Simula//Trailer

4.5K 58 0
                                    

Simula

Habang nag aalmusal ako sa condo ko, biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Ibinaba ko muna ang mga kubyertos ko para saguting ang tawag.

"Yes, boss. Napatawag ka?" Bungad ko sa tumatawag.

"Ah... Yani kailangan ka ngayon sa opisina ni Chief Ortiz. Ngayon din" sabi naman niya. Napangiti naman ako, may special news na naman sigurong ipapabalita sa akin. Gustong gusto ko iyon!

"Yes boss! Bagong trabaho naman! I'll be there in twenty minutes!" Binaba ko na agad ang telepono at niligpit ko na ang aking pinagkainan. Mamaya ko na lang huhugasan 'yung pinagkainan ko.

Malapit lang naman dito 'yung pinagtatrabahuhan ko eh. Magtataxi na lang siguro ako kasi tinatamad akong mag drive. Pero sure akong hindi ako male-late nun!

~~

Joke lang. Male-late na ako. Ang traffic grabe! Ang aga aga pa eh tapos ganito na ka-traffic?!

Tanaw ko na 'yung head quarters na pinagtatrabahuhan bilang isang pulis!

Haay! Kaya na siguro nito ang paglalakad. Tanaw na tanaw naman na siya eh!

"Manong, dito na lang po, ito na bayad." Inabot ko na sa matandang driver na nasa mid 60's na siguro. Bumaba na ako ng taxi at agad na sumalubong sa akin ang daan na puno ng usok at alikabok. Nagtakip ako ng ilong para hindi ito malanghap.

Pagdating ko sa loob ng building, ang haggard na agad ng mukha ko. Mabilis akong nagtungo sa CR para mag retouch ng makeup. For sure lusaw na ito sa sobrang init sa labas. Tagaktak na rin ang pawis ko!

Pagtapos ko mag retouch, mabilis akong tumakbo sa elevator para maabutan ito bago pa sumara. Pero malas! Nasarado na! Paulit ulit kong pinindot ang up button pero ayaw bumukas.

No choice. Stairs!

Hingal na hingal ako pagpasok sa office ni chief Ortiz. Nandoon din si Boss Luke, 'yung tatay tatayan ko dito sa trabaho, siya 'yung nagtuturo kung paano 'yung mga ganito ganyan, sa kanya ako natuto kung paano maging isang magaling na pulis!

"Good morning, Chief. Sorry I'm late, sobrang traffic!" Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table ni Chief Ortiz habang ako ay humihingal pa rin. Hinahabol ko ang hininga ko.

"Okay lang, naiintindihan ko–"

"Ano po 'yung bagong trabaho na ipapagawa niyo sa akin?" abot tengang ngiti ko habang sinasabi iyon sa kanya.

"Well..." hinihintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya with matching sparkling eyes pa. "...you shall find the Mafia Boss." bumagsak ang ngiti ko. Ang kaninang abot tainga kong ngiti, ngayon ay abot paa nang busangot.

"you shall find the Mafia Boss."
"you shall find the Mafia Boss."
"you shall find the Mafia Boss."

Paulit-ulit ko iyon inuulit sa utak ko hanggang sa maiproseso ito. Nang bigla kong naunawaan...

"I SHALL FIND THE MAFIA BOSS!??!!" Napatayo pa ako at napahampas sa table at nagulat naman sila sa ginawa ko.

Pabalik-balik ang tingin ko kay Chief Ortiz at Boss Luke.

"Why should I find the Mafia Boss?" mahina at nakayuko lang ako habang sinasabi ito.


TRAILER:
(Please watch the TRAILER, pinaghirapan ko po 'yan. Thanks ^^)


Thumbs up or Thumbs down? ;)


***
vote and share

hi guys, sa mga unang nakabasa nito, may mga binago po ako so wag po kayong malilito. Pati na rin po sa ibang chapters na napublish narin, may mga babaguhin po ako doon. thank you po :)

Finding The Mafia Boss's HideoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon