Chapter 3 - Lost Childhood Memories

39 4 0
                                    

Everything besides the head is an appendix.

Yan ang isang quote sa The Adventures at the Mazarin Stone, isang story ni Sherlock Holmes. Ang pagbabasa ko lng ng Sherlock Holmes ang nakakapagwala ng pagod ko araw araw sa pag aaral. Sayang nga lang di ko dala ang tablet ko. Sa lahat ba naman ng bagay na pwedeng kalimutan, yun pa?!

Namimiss ko na ang mga stories nya. Mind twist kasi e. Nag iisip ako habang nakahiga ako sa temporary kong kama. Medyo malambot, pero wala pa ring tatalo sa bahay namin sa Pilipinas.

Naaalala ko pa nung naglalaro kami ni kuya Jared dun sa bakuran namin. Maraming pang flowers na nakatanim. At ngayon hindi ko na siya nakita. Sabi kasi ni dad na namatay daw siya kasama ni mom sa car accident dati ng magkasama silang mag grocery.

Dati galit na galit si dad kay kuya Jared. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pero siya ang laging pinag aawayan nilang dalawa. Pero ang natatandaan ko lng na word na hindi ko makalimutan na binanggit niya ay ang

sa labas...

Hanggang ngayon di ko parin maintindihan ang ibig sabihin nun. Hindi na ako nagtanong sa kanila kasi nung huli kong tanong sinigawan lng nla ako.

Pero ngayon na wala na si kuya, wala nang away. Pero kasunod din ng pag alis niya ang pag alis din ni mama.

*************

Pagkagising ko ngayong umaga, iniisip ko parin yung quote na yun. Di ko maintindihan kung bakit di ko matanggal sa isip ko. Pero alam kong may dahilan iyon. Sa tingin ko, hahayaan ko na lang ang pagkakataon na ibigay sa akin ang sagot na hanap ko.

Pero minsan pagsisisihan mo ang mga salitang binanggit ng bibig mong mapaglaro.

"Ok. Wala munang aalis dito ha? Pupuntahan ko lng ang classmate nyo. Magpapareserve na rin ako ng tickets." sabi ng teacher ko.

Bakit kaya? Mukhang uuwi na kmi. Mukhang tapos na ang field trip.

O baka kaya....

Umupo ako sa tabi ng mga bestfriends kong si Marie at Erich. Pero hindi ko maiwasan na makinig sa pinag uusapan nila.

"Balita ko namatay si James. Narinig ko nag uusap sina sir Finch at ms. salvador kanina. Kaya sinabi ni sir De Leon yun kasi nga uuwi na tayo. Baka hindi na safe dito." sabi ni Erich

"Ha?!" sabi ko.

"oo baka kaya tayo pinapauwi dahil dun."

"nasaan ba siya?"

"kahapon narinig ko pupunta siya sa Le Tresor De Fruits ba yun? May katatagpuin daw na malapit na kamag anak o kaibigan. Ako kasi yung kausap nya kahapon. Ako na daw ang magpapa alam sa kanya. Takot ata kay Mr. Finch. Pero narinig ko ngayon natagpuan siya sa isang ilog ata."

"anong ilog? saan?"

"seine, yung river na malapit sa eiffel tower..."

Hindi ko na hinintay ang susunod nyang sasabihin. Nag mamadali na kasi ako. Feeling ko, ito na ang sagot sa tanong ko at pinag iisipan ko kagabi pa.

Nagmadali ako papunta sa eiffel tower, sakay ang isang taxi.

Sa mga panahon na ito, hindi ko na iniisip kung naiintindihan ba ng mga Pranses na ito ang mga sinasabi ko o kung ligtas ba ako na lumabas sa tinutuluyan namin kahit na binantaan ako ng mga teachers ko. Minsan naiisip ko na may pagka hindi masunurin ako.

Nakita kong maraming tao na nagbubuklod sa isang lugar doon. Sa tingin ko yun na ang hinahanap ko.

Sumiksik ako sa maraming tao at nakita ko si James na nakahiga doon at hubad hubad. Pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko.

Ang Hawak ng pulis na may dugo dugo pa na finger prints. Pero hindi nila malalaman kung kanino iyon dahil halatang nakagloves ang taong pumatay sa kanya ng magsulat siya sa papel na iyon.

May nakasulat sa papel na iyon...

everything besides the head is an appendix.

The Study of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon