Chapter 10 - Eye for an Eye, Tooth for a Tooth

31 4 0
                                    

Chapter 10 - Eye for an Eye, Tooth for a Tooth

"ano ka ba? ilang beses ko ng sinasabi sayo na mag ingat ka. hindi basta basta yang kalaban mo! isipin mo ilang tao na ang kinuhaan niya ng buhay" sabi ng papa ko habang papalabas kami sa police station.

Buti na lang pala wala silang ebidensya para idiin ako sa kasong wala akong kinalaman.

"pa, naaalala ko na po lahat. tulungan niyo po akong hulihin yung taong iyon. gusto ko siyang pagbayarin sa lahat ng kasalanang ginawa niya sa mga taong iyon."

Hindi tumingin sa akin si papa.

"siguro ngayon kailangan mo nang malaman kung ano ang ugnayan ng mga taong iyon...."

"pareparehas silang nasa car accident noong February 3, 2004. naaalala mo pa ba yun?"

"opo. yun po yung car accident nila mama at kuya jared."

"pareparehas silang nabuhay at alam mo kung sino lang ang namatay sa bus na iyon? Si kuya jared at mama mo."

*FLASHBACK *

Nanahimik ako ng marinig iyon. Hindi ko akalaing.. may kinalaman nanaman ang kasong iyon dito..

Birthday ni mama nung araw na yun. Pumunta sila ni kuya jared papuntang grocery store para mamili ng pang handa.

"mama, sama na lang ako sa inyo. gusto ko na ring matutong mamili. big boy na po ako."

"anak, dito ka na lang. babalik naman kami ni kuya e. hindi ka naman namin iiwan. saka kasama mo naman si papa mo e. babalik kami kaagad promise yan... di kita iiwan."

Umalis sila nung araw na iyon. Sumakay sila ng bus dahil medyo malayo ang grocery store na pupuntahan nila. Di ko alam na yun na pala ang huling pagkikita namin.

After 30 minutes pagkatapos nilang umalis, may tumawag kay papa.

Isa iyong pulis officer. Nahulog ang cellphone ni papa sa pagkagulat. Kami sana ang mag sosurprise sa kanila e. Yun pala kami.

Wala akong kamuwang muwang ng panahon na iyon. Di ko namalayan na lumipas na pala ang panahon. At ngayon hinahunting nanaman ako ng memories na ayaw kong alalahanin.

*END*

"karma lang nila yan! wag na nating pakielaman. di nila tinulungan ang mama mo, di rin natin sila tutulungan!"

Nanahimik na lang ako.

Biglang may nagtext sa cellphone niya. Lumaki ang mata niya sa pagkagulat. Lumapit ako para tignan kung ano iyon. Nagulat rin ako ng makita ko iyon.

Si Marie na tulog ang nasa picture na naka attach. At may nakalagay na message.

******

you think you can stop me?

I don't think so.

Now I can take all that you had, especially

Your bestfriend.

Eye for an Eye, Tooth for a Tooth

Shadow.

******

Nagtinginan kami ni papa. Tapos bigla niyang tinawagan si Mr. Finch upang itanong kung kasama nila Marie. Pero hindi.

Ngayon pwede na nyang kunin pati ang bestfriend ko.

The Study of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon