Chapter 8 - The Ocean at His Mind

24 4 0
                                    

Chapter 8 - The Ocean at His Mind

Dalawang araw kong pinagisipan ang tungkol sa mga nangyayari sa akin. Dun ko napagisipan na kailangan ko ng gumawa ng paraan upang bumalik ang mga alaala ko. Para ma resulba na ang kaso, pati narin ang mystery ng pagkamuhi ng papa ko sa kapatid ko, si kuya jared.

Nagpasya akong tumakas ng ospital. Kapag nandito ako at nakaratay ng ilang araw pa, at hindi kumikilos, hindi babalik ang mga memorya ko. Kailangan may gawin ako. Puntahan o magtanong tanong ng tungkol sa aking sarili.

Tinanggal ko ang drekstos ko na nakapailalim pa sa aking kamay. At umalis ako ng kuwarto ko. Pero pagbukas ko pa lang ng pintuan may papasok na nurse.

"where are you going sir?"

Kailangan kong makaisip ng dahilan. Upang di nya ako mahuli.

"iam going to the comfort room."

Tumango ang ulo nya at yun ang hudyat na pwede na akong umalis.

Dahan dahan muna akong naglakad hanggang sa hindi nya na ako matanaw. At dun ko binilisan ang aking paglalakad. Pumunta ako sa isang locker room ng mga personels dun. At habang walang nakatingin, binuksan ko ang isa at kumuha ng isang pair ng damit na pangcasual at isang pair ng sapatos.

Mabilis akong lumabas sa ospital na iyon. At naglakad papuntang Mont. St. Michel. At nang hindi ko na makayanan, dun ako kumuha ng taxi. Buti na lang kinuha ko yung pitaka ni papa na naiwan sa mesa sa kuwarto ko sa ospital. Kung hindi ko kinuha iyon, siguro hindi ako makakasakay.

Hindi na rin ako kumuha ng cellphone para in case na i track nila ako, hindi nila ako mahahanap.

Pumasok ako sa Mont St. Michel dahil busy ang mga police sa kakakain. Dapat hindi puwedeng pumasok, pero umiral nanaman ang pagkasuwain ko.

Nakita ko na nakapalibot ang sticker ng mga pulis sa biktima. Siya pala si John Kiyoko. Kawawa naman siya wala siyang ginagawang masama pero nadamay siya sa kalupitan ng taong walang lapastangang pumapatay para sa kaligayahan niya.

Kumuha ako ng isang flashlight na nasa paligid ng bangkay at inexamine ko ang bangkay.

Tinignan ko ng mabuti ang kamay niya. May nakalagay na plate number??

666 JB 14

san ko naman hahanapin ang plate number na iyan? San ko puwedeng mahanap?

May pumasok na pulis kaya nagmadali akong nagtago at ng mahanap ko ang isang pulang door, na may nakalagay na exit sa tuktok, lumabas na ako.

Paglabas ko, may nakita akong open tour na bus. Imposible naman na magkaroon pa ng tour dito e, may namatay na nga e. Pero nung pagtingin ko sa plate number.

666 JB 14.

Hindi ako makapaniwala kahit na wala ang memorya ko, kaya ko pa ring magsolve ng mga cases. Ginamit ko ang flashlight upang tignan ang paligid ng bus, doon ko nakita na may nakasulat. Parang nakita ko at narerecognize ang sulat. Parang kilala ko ang nagsulat.

******

when water is near and a weight is missing, it is not a very far fetched supposition that something has been sunk in the water.

good luck in finding your memories.

P.S: Remember to dont forget the flashlight for it is important.

Shadow

******

Nang lumalakad ako paalis sa gusaling iyon, parang naging hampas ng alon ang mga memorya ko. Bumalik lahat, lahat ng pag iyak ko, pagkamatay ng nanay ko, mga masamang memorya, at masasaya. Ngayon kaya ko ng resulbahin ito. Konting panahon na lang.

Every truth will be exposed. But only one truth will prevail.

The Study of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon