Forest 3: Howl At The Full Moon

9.5K 421 3
                                    

Forest 3: Howl At The Full Moon

Malamig ang paligid, parang gusto ko na lang mamalagi sa kama, pero kailangan ko kumuha ng mga litrato.

Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa banyo. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang aking repleksyon, parang pugad ng ibon ang buhok ko. Hinubad ko na lang aking damit. Sandali akong napatitig sa kawalan bago napagpasyahan na buksan ang shower.

The lukewarm water covers my skin, but in the midst of enjoying my shower, I heard a soft knock at my front door. Ini-off ko muna ang shower bago sinuot ang bathrobe at lumabas.

Nagtungo ako sa pinto, binuksan ko iyon. Walang tao na bumungad sa 'kin, sumilip ako, walang tao sa hallway.

Kumunot ang noo ko. Ano kaya 'yun?

Aalis na sana ako nang makita ang isang bote ng gatas sa sahig, malapit sa pinto. Yumuko ako at kinuha iyon. Sinong nagbigay nito? Baka mamaya may lason 'to. Pumasok na lang ako at nilagay iyon sa basurahan.

I wore my cardigan and fitted jeans with a pair of black shoes. Pumasok ako sa kotse at agad na pinaandar iyon. The Mautis town isn't that bad, the grass was wet with the morning dew.

Hindi na rin umuulan. I stepped out of the car and walked towards a cliff. My mouth went ajar. Ang ganda ng lugar! Ang ganda ng view! Mabilis kong kinuha ang camera at nagsimulang kumuha ng litrato.

Natigalan ako nang marinig ang mahinang tawa sa likuran ko. Agad akong bumaling doon. He was wearing eyeglasses, and by the looks of it, I think he is a nerd, a handsome nerd to be exact.

"Enjoying the view?" Panimula niya na nakangiti pa.

Napataas ako ng kilay sa kanya. "What do you think?"

He was grinning while wiggling his eyebrows. "Hmm. Yeah?"

He ruined my moment here. Napairap na lamang ako bago kumuha ulit ng mga pictures. Hindi pa rin siya umaalis.

What's wrong with this guy? Nakakabahala na. Baka mamaya rap*st, 'to o magnanakaw.

I stopped taking pictures when I heard him murmur. Hindi na ako nakapagpigil kaya bumaling ako sa kanya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit ka pa ba narito?" sabay tingin sa mga mata niya, pero agad din naman akong umiwas. He has hazelnut eyes.

"Akala ko kasi tatalon ka." Natatawang tugon niya.

I rolled my eyes. Oh please, he's getting into my nerve. Nanahimik ako rito tapos mag-iingay siya.

"Hindi ako magpapakamatay. Now go, nakaka disturbo ka," tugon ko, sumenyas ako na umalis siya.

Tinaas niya ang dalawang kamay, tila ba sumusuko na. "Okay, see you around, miss." Nakangiti pa rin niyang sabi bago umalis. Hindi ko na lang siya pinansin.

Marami akong nakuha na mga shots, sana magustuhan nila ito. Bumalik ako sa hotel dahil napagod ako. Mahigit tatlong oras din akong naglibot sa Mautis.

Tumila na ang ulan pero namalagi ako sa kwarto. Gumawa ako ng file named Mautis Town sa laptop ko at nilagay lahat ng pictures na kinuha ko kanina.

Hindi ako iyong tipo ng tao na mahilig gumawa ng destinasyon o plano kung saan pupunta pero sumasagi pa rin aa isipan ko ang Laelaps. Nakakakuryos lang talaga.

Nag-unat ako ng braso bago tumingin sa labas. Lumapit ako sa bintana at tumingala sa buwan. I can feel the cold breeze in the air. Marami naman talagang puno ang lugar ng Mautis, kaya nakaragdag ito para lumamig ang hangin, pero bihirang makita ang mga post lights sa daan. Kailangan dagdagan nila ito, nagiging horror kasi kapag sumapit ang dilim sa lugar nila.

A Beast In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon