Chapter 19

7.1K 78 4
                                    

CHAPTER 19

Nagising ako ng ala 1 ng hapon kinaumagahan. I can't believe I over slept! Mga alas 6 ng umaga na kasi akong nakatulog kakaisip sa nangyari. Buti nalang linggo ngayon at pang hapon lang ang trabahong meron ako. 2:30-5:00 ang trabaho ko sa hotel kaya may oras pa ako para mag handa.

"Nak! Gising ka na ba?" Sigaw ni tita Tina mula sa labas ng kwarto, kapit bahay naming ubod ng bait. Pansamantalang siya ang tumatao at nagbabantay dito sa bahay dahil halos hindi na din ako umuuwi para bantayan si mama sa hospital.

"Oho!"

"Mabuti naman. Maghanda ka na at halikana't kumain. Tumawag ang kaibigan mo kanina gising na daw ang nanay mo. Ano bang nangyari sayo at napasobra ka ata ng tulog ngayon?"

"Ah eh wala nay napagod lang ako sa trabaho kahapon." Jusko panginoon ko patawarin niyo po ako sa mga kasinungalingan ko amen. Sa totoo lang hindi naman talaga ako pumasok sa mga trabaho ko kahapon kasi maghapon kaming magkasama ni Damon- teka. "Gising na ho si nanay?!" Hindi ko maiwasang ma excite at kabahan. Masaya ako dahil nagising na si nanay pero kinakabahan din ako sa kung anong pwedeng mangyari kapag tinanong niya kung saan ko nakuha ang perang ginamit pampagamot sakanya.

"Aba'y oo pero panandalian lamang. Nakatulog din daw agad. Ang mabuti pa ay gumayak ka ng magtrabaho at tsaka mo puntahan ang nanay mo. Panigurado'y hindi pa naman raw siya magigising muli dahil sa epekto ng mga gamot. Wag ka nang mag alala. At tsaka kung sakali mang magising daw siya ay tatawag daw sila sayo."

"Ahh sige po." Akala ko pa naman makakausap ko na si inay. Gusto ko sana siyang puntahan kaso baka tanggalin na ako ng amo ko sa hotel. Marami raming beses na rin kasi akong nag emergency leave dahil sa paminsan minsang pag atake ng sakit ni nanay. Nung huling beses ay binalaan na ako ng amo ko kaya hindi ako pwedeng hindi pumasok ngayon. Mabuti na lang at nag alok si Arosha na siya muna ang magbabantay kay nanay habang nasa trabaho ako. Hindi naman kasi niya talaga kinakailangang magtrabaho sa dahil may kaya naman ito sa buhay at isa pa isa siya sa may ari ng hotel. Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimulang mag ayos para sa trabaho.

"PARIS KUMUSTA KA naman? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Tanong ni Emy. Katatapos lamang niyang maglinis ng isang kwarto sa hotel habang ako naman ay nililinis ang lapag.

"Oo naman." Tumigil muna ako saglit para makapag usap kami ng maayos.

"Mabuti naman kung ganon. Nga pala may ibibigay ako sayo halika dito." Lumapit ako sa kanya. May kinuha siyang nakatuping sobre mula sa bulsa ng uniform niya at inabot ito sakin.

"Ano 'to Emy?" Tanong ko rito habang sinusubukang aninagin ang nasa loob.

"Hmm...sabihin nalang natin na tulong ko yan. Nakuha ko na kasi yung sahod ko sa part time ko kahapon. Pandagdag bayad sa utang sa banco." Nagulantang ako dito.

"H-ha? Ano ka ba Emy hindi na kailangan, kunin mo na to. Diba kailangan mo din ng pera? Hindi ko matatanggap 'to." Sinubukan kong ibalik sa kanya ang sobre pero umiwas lang ito habang umiiling.

"Wag kang magalala Paris. Okay lang sige na gamitin mo na yan. Tsaka isa pa tulong ko na din kay tita yan. Alam naman natin na tinuturing na namin ni Arosha na pangalawang nanay si tita kaya sige na tanggapin mo na."

Mabilis akong binalot ng konsensya. Heto sila at ginagawa ang lahat para makatulong samantalang niloloko ko sila. Hindi ko ginustong magsinungaling sakanila ngunit ayoko din namang sabihin ang totoo. Unang una ay dahil ayokong magalit sila saakin at pandirihan nila ako sa mga nagawa ko. At pangalawa ay dahil nakalathala sa contrata ni Damon na hindi ko maaring ipagkalat ang mga napagusapan namin sa mga taong wala sa setup na iyon ng walang permisyo niya dahil narin kilala siya sa mundo ng negosio at maaari itong makasira sa kanya kapag kumalat.

Maliban ruon ay may natira pa sa nakuha kong pera mula sa subasta. Medyo marami-rami pa yun ngunit ayokong magpakasiguro dahil alam kong sa mga ireresetang gamot para kay mama ay mabilis rin itong mauubos sa hinaharap kaya patuloy parin ako sa paghahanap ng trabaho. Isa pang pinoproblema ko ay si Damon. Hindi ko alam kung paano ko siya isisingit sa mga trabaho ko at sa pagbabantay kay nanay. Sa sobrang dami kong iniisip ay biglang kumirot ang ulo ko.

"Paris? Paris. Ok ka lang? Paris!" Yun na ang huli kong narinig bago ako panawan ng ulirat.

"NASA MAAYOS NA kalagayan na siya. She passed out because of fatigue and too much stress. She doesn't get enough sleep and food, because of that, her organs aren't functioning well because she lacks energy. I require her to get more sleep and rest everyday and eat healthy food. She also needs to take in some vitamins. Here's a list. I'll come back later to check on her and if she feels better she can be discharged by the end of the day."

"Salamat doc." Unti-unti akong nagmulat ako ng mata at bahagyan nasilaw sa liwanag. Namulatan ko ang isang napaka pamilyar na kwarto. Puti lahat ng kagamitan at higit sa lahat ang amoy disinfectant.

"Paris mabuti naman at nagising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa nag aalalang Emy sa tabi ko.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?"

"Hinimatay ka kanina sa trabaho. Sigurado ka bang kaya mo pa Paris?" Tanong nito sakin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Paris unang una sa lahat ang laki na ng ipinayat mo nagpapalipas ka ba ng gutom? Yang mga eye bags mo kulang nalang lumipad, lumolobo na! Ano bang nangyayari sayo? Hindi mo ba inaalagahan yang sarili mo?! Kung yung mga utang mo ang pinoproblema mo pwede ka namang humiram samin kung hindi mo na talaga kaya eh! Pero Paris naman! Tignan mo nga yang sarili mo! Hindi ka na mukhang tao. Sa tingin mo ba matutuwa si tita pag nakita ka niya sa ganyang lagay ha? Isipin mo naman yang kalusugan mo! Sa tingin mo ba matutulungan mo si tita pag ganyan ang lagay mo?! Sa tingin mo saan ka pupulutin sa pagpapairal mo ng pride mo?!" Pangaral sakin ni Arosha. 

"Arosha kumalma ka nga. Hindi ito ang oras para pagsabihan siya. Kakagising lang niya ano ba, kausapin natin siya ng mabuti." Pag papakalma ni Emy rito pagkatapos ay bumaling sakin. "Paris alam naming mahal mo si tita at ginagawa mo lang yan para sa kanya. Pero mahalin mo rin naman yang sarili mo. Alam mo ba ang naramdaman ko nung hinimatay ka sa harap ko?"

"P-pasensya na. Wag kayong mag alala ngayon lang 'to, hindi na mauulit. Hindi lang talaga ako makakain at makatulog ng maayos dahil sa kakaisip. Pasensya na at nadamay pa kayo." Guilt is eating me up. Not only because I'm lying but because I'm  deceiving them into believing that I needed money to pay off my depths from the bank when in fact I don't.

"Paris, hindi kami galit dahil nadadamay kami kasi una sa lahat hindi lang naman kami naisali dito. Nandito parin kami kasi gusto ka naming tulungan. But how the hell can we help you if you yourself are ruining your body?! Konting tulong lang Paris! Parang awa mo na. Kung hindi na talaga kaya ng katawan mo kahit konting tulong lang, hingin mo sa tatay mo. Because seriously it hurts us more than you know, to see you lying on that bed when we all know that you are the strongest one of us three." Lumabas ng umiiyak si Arosha. I wanted to say sorry, I wanted to tell her, them, everything. Pero pinanghihinaan ako ng loob. Kasi alam kong mas lalo lang silang magagalit na imbis na ibaba ko ang pride ko at humingi ng tulong sa taong umabandona saamin ay mas pinili kong pang ipag benta ang sarili ko.

"Hayaan mo na muna siya. Alam naman natin na magpapalamig lang yan. Tsaka pagpasensyahan mo narin siya sa mga sinabi niya. Nag aalala lang yun." Napabuntong hininga ito. "Paris... matagal na namin napapansin at gusto sanang itanong sayo ito pero, napapansin kasi namin na magmula nung na-operahan si tita ay hindi ka na masyadong umiimik, para kang takot na ewan at para kang stress. Dahil lang ba talaga to sa utang o may iba pang dahilan? Ayaw ka naming piliting sumagot pero hindi ko na talaga matiis na ganyan ka. Ano ba talagang meron Paris?" Natigagal ako sa mga sinabi niya. Seryoso itong nakatingin sa mga mata ko ng biglang may pumasok na nurse.

"I-checheck ko lang po yung pasyente." Napahinga ako ng malalim. Muntik na yun.

~0~0~0~0~0~

No ideas for the next chapter. Care to help me? Dm me :)

Hindi ko alam kung na o-over acting-an kayo kay Arosha but meh character niya yun eh. That's just the way she is. She's just worried so please don't bash although na o-oa-han din ako hahaha.

BDSM 1: Damon StavrosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon