Chapter 12 - The Fear

25 3 0
                                    

Chapter 12 - The Fear

Ngayon lng ako nakakita ng ganitong kwarto. Puno ng mga litrato ko. Ano ba siya, obsessed sa akin?

"bakit sya may litrato ninyo?" sabi ni Rod. "may nakagalit ka bang tao?"

"wala akong kaaway." sabi ni papa

"lalo naman po ako." sagot ko.

"baka nga lng may sira sya sa utak." sabi ni Rod.

Naghiwalay hiwalay kami upang makita at maexamine namin ang buong lugar.

Nakapulot ako ng isang papel. Teka, newspaper ito. Manila Bulletin pa ang title ng newspaper. At date nya ay 2/4/04.(month/day/year).

*****

Ang nangyaring aksidente kahapon ay nagdulot ng maraming pagkasira sa ari arian at pagkawala ng buhay.

12 ang biktima. Ngunit isa ang patay. Habang hinahanap pa ang isa. Ang nawawalang tao ay si Jared Miguel Bell. Pero pinaniniwalaan nila na buhay pa ito.

*****

Binasa ko pa ang newspaper.

******

Nahanap na si Jared Bell. Buhay at masiglang tao. Ngunit hindi nya patanggap ang pagkamatay ng kanyang ina kaya sya ay ipinasok sa isang mental facility upang magamot sya.

******

"Si kuya buhay?"sabi ko.

******

January 19, 2010

Nakatakas ang hinihilalang preso sa isang mental facility na may sira ang utak. Kaya ang pulisya ay naghigpit ng seguridad sa mga tao na nasa peligro dahil sa nasabing tao.

******

Tumingin pa ako ng ibang newspaper. Pero halos tungkol sa pagtakas ni Jared Bell sa kulungan ang nakalagay. Huwag mong sabihing si Kuya ang mastermind sa lahat ng nangyayaring ito.

"Doyle! Rod! Albert!" sigaw ni papa.

"Ano iyon?" sabi ni Rod.

"tignan nyo to." at bigla kaming nagkitakita.

"ito ang journal ni Shadow." sabi nya habang itinuturo nya ang isang page sa journal.

"umalis na tyo dto."sabi ko.

"bakit?"

"trap po ito."

"huh?"

Tapos biglang may pumukpok sa ulo ko. Pero mukhang di lng ako ang pinokpok pati rin sila papa.

"Doyle...." sabi ni papa sa napaka mahinang boses nya.

Yun na ang huli kong narinig sa kanya. Kung sino man si Shadow, napakalaki ng galit nya sa akin at gusto nya akong paghigantihan.

__________

Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Inaasahan kong makita ang tunay na mukha ni Shadow, pero mukhang hindi ito mangyayari.

"ouch.." sabi ni Rod sabay hawak nya sa ulo nya.

"Ok lng ba ang lahat?" sabi ko.

"ok lng ako." sabi ni Rod.

"ok.... lng... ako..."sabi ng na shock at na trauma na si Albert.

"dad, ok lng ba kayo?" sabi ko.

Ngunit walang sumasagot.

"Dad? Dad? Dad!" tuloy ko.

Ngunit nanatiling tahimik ang paligid ko.

"hindi kaya?..."sabi ni Rod. "....nakuha sya ni..." "Shadow?"

"hindi pwede..... hindi pwedeng mangyari yun!" sabi ko.

Nang gumalaw ako, nakita kong may sulat sa tabi ko. May dugong fingerprint pa ang envelope kung saan nakalagay ang sulat. Nag madali akong buksan ang envelope. Sigurado akong nandoon ang susunod na clue. At kung bakit kinuha nya si papa.

Kakaiba ang sulat nya ngayon. May mga capital na letters na halatang gunupit at idinikit nya sa papel. Mga clues ata iyon. May mga lowercase letters rin na halatang handwritting ni Shadow.

******

Doyle,

How are you my little brother?

This is my first time writting a letter for you using my real identity.

You already know who am I huh?

Guess it must haVE been my fault afteR all.

I already gave you the clueS. But you dont realize who Am I reaLLy.

Im tired of this gamES. Can we stop this?

I just need to kill your father.

Now that I have him, I can do what I what.

But I will give you another chance to save him, In 15 hours, you need to know where I am hiding.

Trust me, you dont want what Im going to do, if you cooperate with the French Police.

Your Brother,

Shadow.

******

(ang mga nakacapital na words ay ang mga letters na ginupit ni Shadow mula sa magazine. Samantalang ang mga lowercase letters ay sulat lamang nya sa kamay.)

Saan ko hahanapin si papa? Pagkabasa ko, nagtaka si Rod dahil sa katahimikan na ginagawa ko kaya inagaw at tinignan nya ang sulat.

Ilalabas nya ang cellphone nya at tatawag, nang hinawakan ko ang kamay nya. Sigurado akong alam nya ang ibig sabihin ko. Anong gagawin ko? Saan ako pupunta?

"anong gagawin mo? ikaw lng magpupunta mag isa? hindi pwede! mapapahamak ka!" sabi ni Rod.

"wala akong magagawa. Kung kailangang ako lng ang pupunta, pupunta ako. Hindi ako papayag na patayin nya ang papa ko. Magkamatayan na kami." sabi ko.

"sure ka? hindi na kta sasamahan?"

"opo."

The Study of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon