Forest 1: Halfway

15.6K 461 20
                                    

Forest 1: Halfway

Arceli's point of view:



"Saan ka pupunta, Arceli Fluer?"

Napahinto ako nang marinig ang boses ni manang. Dahan-dahan akong bumaling sa kanya at bumungad sa 'kin ang mga matatalim nitong titig.

Tipid akong ngumiti sa kanya bago magsalita. "Aalis lang po ako, manang. May pupuntahan lang."

Kumunot ang kanyang noo bago nakapameywang. "Mag jojoy ride ka? Nako! Baka mawala ka na naman."

Naiintindihan ko naman siya. Siya na ang nag-alaga sa 'kin simula noong anim na taong gulang pa ako. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit gano'n na lang ang pag-aalala niya sa 'kin.

Masyadong busy ang mga magulang ko kaya sa kanya ako naiwan. Minsan lang sila umuwi at kadalasan dahil sa business pa rito sa mismong kompanya namin. Nasa hustong gulang na ako at may trabaho na pero iba pa rin talaga pagkasama mo ang 'yong mga magulang, buti nalang narito si manang. Hindi ko nararamdaman na nag-iisa lang ako.

Nagtatarabaho ako sa ibang kompanya bilang isang secretary. Sabi kasi ni papa kailangan magsimula sa ibang posisyon.

Hindi niya ako pinagtrabaho sa kompanya namin dahil lahat ng empleyado na naro'n ay kakilala ako. Baka iba ang pag trato nila sa 'kin dahil anak ako ng may-ari. Wala namang problema kung sa ibang kompanya ako nagtatrabaho, mas mabuti pa nga yun.

Ilang beses na akong tumakas, pag tinatago nila ang susi ng kotse ay ginagamit ko ang bisekleta. Gusto ko lang naman gumala na walang destinasyon na iisipin. Hindi ko rin alam kung bakit nalilimutan ko ang mga ruta. Baka naaaliw lang talaga ako pag road trip na. Ganiyan din naman yung iba, minsan.

Napabuntong hininga ako bago magsalita. "Gusto ko lang naman po maglibang. Sige na, manang. Hindi naman ako lalayo, open po 'yung GPS ko."

Bagsak ang kanyang balikat habang umiiling. "Oh siya sige, malaki ka na at marunong ka nang bumasa. Hindi ka na mawawala sa pagkakataon na ito 'no?"

Tumakbo ako patungo sa kanya bago mahigpit siyang niyakap. Ngumiti ako at hinalikan ang kaniyang pisngi. "Thanks po, manang."

Agad akong lumabas sa bahay bago nagtungo sa sasakyan. Mabilis akong pumasok at binuhay ang makina bago pinaandar. Kusang bumukas ang malaking gate naman bago ako tuluyang makalabas.

Ah, this is life. My destination is nowhere. Just like my love life, it's nowhere. But if you see it from a different angle, it's maybe now here or nowhere. None in between. Napangiti ako sa naisip. Kahit kailan talaga ay binibigyan ko ng pagpipilian ang mga bagay-bagay.

Tumingin ako sa relong pambisig, pasado alas kwatro na pala ng hapon. Puno pa naman ang tangke ng sasakyan ko, sa tingin ko ay aabot pa ito para maka-uwi ako. Magtatanong tanong na lang ako mamaya.

Huminto ako malapit sa dagat. Papalubog na ang araw, ang ganda talaga pagkulay kahel na ang langit. May mga bata na naglalaro ng saranggola, may iba naman na nakatambay lang sa cottage, at yung iba naman ay naliligo. Linggo pala ngayon, kaya siguro maraming tao.

They're looking carefree, even though they're surrounded by toxic people that can make them sink. They just laugh it off and continue living. Lalo na ang mga bata na halatang masaya sa nilalaro nila. It's good to be a child. Katulad ko ngayon, child at heart. Napailing nalang ako sa mga kalokohan ko no'n.

Napagpasyahan ko na lang na sumakay ulit. Now, this road might be the north side of Colchis Town. I guess. Napakibit balikat na lang ako.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay malalaki at matatayog na mga puno ang nakapalibot sa lugar, kaya bahagyang dumilim ang paligid. Mabilis ang aking pagmamaneho para maibsan ang takot na nararamdaman ko.

A Beast In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon