko ba magpapa check-up?"

"Would just shut up? It would be a very big help if you would."

"It would be a very big help if you would nye nye nye." I mimicked him while making faces.

"Tss! So childish."

"Whatever."

DAMN! I CAN'T believe this woman and her moods. One time she's childishly crazy, one time she's scared of me then one time she's brave enough to talk back to me and break my rules. And we didn't even start yet! Gracious! Tomorrow, I swear she won't leave  my bed without a wheelchair.

"We're here. Get in."

"Itídorfa Salon?"

"Good, you can read. Obviously."

"Che!" She spat at me and entered the salon.

"Dyonisio! Napadalaw ka?" Aphrodite greeted me at nakipag-beso sa akin. "And who's this fine lady you brought with you?" Yeah right, fine lady.

"She's Paris, and how many times do I have to tell you Planeta, not to call me Dyonisio."

Summing it all up, he can say that Aphrodite or 'Planeta' as he nicknamed her, is his closest cousin. She's his cousin on the father side. Planeta's mother is his father's bigger sister. Even tho, he's still older than her because his dad was the first to get married.

"Well you called me Planeta so we're quits." Inirapan siya nito bago huamarap kay Paris. "Hi Paris! I'm Aphrodite. Nice to meet you."

"NICE TO MEET you too Plane— este Aphrodite."

"So, you are my cousin's....?" Natatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Ahmmm.." Napasulyap ako kay Damon na nakangising nakatingin sa akin na para bang sinasabing 'Huh! Try to answer that.'

Popcorn naman  oh! Alangan mamang sabihin kong 'Ah ako? Ako lang naman  ang dakilang future sex slave ng magaling mong pinsan.'

Nagpapasaklolong tumingin ako dito ngunit umiwas lang ito ng tingin at kunwaring tinitignan ang mga display na bulaklak. What? So he's gay now? Sa inis ko ay hindi ko na namamalayan ang namutawi sa bibig ko.

"I'm his girlfriend."

0~0~0~0~0

To @SilentBitch_JF it's for you 😘

BDSM 1: Damon StavrosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon