Kisses

359 16 1
                                    

Finally, natapos din ang araw na ito. It was an okay day for me. Three subjects lang ako today pero madami akong ginawa sa school. In between classes kasi I tried to look for clubs or anything na pwede salihan. Some might say na I am an overachiever but I just want something to do. Ayoko ng nababakante yung oras ko.

"Good evening ma'am Kisses", bati ni ate Jane sa akin. Agad niyang kinuha ang bag ko at pinauna akong umakyat sa kwarto ko.

Nang malapit na kami ay napansin kong walang ilaw sa kwarto ko. "Ate, ba't hindi nakabukas ilaw ko?"

Noong bata kasi ako takot ako sa dilim kaya naman bago ako pumasok sa kwarto ay sinisiguro muna nila na nakabukas ito. Pero hindi na ngayon of course. Hindi na ako takot, it's routine na lang.

"Sorry po ma'am."

"It's okay ate", sabi ko habang binubuksan ang pinto. "I think it's about time---"

"Surprise!" sigaw ng isang babae ng mabuksan ko na ang ilaw. Napaatras ako sa sobrang gulat ko pero napangiti din ng makita kung sino iyon. Agad akong tumakbo para yakapin siya.

"Ate May!"

"Kisses! Namiss kita!" sabi niya habang nakayakap din sa akin.

Ilang buwan din kaming hindi nagkita dahil sa training ko sa pageant.

"Congrats ha! Sabi ko naman sa iyo mananalo ka eh."

"Thank you ate May. Kanina ka pa dito?" Tumingin ako sa relo ko, eleven o'clock na. "Gusto mo ng juice or snack?"

"Wag na. Okay lang ako. Busog pa naman ako eh. Mas gutom ako sa mga kwento mo."

"Kanina ka pa dito?" muli kong tanong sa kanya.

"Hindi naman. Galing din kasi ako sa dorm kanina. May tinuruan ako doon. Alam mo nga, ang cute niya!"

"Uyyy, may crush si Ate May."

"Buang. Ang bata pa nun noh. Pareho kayo ng age nun. Kayo ang bagay."

"Ngee, hindi ko nga kilala yan. Crush is paghanga naman kaya kahit mas bata siya okay lang yun."

"Kwento ka na lang ng mga ganap mo."

"Mamaya na. Shower lang ako ha. Bihis ka na rin, dito ka na matulog."

I didn't wait for her to answer at nagtungo na ako sa bathroom ko. For sure, balak niya talagang matulog dito. Sa lahat ng naging scholars namin, si ate May ang naging bestfriend ko. Siguro kasi naging yaya ko yung mom niya kaya bata pa lang magkakilala na kami. She is my bestfriend and I tell her everything . She's like my walking diary.

After I showered I saw her sitting on my bed wearing pyjamas. Sabi ko na ready siya eh.
Buti na lang din maaga ako umuwi from the party.

"Anong party nga pala pinuntahan mo kanina? Aga mo yata umuwi." tanong niya ng tinabihan ko na siya.

"Acquaintance party. Wala naman din kasi ako masyadong kausap doon kaya umuwi na ako."

"Baka naman hindi ka talaga nakikipagkwentuhan", there's a hint of accusation sa voice niya.

I sighed. "You know naman na it's hard for me to trust right away."

"Kisses...", sabi niya na parang nanenermon ang mga mata.

"Ate May...", ganti ko. I can't help it. I've been too nice and friendly before but people took advantage of me that's why now I've built up walls to protect my heart.

"First year of college. Bagong simula, bagong chance para makakilala ng mga bagong mga kaibigan. Bigyan mo naman din ang iba ng pagkakataon na makilala ka."

Lucky TeensWhere stories live. Discover now