Chapter 3

1.7K 41 5
                                    

Chapter 3

Trespasser
__

Yani's POV

Papasok sa building ng headquarters, as usual astig ang dating ko... dati. Kasi ngayon, para lang akong zombie na naglalakad. Tapos 'yung mga ibang strands ng buhok ko, nasa buhok ko. 'Yung eyebags ko pa mas malaki pa sa maleta nga mang-iibang bansa, idagdag mo pa 'yung fact na wapakels 'yung make up ko.

"Oh, Miss Yani. Ano pong nangyari sa inyo?" Tanong nung nakasalubong kong kapwa pulis. "Sobrang traffic po ba sa labas kaya na-haggard na naman kayo?" Sana nga! Sana nga dahil lang sa traffic kaya ako haggard, pero hindi eh! Na-haggard ako dahil sa letcheng misyon ko na sinimulan ko lang kahapon!

Oo, nakatulog ako agad pagdating ko kahapon galing sa misyon. Pero nang magising ako sa dis oras ng gabi, ito na ang nangyari.

Flashback

"Uy! Ice cream, astig! Miss ko nang kumain niyan!" Nang tumakbo ako papunta sa ice cream na may cherry sa taas, tila nag slow motion ang buong paligid. 'Yung parang mga nangyayari sa mga palabas sa babae at lalaki. Pero sa case ko, ako at 'yung higanteng ice cream! Nang malapitan ko na siya, didilaan ko na ito nang...

*kriiing

Napadilat ako! Tumingin ako sa paligid ko para hanapin 'yung higante kong ice cream, pero wala! Panaginip lang ba 'yun? Huhu.

Pero kesa sa magfocus sa higanteng ice cream na hindi naman pala totoo, hinanap ko na lang kung saan tumunog 'yung nagpagising sa akin. At nakita kong sa phone ko iyon. Tumatawag si Boss Luke. Kaya sinagot ko na ang tawag.

"Hello, Boss." Sagot ko habang nagkukusot ng mata.

"Yani nasa labas ako ng unit mo. Be ready in 10 minutes may pupuntahan tayo." Sabi niya at pinatay na ang tawag na hindi 'man lang ako hinintay na sumagot. Aba't bastos din minsan kausap 'tong si Boss, ah!

Tinignan ko ang oras sa phone ko at nakitang dis oras na ng gabi. Eleven o' clock na. Pero teka, gano'n ako katagal natulog?

Bumangon na ako at nagbihis na. Simple lang ang suot ko. White t-shirt, fitted maong pants, naka-leather jacket din ako kasi malamig na sa mga oras na 'to, at may black kap din ako. May sinabit din akong black na sunglasses sa collar ng t-shirt ko just in case misyon na naman ang gagawin namin.

Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin si Boss Luke na naka-same outfit din tulad ng akin. Anong meron?

"Oh Boss, anong meron?" Tanong ko.

"Nahanap na namin ang lugar na tinitirhan ng ating Mafia Boss." Paliwanag niya. Tumango-tango na lang ako habang papasok kami ng elevator pababa ng condo.

Pagsakay namin sa kotse, "Ano pong gagawin natin?" Tanong ko.

"Trespass," sagot niya na nakapagpagulat sa akin.

"Trespass?! Eh diba, ilegal 'yun?" Inalog-alog ko 'yung braso niya habang nagdi-drive siya.

"Ano ba, Yani! Nagdi-drive ako!" Sigaw niya kaya binitawan ko agad siya. Pero hindi pa rin natapos ang kakabunganga ko tungkol sa pagte-trespass daw namin sa bahay nung Dave. "We are doing this as a job, Yani. Plus, suggestion din ito ng Head Chief." Dahil doon, pinili ko na lang manahimik.

Pagdating sa nasabing bahay daw ni Dave, bumaba na ako sa kotse and- wow! Don't underestimate nga naman mga tsong. Akalain mo, isang kriminal? Well, he's a powerful Mafia so, ba't nga ba hindi ko naisip na hindi pa pantay ang salitang mayaman sa estado ng buhay niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding The Mafia Boss's HideoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon