Chapter 1

1.7K 30 1
                                    

Chapter 1

Mission Accepted


"Why should I find the Mafia Boss?" mahinang bulong ko habang nakayuko. "Boss, ba't ako?" tumingin ako kay Boss Luke at bakas pa rin ang gulat sa mukha niya.

"Eh kasi ikaw ang pinaka magaling na pulis sa buong head quarters! Na-approve na rin ni Head Chief De Ramon" Si Chief Ortiz ang sumagot at mukhang naka recover na siya sa ginawa ko kanina, naka straight face na siya. "Alam kong kaya mong magawa ito because you are talented and you are a one of a kind young woman!" Paliwanag niya pa.

"Chief, kung pusher lang naman o drug lord, push! Eh kung Mafia Boss na eg, aba ewan na lang." Napaupo na lang ako sa upuan atsaka ako tumingin kay Boss. "Boss, Tama naman ako diba? Tulungan mo naman ako!"

"A-Ah... magandang oppurtunity naman ang sinasabi ni Chief Ortiz eh! Tanggapin mo na lang." Wow ah! So wala na akong kakampi ngayon? "Para din sa career mo"

"Boss, Chief, iba na lang!" nasapo ko ang noo ko. Naguguluhan ako, tatanggapin ko ba ang offer o hindi? Haaaay!

"Eh ikaw na lang ang pag asa namin Miss Esidro." Aish! I'm so stubborn right now. Oh my gosh!

"At Yani, ayaw mo ba 'yun? Ipa-plaster sa TV 'Yani Estrido Nahuli Mismo ang Mafia Boss' oh! Mas angat pa iyon kaysa sa isang 'di hamak na pusher lang!" pag eencourage ni Boss sa akin. Waaaah! Ano na?!


Pareho lang silang nakatingin sa akin at nag hihintay ng sagot. Pabalik balik naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Ano ba ang pipiliin ko? Career ko o 'yung dignidad ko? Career o dignidad? Dignad! Syempre, dignidad! Okay, final, DIGNIDAD!


"I accept your offer Chief Ortiz, para sa career ko." okay. Nasabi ko na, inaccept ko ang alok ni Chief Ortiz. At for sure tuwang tuwa sila kasi pumayag ako! Pero...


Pwede mag back out? Hehe. Hindi ko ata kaya eh! Mafia Boss 'yun, oy! Hari ng krimen! Paano kung ipapatay ako nun? Ipa-salvage? O baka naman ipakatay ako tapos lahat ng laman loob ko ay ibenta sa black market? Haaaay! Masyado naman agad ata akong nega? Oo, iisipin ko na lang na kapag mas ginalingan ko dito, baka mapromote pa ako!


"When will I start?" Tanong ko kay Boss habang kasabay ko siyang naglalakad papasok ng elevator.


"Kelan mo ba gustong simulan?" Tanong nito at pinindot ang button tungong second floor.


"Asap po,"


"Okay, sumama ka sa akin sa office of the Head Chief ngayon para ipaalam sayo ang buong details ng ating Mafia Boss." Tumango naman ako. Pinindot ulit ni Boss ang button, pero ngayon naman ay ang tungo nito ay sa fifth floor kung nasaan ang office of the head chief.


Nakarating kami sa fifth floor at agad naman kami pumunta sa main office ng head chief. "Good afternoon sir," bati namin dito pagkapasok namin. Tumango lamang ito.

"It must be SPO3 Yani Esidro? Ang mag sosolve ng case ng ating Mafia Boss?" Sabi nito habang rina-rock  niya ang kanyang swivel chair.


"Yes sir, siya nga po." sagot ni Boss Luke.

"So she accepted the offer?" nakangiting tanong nung chief. Tumango lamang kami. "So I believe you're here for the details of the case, am I right?" ay hindi. andito kami para hold up-an ka. 'Yan na talaga 'yung gusto kong sabihin eh! Andami pang satsat, pa intense much? Wala tayo sa telenobela para sa mga ganyan!


"Yes po," mahalata mo sana 'yung boredom sa boses ko.

"Okay, mukhang bored ka na. Come here, let's talk about the case." buti naman at nahalata mo ang pagkabagot ko sa boses ko. Hmp! Lumapit ako sa kanya tulad ng sinabi at inopen na niya ang laptop niya. Agad naman nag pop up sa screen ang mukha ng isang lalaki na hindi malayo sa age ko. Twenty na kasi ako, tapos siya mga nasa twenty one or twenty two siguro. And I must admit, he is handsome! Mukha nga lang siyang masungit gawa ng singkit niyang mga mata.


"So, is that the Mafia Boss?" turo ko sa screen.


"Uh-huh," tango tango niyang sagot. "So based sa mga ginawa namin, ang pangalan niya ay Dave Martin Asuncion. At isa siyang HRM graduate which really confuses us kung paano siya napadpad sa pagiging hari ng krimen. And now... nakatira siya sa- err... hindi pa pala nahahanap." Isinarado niya ang laptop niya atsaka tumingin sa akin ng seryoso. "And... that's your job. Find where the Mafia Boss lives."


"Sus! 'Yun lang naman pala gagawin ko, sir. Hahanapin ang bahay ng Dave Martin na 'yun? Haha! Dito na lalabas ang stalking skills ko." pagmamayabang ko.


"don't be too confident Miss Yani. Hindi lang ang bahay ni Mister Dave ang hahanapin mo. Kasama pa doon ang hideout niya at ang mga alipores niya." ano ba yan! Akala ko talaga hahanapin ko lang ang bahay ng pesteng Mafia'ng 'yun!

"Ano po ba ang mga recorded crimes ng Dave na 'yan?" Tanong ko. Kasi parang, never naman na include sa news 'yan, eh!


"Selling in the black market. At siya ang isa sa mga numero unong sangkot sa nagbebenta ng mga ilegal na kagamitan. And we all know, selling in black markets is a crime. It's against the law!" Oh, okay. Now everything is clear.



"What are they selling?"



"They sell gadgets that can hack through the system. And we can't easily go to a black market, specially us polices. We tried so many atempts getting into a black market pero matindi ang segurdad nila." Ngayon mas nagiging malinaw na ang lahat ng sinasabi sa akin ni chief. At mukhang ako nga ang susi nila sa krimen na iyon.


"Okay, sir. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahuli ang pipitsuging Mafia Boss na 'yun." And I am sure of that. And besides, para rin ito sa career ko!


"Good luck Miss Yani, I know you can do it!" And by that, umalis na ako. Napansin ko rin na wala na si Boss Luke doon, umalis na siguro.


Nagvibrate ang phone ko sa loob ng aking bag. And it's a message from Boss Luke.


Boss Luke

Yani, nauna na ako. Kinailangan ako sa opisina. I know you can do it.

Another encouraging words from my boss. Boss Luke is like a father to me. Except sa age gap namin na thirty years, palagi din siyang nandyan para sa akin. He teaches all of this and that. And he is the key to my success. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kaya naman itong task na ito, pagbubutihin ko ito. And speaking of task....


When shall I start it? Hmm... tomorrow!




***
Vote and Share!

Hi guys! Chapter one is done! Sana nagustuhan ninyo.

Ay! May mensahe pala ako para sa mga KDRAMA LOVERS dyaaan.

Sino po ang nakapanood na ng Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo ?

So um, honestly hindi pa ako naka move on sa ending na nakakabitin nun kahit ang tagal na niyang natapos at isa pa rin ako sa mga humihiling ng Season 2! At dahil hindi na mapalagay ang loob ko dito dahil kahit sa panaginip ay napapanaginipan ko si Lee Joon Gi a.k.a Wang So at si IU a.k.a Hae Soo, ginawa ko silang characters ng story na 'to!

Kaway-kaway naman dyan sa mga nakapansin nung cover ng libro na 'to kasi sila 'yun!

Waaaah! Ampogi ni fafa Joon Gi (Wang So) <3

Ay! Isama na din natin ang Legend of The Blue Sea sa usapan na kada-week inaabangan ang mga episodes!!! <3

Okay, byeee! :)

~Ate Pia

Finding The Mafia Boss's HideoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon