Chapter 2

1.3K 31 9
                                    

Chapter 2

Grocery Disaster!

"Sir, papasok siya ng grocery! Baka magnakaw!" Para akong tanga dito to be honest kasi wala talaga yung mga kausap ko sa harap ko or tabi ko, wala din namang cellphone'ng nakatapat sa tenga ko. Mic lang naman na maliit tapos naka ipit siya sa bra ko. eh, weird.



"What are you waiting for?? Sundan mo!" Sagot naman nito, may nakakabit din kasi sa tenga ko na parang wireless earphone something like that. Agad ko naman sinunod ang sabi ni Sir De Ramon, yung head chief of police na kausap ko kahapon.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at sundan siya. Mukhang gagawa siya ng move!

Papasok ng grocert, naka casual clothes lang ako. Hindi 'yung uniform ko. Pero dala ko pa rin 'yung baril ko just in case. And speaking of baril...

*toot toot toot

Nag alarm. Bago ako sitahin nubg guard, pinakita ko 'yung I.D. ko. "SPO3 Yani Esidro" Sabi ko tapos pinayagan na niya akong makapasok.

"Sir, sir, ito na...." tinulak na ni Dave, yung Mafia Boss kuno, yung push cart na hawak niya and.... "Kumuha siya ng isang supot ng repolyo!--- A-Ano? Re-Repolyo? Wha-Wh-Whaaaat?!" What I expect is gagawa siya ng something disaster! Pero mag... mag... mag nonormal grocery lang pala siya! Eh? What do I expect, tao pa rin naman siya so kailangan niya pa rin gumawa ng normal stuffs, tumatae rin siya tulad natin, nagpapatuli din siya tulad ng ibang lalaki– what the hell am I thinking?!

Maya-maya, may nagtap ng balikat ko at nagulat ako na si Dave yun! Tumingin ako sa kaninang puwesto kung nasaan siya at wala na nga siya doon. Hala! Nahalata niya ba na sinusundan ko siya tapos maghahasik siya ng lagim tapos ipapa salvage niya ako tulad nung sa mga pelikula?! Uwaaaah! Wag naman po sana!!!

Papalapit siya ng papalapit sa mukha ko, paatras naman ako ng paatras hanggang sa wala nang space at napakapit na lang ako sa parang compartment o kung ano man yung sinasandalan ko ngayon. Jusme, hahalikan niya ba ako? >/////////< 'yan ang mga nasa isip ko ngayon, ganyan kasi ang nangyayari karaniwan sa mga scenes na napapanood ko sa t.v. eh. 'Yung lalaki lalapit sa babae, aatras 'yung babae hanggang sa wala nang maatrasan, tapos doon na hahalikan nung lalaki 'yung babae hanggang sa maghalikan sila tapos mauuwi sa ano! Waaaah!

Hanggang sa... naamoy ko na 'yung mabango niyang hininga. Shet, ito na ba 'yun? paulit ulit kong tanong sa isip ko pero natigil 'yun nang nagsalita na siya, "Miss? Excuse lang ha? Nasa likod mo yung dapat kong kunin, so kung pwede, tabi ka muna?" Sabi niya. Phew! Muntik na yun, ah! Pero pahiya ako doon, ah, may papikit pikit pa ako. Hehe my bad. >///////<

Tumingin ako sa likod ko at nandoon ang stalls ng mga toothbrush and such. =_____= "Ah.. E-hehe.. So-Sorry.. sabi ko nga tatabi na ako." Umalis na ako doon at kumaripas na ng takbo dahil sa kahihiyan! Naramdaman ko naman ang mga mata niya sa akin habang tumatakbo. Hanggang sa nakalayo ako sa kanya, hinahabol ko ang paghinga ko. Tumingin ako pabalik para makita ko kung andun pa siya pero wala na kaya napasandal na lang ako sa isang stall at hinawakan ko yung dibdib ko na parang nagkakarerahan sa sobrang bilis.



Naalala ko yung mga titig niya sa akIn kanina. Ewan ko ba kung ano, pero parang nanlikisik yung mga mata niya, nakakatakot! Pero base sa image na ipinakita sa akin ng chief, singkit talaga siya. Kaya... haaay hindi ko maipagkakaila na... ANG POGI NUNG MAFIA BOSS AH, INFAIRNESS!!!! *0*

Hala! Paano na yung mission ko? I lose track on the Mafia Boss, paano na yan?

"Hello? Hello, Yani? Andyan ka pa ba? Hello??" Oh, nakalimutan ko nga pa lang may nakasabit sa aking kung anu ano, plus may nakakabit din pala sa akin na tracking device.


Finding The Mafia Boss's HideoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon