"Bakit andun si Marco?" tanong ni Kristine habang palapit kami sa usual spot namin sa cafeteria. "Ang aga niya yata."
"Girls!" tawag ni Marco. "Dito tayo."
"Baka same din lunch break ni Heaven", hula ko habang naglalakad kami papunta kay Marco. Ang usual spot kasi namin ay sa pang apatan lang since si Aizan naman ay hindi namin kasama maglunch. Si Edward naman hindi rin sasabay kung wala si Marco. Pero just in case na tamarin si Marco magluto nirereserve namin yung spot na yun para sa kanila.
"Oy Marco, balita ko may pa-almusal ka kanina ah", pabirong sabi ni Kristine habang umuupo kami.
Makahulugan ang tingin sa akin ni Marco bago siya sumagot. "Hay naku, nakapagsumbong na agad."
"At nagpromise ka daw na ipagluluto din kami", dagdag ni Kristine.
"Yes po mga madam. Kaya wag na kayo magtampo." Sa akin talaga siya tumingin ng sabihin ang huling salita. Tss.
"Dapat! Aba, nauna pa siya sa amin."
"Bakit nga pala dito ka umupo?" tanong ko pero alam ko na ang sagot.
"Sasabay si Heaven. Pati na si Edward at Kisses."
Nagtinginan kami ni Kristine. "Ah, yung maaga umuwi kagabi", sabi niya. "Ayos ah. Double date pala ito, hindi kami nainform ni Viv."
"No. I don't think Edward likes her."
Napakunot ako. "Why not? She's pretty din naman ah."
"I know but...it's just...uhm...we didn't talk about her! Nagulat nga ako sa text ni Edward kanina. Apparently, magkaklase sila sa English."
"Eh hindi naman kasi vocal si Edward sa feelings niya unlike you", kontra ni Kristine. "Kulang na lang magmessage ka sa admin para isigaw sa buong campus na type mo si Heaven."
"What? I just met her yesterday. Chill."
"Chill mo mukha mo. Tignan ko yang chill mo pag nandiyan na siya", sabi ko at hindi ko alam kung bakit parang may konting inis ang pagkakasabi ko.
"Girls", sabi niya at sumandal sa upuan. Pinagmasdan niya kami na para bang binabasa niya ang iniisip namin. "Nagseselos ba kayo kay Heaven?"
"Ano?!" si Kristine.
"As if naman!" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya sa sobrang inis. Napakapresko din talaga niya minsan. "Hindi pa ba tayo kakain?"
"Papunta na sila. Pwede na kayo umorder."
Tumayo na kami at iniwan siya roon. Pagbalik namin ay nandoon na nga si Heaven. Parang ang tagal na nilang magkaibigan kung kumilos. Sabagay mukhang friendly naman talaga si Heaven. Kaya siguro nagclick sila agad dahil ganundin si Marco, magaling makisama.
"Thank you talaga Marco ha. Dahil diyan sagot ko lunch mo", sabi ni Heaven at akmang tatayo.
Hinawakan siya agad ni Marco sa balikat para pigilang tumayo. "Wag na. Saka na after ng first gig mo. Ako na muna manlilibre ngayon."
"Ikaw talaga. Masyado mo na ako iniispoil."
"Ayaw mo ba?" tanong ni Marco. Sarap batuhin. Hindi ako sanay na ganito siya. Masyadong pacute!
Kunwari ay nagisip si Heaven bago sumagot. "Mmm, gusto syempre."
Why do I feel awkward? Para kaming uninvited guests sa date nila. Siniko ako ni Kristine at alam kong hindi ako nagiisa sa ganitong pakiramdam.
Nagngitian ang dalawa na para bang sila lang ang tao sa cafeteria. Hindi nakatiis si Kristine at tumikhim siya. "Ehem. Ano bang pinaguusapan niyong gig? Share niyo naman sa amin."
YOU ARE READING
Lucky Teens
Teen FictionYup, another teen story about friendship and love. **Nagsisimula ng mabasag ang Marven dahil sa Edven 😊 Pero may konting Kissward pang nagaganap so...** ~guys comment naman kayo sa story. Pwede rin mga links sa youtube ng ships niyo na gusto nyong...