Chapter 4 - The Adventure Begins.

32 4 0
                                    

Nahanap ko na. Nakita ko na ang sagot. Ang sagot na pinag iisipan ko pa kahapon. Nakita ko si dad dun. Halatang tumutulong siya sa mga pulis. Isa kasing coroner ang papa ko naging isang chief inspector din siya dati sa Pilipinas. Pero nung lumipat kami sa Amerika,nagdisisyon siya na magtayo na lang ng negosyo.

Nakita niya ako at kinayawan niya ako papunta sa kanya. Pagpunta ko, nakita ko yung lalaki na kausap niya. Tingin ko nakita ko na siya dati, dati, matagal na panahon na.

"Rod, naaalala mo pa siya? yung sumira sa cellphone mo dati?"sabi ng papa ko.

"ay oo. Doyle! Long time no see. tagal na nating di nagkita."sabi ni rod.

"hello po. long time no see talaga. ang bilis po ng oras." sabi ko."classmate ko po siya, si James. Yung namatay. gusto ko po sanang malaman kung kailan nyo po siya natagpuan dito sa ilog." dagdag ko.

"hay. ganun ka pa rin kahit lumipas na ang maraming taon. paki elamero ka pa rin. kaya ka laging napapahamak." sagot niya.

Pagkasagot nya, tinignan ko ang bangkay. Grabe naman ang galit ng taong gumawa sa kanya nun. Naaawa ako at bumaligtad din ang bituka ko. Kaya mindali ko na lng. Kumuha ako ng gloves at binuksan ang bibig niya. Nakita kong may papel na nakaplastic dun. Kinuha ko at ibinigay ko kay Rod.

"hindi ko akalain na merong laman yun." sabi nya. "o sigurong napakatalino mo lamang."

"ganyan ang anak ko. kaya proud ako sa kanya e." sabi naman ni dad

"mahilig lang po talaga sa mystery."

"if you say so."

Binuksan niya ang plastic at binasa ang sulat.

******

This is only the start of my revelation. Tuned in!

You will have to search for my next victims. This is also the start of my revenge.

My first glance is always at a woman's sleeve. In a man it is perhaps better first to take the knee of the trouser.

Till the next life.

-Shadow.

*****

"Better first to take the knee of the trouser?" sabi ko.

"alam mo ba ang ibig sabihin nun?" sabi ni rod.

"parang narinig ko na po yun. sa A case of identity." sagot ko.

Tinignan nila ako papunta sa bangkay ni James. Gumamit ako ng gloves upang i roll ang trousers niya.

Nakita ko na may nakasulat sa marker,

nakalagay...

Louvre.

The Study of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon