Marco

325 17 0
                                    

It's half past eight pero andito na ako sa school. After lunch pa ang class pero ng mareceive ko ang text ni Heaven kanina ay agad akong nagbihis. Late na sya sa kanyang first period kaya hindi na lang daw siya papasok.

I am sure that she has many friends already here because of her personality. She can get along easily with people but she chose me. I don't want to assume anything but the fact that she wants my company makes me smile.

"Anong nginingiti mo diyan?" sabi ng isang babae at sinabayan pa ako maglakad.

Agad napawi ang ngiti sa mukha ko at tinignan siya. "Hindi naman ako nakasmile ah."

"Nakita ko kaya", giit ni Vivoree. "Siguro high ka pa sa date niyo ni Heaven kagabi 'no?"

Kumunot ang noo ko. "Anong date? Nandun din si Edward kagabi."

"Chaperone siya."

Inakbayan ko siya saka ginulo ang buhok niya. "Kung anu ano sinasabi mo", kunwari ay naiinis kong sabi.

"Marco!" kumawala siya sa akin at inayos ang buhok niya.

"Ano?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at nag galit galitan. Nabigla siya kaya napaatras ng konti. Nag makabawi ay nakipagtitigan din siya sa akin. Ibang klase din ang isang ito. Sa una ay seryoso ang mukha niya pero maya maya ay napapangiti na ito. She has beautiful eyes and long lashes. Pinindot ko ang ilong niya at napatili siya.

"I swear...!" reklamo niya. Tatawa tawa akong pinagpatuloy ang paglalakad at iniwan siya. Hinabol niya ako at saka tinulak gamit ang bag ko.

"May pagkain sa bag ko", reklamo ko habang chinecheck kung maayos pa ang mga ito.

"Nagluto ka ng breakfast? Patikim naman!" Akmang kukunin niya sa bag ko pero tinapik ko ang kamay niya.

"Reserved na yan."

Ngumuso siya at umirap. "Kahapon mo lang siya nakilala ah."

Napakunot noo naman ako. "Sinabi ko na ba kung para kanino?"

"Kailangan ko pa bang tanungin? Ayun siya oh," sabi niya habang nakatingin sa bench malapit sa oval. Binaling ko ang tingin ko sa direksyon ng mata niya at nandoon nga si Heaven. "Bilisan mo na at baka nagugutom na siya."

Bago siya tuluyang tumalikod ay inakbayan ko uli siya. "Wag ka na magselos. Ipagluluto ko din kayo nila Kristine."

Tinanggal niya ang braso ko sa pagkakaakbay. "Selos ka diyan. As if naman. Hmp." Humakbang siya palayo pero bigla din siyang lumingon. "Sisingilin kita diyan sa promise mo ah."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Napangiti ako at napailing. Dati kami lang ni Edward ang laging magkasama, then nakilala namin si Aizan. Pero lately ay napapadalas na din ang pagsama sa amin nila Kristine at Vivoree. Which is good because they make my adjustment living here easy.

Binagalan ko ang paglalakad patungo kay Heaven. Gusto ko lang sulitin ang oras na ito para pagmasdan siya. Nakaupo lang siya at nanonood ng soccer practice. I know it sounds corny pero para talaga siyang anghel. She looks so innocent but at the same there is mischief in her eyes that makes her interesting.

Siguro naramdaman niya na may naktitig sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko. The way she smiled at me makes my day complete.

"Thank you ha", sabi niya ng makaupo ako sa tabi niya.

"Ok lang yun, wala din naman akong gagawin sa dorm."

"Si Edward?"

"Maaga siya umalis eh. Ang alam ko mamaya pa class nun." Sinimulan ko na buksan ang bag ko para ibigay sa kanya ang pasalubong ko. "Baka nasa library na naman. Nagbreakfast ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Nagmamadali kasi ako kanina kaso wala, late pa rin."

Inabot ko sa kanya ang baunan. "Ako nagluto nyan."

"Wow naman. Natouch naman ako." Hindi ko napigilang mapangiti. Pagbukas niya ay sandwich na ginawa kong panda at may mga fruits pa sa gilid. "Ang cute ha. Marunong ka pala magbento."

"Yeah, matiyaga ako pagdating sa kitchen."

"Mmm, ang sarap. Oh, share tayo."

"Hindi, para sayo talaga yan."

"Ayoko. Hindi masaya kumain magisa." Inabot niya sa akin ang sandwich pero ng kukunin ko na ay iniiwas niya. "Kumagat ka na lang diyan."

Pagabot niya ulit ay saka ako kumagat. Pero hindi ko maalis agad dahil ayaw mahati ng ham. Ugh, dyahe naman. Pareho na kami naghihilahan hanggang sa hawakan ko na ang kamay niya para tulungan siya.

Simpleng hawak lang sa kamay pero parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ni hindi nga masabing holding hands dahil pinatong ko lang ang mga kamay ko sa mga kamay niya. Hay, Heaven. Ano bang ginagawa mo sa akin?

"Lumalaban yung ham", natatawa niyang sabi.

"Para sa iyo nga lang daw kasi yan."

Nagkibit balikat lang siya at itinuloy ang pagkain. "May class ako mamayang ten thirty. San ka tatambay nyan?"

"Bahala na. Baka puntahan ko si Aizan sa practice nila ng banda niya."

"May banda pala siya."

"Dapat sumama ka sa kanila minsan. Maganda naman boses mo eh. Madami silang gig pag weekends."

Ngumuso siya bilang pagtanggi sa sinabi ko. She's cute pag ginagawa niya yun. "Nahihiya ako."

"Bakit naman?"

"Hindi naman ganun kaganda boses ko. Tapos kahati pa ako sa kikitain nila kung sakali."

"Aizan is not after the money. Rich kid yun." Tinignan niya ako na parang hindi naniniwala. "Gusto mo ba o hindi?"

Sandali siyang nagisip bago sumagot. "Actually, nagiisip nga ako ng way para makatulong sa financial problems namin ni Mama."

"Is that a yes?"

Nahihiya siyang ngumiti. "Pero wag mo pilitin kung ayaw niya ah."

"Papayag yun. Sasama ako sa unang gig mo."

"Ahhh! Marco thank you talaga!" Inilapag niya ang kinakain at saka umusog palapit sa akin. Niyakap niya ang braso ko at isinandal ang ulo sa balikat ko. Nanatili kami sa ganung posisyon ng walang nagsasalita. Maya maya ay naramdaman kong humihikbi siya. Pinilit kong silipin ang mukha niya pero lalo lang humigpit ang yakap niya sa braso ko.

"These last few weeks sobrang stressed kami sa bahay dahil kay mommy. Parang ayaw ko na nga pumasok eh. Pero kailangan kong ipakita kay mommy na strong ako. Na kaya ko kahit wala siya because I don't want to worry her."

I don't know what to say or how to respond to this. Despite her smiles pala ay may mabigat siyang dinadala. I admire her more for that.

"I am thankful not just because of this favor that you're going to do for me. In this brief time that we've met, you are such a good friend to me. And for that, thank you."

Kung pwede ko lang ifreeze ang moment na ito. Parang bomba ang puso ko na anytime ay sasabog sa bilis ng tibok at sa sobrang saya. I don't want to think na nafriendzoned ako. It's too early pa naman. Knowing that she appreciates me is enough. Maybe, they are right. I'm just too stubborn and too proud to admit. I think I really like her. No, I think I'm falling for her.

Lucky TeensWhere stories live. Discover now