Forest 2: Second Time

11.3K 452 6
                                    

Forest 2: Second Time

"Nag meeting kami kahapon kasama si big boss at ang ibang leaders. Take note, 'yong big boss, the CEO at ang sabi niya may big project tayo para sa isang napakalaki at sobrang sikat na kompanya-worldwide!"

Napataas ako ng kilay sa narinig. Marami naman talagang malalaking kompanya sa Colchis, pero grabe naman yung worldwide. Sobrang yaman siguro ng may-ari.

"Gagawa raw tayo ng advertisement in magazine. Hindi naman pwede yung animation at film team, kasi magazine yung gusto with classiness and elegance raw so pinili tayo na gumawa nito. Pati nga ako kinakabahan pero kapag nagtulungan naman tayo'y makakaya naman natin 'to, diba? Marami ng publisher ang nakausap ng publishing team natin dito. Sa tingin ko more than 6 publisher ang kinuha. This is our biggest break we've been waiting for. So sino ba ang pwedeng humanap na nature pictures para sa gagawin nating advertisement?" Panimula ng aming marketing leader.

Wala ni isa ang nagbigay ng suhestyon sa'min. Nakakagigil kunin ang trabaho na pinapagawa niya, pero secretary ako rito. I must be on her side, anytime and anywhere. Isa pa, hindi ako professional sa pag-kuha ng litrato. Big project pa naman 'to. Ayaw kong mapahiya ang sarili ko lalo na ang mga ka-team ko.

Nagtataka akong bumaling sa kanila nang tumingin ang lahat sa deriksyon ko. Agad akong napasandal sa upuan, parang alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin nila.

"This is for our team, Arcile." Tumitig siya sa 'kin. "Bibigyan ka namin ng isang buwan para kumuha ng magagandang shots. Malayo-layo pa naman 'yung deadline."

"Excuse me lang po, ma'am. Kung kumuha na lang po kaya tayo ng photographer?" Tanong ng isa kong katrabaho. Tumango ako sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi?

"Iba kapag sa ating team galing ang kukuha ng mga litrato. Maaari tayong gawin na official marketing advertisement sa isang companya. Isa pa dagdag sa budget pag kumuha tayo ng photographer mas nakakabuti kung isa sa atin ang gumawa para ating ipagmalaki. This is a big project, guys! Wake up!" Bumaling siya sa'ming lahat, huminto ang kanyang tingin sa 'kin.

"I'm okay without a secretary. I want you to accept the job, Arcile. Yes or yes?"

Napanguso ako. As if may pagpipilian pa eh puro yes yung choices. May saltik din 'to yung marketing leader namin eh.

Naghihintay sila sa 'king sagot na parang hindi humihinga. Ganito talaga ka intense? Bakit parang mas intense yung binigay sa 'kin na trabaho?

Huminga ako nang malalim. I nodded. I accepted the job since mahilig naman ako sa outdoor activities. Umingay ang mga katrabaho ko. Napailing na lamang ako sa kanila. Nagkibit balikat na lang ako. Well, good luck to me.

"Buti na lang talaga tinanggap mo iyon, Arcile." Masiglang sabi ni Dianne habang nagtatype sa keyboard.

Niligpit ko ang mga gamit sa desk ko bago magsalita. "Sana nga lang magaganda 'yung shots na makuha ko."

"Alam mo naman, lahat kami ay maraming ginagawa." Nahihiyang tugon naman ni Cheska sa 'kin.

Napasulyap ako sa kanya. "Nako. Okay lang." Ngumiti ako. "Wish me luck guys! Bye." Kinuha ko ang mga gamit ko at kumaway sa kanila bago sinara ang pinto.

Matapos akong ma-orient ng marketing leader namin sa gagawin ay pinauwi na niya ako agad. Binigyan niya lamang ako ng mga suhestyon kung saan maraming magagandang view. Pwede rin naman na ako na ang bahala sa lugar na pupuntahan ko at biglang sumagi sa isipan ko ang... Laelaps.

Umuwi ako sa bahay at ibinalita kay manang na isang buwan akong wala sa bahay. Hindi maipinta ang kanyang mukha. She really think that I'm a walking danger zone.

A Beast In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon