"Hiram ka na lang sa mga classmates mo ng notes nila. I don't rely on the textbooks kasi so I have different sources." Palabas na ako ng room ng marinig kong sabi ng professor namin kay Kisses.
Paglabas ko ay sumandal muna ako sa may gilid at saka siya hinintay. Dahil kakapasok niya lang wala pa siyang masyadong kaibigan. May mga girls na lumapit kanina at kinausap siya pero mukhang hindi siya talagang welcome. I can see na she's guarded which I totally understand. It doesn't help na medyo intimidating ang dating nya para sa iba. I can relate to her because sometimes they mistake confidence with arrogance. Maybe that's why I'm right here waiting for her.
Nakalabas na lahat, pati ang prof namin pero wala pa rin siya. Did I miss her? Imposible naman. Umalis ako sa pagkakasandal at sumilip sa pinto ng...
"Oh my gosh!" halos mapaupo na siya sa pagkagulat.
Pinipilit kong pigilan ang tawa ko. "I'm sorry. I didn't mean to frighten you."
"It's okay", she said politely which makes me feel a little guilty.
Hahakbang na sana siya palabas pero hinarang ko agad. "I am actually waiting for you." She looked at me confused. "Uh...I overheard that you need notes."
Nakatingin lang siya sa akin. Marahil ay hinihintay akong sabihin kung ano ba talaga ang gusto ko at bakit ako nakaharang sa dadaanan niya. "I can lend you mine." There was a pause before her face broke into a smile and it almost took my breath away. I just remembered na may girlfriend na pala ako.
"Thank you", she said like I just saved her life. "Can I have it now?"
"Oh...yes, of course!" Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako sa kanya. How embarrassing.
"Isosoli ko na lang sa Thursday. Classmate kita sa PE diba?" sabi niya habang nilalagay sa bag niya ang notebook ko.
She remembers me. Why do I feel giddy? "I'm sure I'll be seing you tomorrow Kisses. Late ka lang kasi pumasok kaya hindi ka namin kablock. Pero sure akong classmates tayo sa lahat ng major subjects."
"Oh. Then I'll give it tomorrow."
"No worries. Pwede mo ibigay anytime you want."
"Thanks again", she said smiling.
"You're welcome." I smiled too. Then her smile slowly faded and she raised her eyebrows. "Shall we go to our next class?"
"Yes!" natatawa kong sabi. Gumilid ako para mauna siyang lumabas.
Ang amo ng mukha niya at ang boses niya malambing kaya naman hindi ko namamalayang nakatitig lang ako sa kanya. I hope I don't look like a creep.
"Kisses", sabi ko habang naglalakad kami.
"Hmm?"
"Nasabi na ba sa iyo nila Kristine ang magiging midterm natin sa PE?"
"Yeah, basketball for boys then volleyball for girls."
"Yes, uhm, is it okay kung ikaw ang maging muse namin?" Tinignan ko ang reaction niya at parang nagulat siya. Bago pa siya makatanggi ay inunahan ko na siya. "Yan na lang yung kapalit ng paghiram mo ng notes."
Bahagya siyang natawa. "Okay sige."
"Wala ng bawian ha. Bukas may practice kami, punta ka ha."
"Ha? Ano namang gagawin ko doon?"
"Para mainspire yung classmates natin magpractice. Saka ang alam ko may practice din ang girls ng volleyball bukas."
"Anong oras ba yan?"
YOU ARE READING
Lucky Teens
Teen FictionYup, another teen story about friendship and love. **Nagsisimula ng mabasag ang Marven dahil sa Edven 😊 Pero may konting Kissward pang nagaganap so...** ~guys comment naman kayo sa story. Pwede rin mga links sa youtube ng ships niyo na gusto nyong...