Chapter 2 part 1

34 2 1
                                    

Chapter 2 part 1 

Lianne's POV

Haaaayyy ! Tinanghali ako ng gising paano ba naman sya na naman yung nasa panaginip ko kaya ang sarap sarap ng tulog ko . Kung laging ganito mapapagalitan na ako. Nasa may gate na ko at late na ko ng 10minutes sa klase ni Miss Avenza terror pa naman yun . Naku naku ! Agad akong dumiretso papuntang room ko pero nasa hagdan pa lang ako nagayos na ko, madadaan ko na naman yung room ni East .. Binagalan ko yung lakad ko tapos sabay tingin sa room ni East nakita ko sya naka yuko sa desk nya . Ang cute nya sobra >.< kyaaaahh !!  

Dumiretso na ko sa room at nandun pa rin si Miss Avenzo . Kumatok ako sa may door ng room nagtinginan lahat ng classmate ko nadistract ko sila .

"Oh? Miss Esguerra , why are you late?" 

"Ah . Sorry Miss tinanghali po ako ng gising sorry" 

"Thats not a good excuse !" Hala nagagalet na si Miss Terror  

"Sorry mam ! Hindi na po mauulet ." 

"Oh sige ! Come in !" Sabay pasok ko sa room at upo sa seat ko .

"Hoy ! Babaita!" Bulong ni tobi saken bakla po yang kaibigan ko . 

"Oh baket?" Pabulong kong sabe 

"Bakit late ka ha?" Paguusisa nya 

"Tinanghali ako ng gising ang sarap kase ng panaginip ko eh?" 

"Hay. Sya na naman ! Baliw ka na talaga!" Hindi na ko sumagot. At oo baliw na ko sa kanya .. Ahihi

Nga pala hindi ko pa nad'describe sainyo si East ang my one and only crush of my life . Si East ay napakapoging crush ko lahat na siguro ng babae dito sa campus ay crush sya bukod sa matalino, ay isa sya sa mga varsity player ng school, isa din sya sa mga campus hearthrob . Ang cute nya kapag tumatawa sya dahil hindi makita ang mga mata nya kapag ganun chinito kase , ang tangos ng ilong napakaputi . Perfect shot nga sya eh? Kaya crush na crush ko sya, hanggang dun na lang naman yun eh? Hanggan crush na lang kase alam ko sa sarili ko na kahet anong gawen ko hindi ako bagay sa kanya gwapo sya tapos ako ang panget panget ko . Parang bulok na kuko nya nga lang ako eh? Kumpara sa mga kaibigan nyang babae na ang gaganda ako walang wala. Pero kahet na ganun sya kaperfect ang pagkakaalam ko hindi pa sya nagkakaroon ng gf ever since meron daw syang crush dito sa school pero ni isa samen ay walang nakakaalam , napakamysterious nya minsan na akala mo may tinatago . Pero kahet ano pa yun ang alam ko lang crush ko sya wala ng iba .

Lunch break na at kasama ko ang mga baliw kong kaibigan si Ate kimmy naman ay kasama ngayon ang kanyang boyfriend sa magkakaibigan sya lang po ang may boyfriend buti pa sya ano po ?

Ate Kimmy's POV

Hay .. Nandito kame sa ilalim ng puno kasama ang mga loka loka kong kaibigan At syempre kasama na din ang love of my life ko na si Kyle ang napakapogi kong boyfriend .

"Babe, gala tayo bukas ?" Pagtatanong ng aking bf 

"Umm.. Wait lang magiisip ako kung may gagawin ako . Wala naman sige" 

"Okay babe susunduin kita bukas okay " 

"Okay babe:)" sabay pinch nya sa ilong ko . 

"Ang cute talaga ng babe ko " 

"Naku! Ang mga lovebirds ang sweet" sabat ni tobi 

"Aysus! Inggit ka lang bakla eh? Palibhasa walang love life haha xD" 

"Edi kayo na may lovelife ako na wala :( nangiingit pa kayo!" 

Nagtawanan naman sila :) ang saya kapag sila lage ang kasama ko . Kahet papaano nawawala yung problema ko. Anyway ako pala si Kim abby Leviste katulad nila simple lang ako , hindi ganun kaganda pero atleast mahal ako ng boyfriend ko . 1 yr na kame at sure akong tatagal pa kame. Dahil kahet kelan mamahalin namen ang isat isa at hindi ko sya papabayaan .

Lianne's POV  

ang sweet nung lovebirds dun haha xD buti pa si ate kimmy ano po ? Teka ang hirap naman buksan itong coke in can kanina pa ko dito eh ?

"Uy, Li ! Kamusta naman yung pagbubukas mo nyan ? Baka umabot ng isang taon yan .?" 

"Ang O.A naman te? Eh, ang hirap naman kase buksan neto eh?" Eto talagang si tobi napaka O.A . 

"Akin na nga girl" sabay kuha nya tapos inalog . Parang ewan lang hindi naman binuksan baliw talaga ! 

"Akin na nga ! Wala ka man lang natulong hmp." Sabay kuha ko tapos tinatry kong buksan binigay ko na yung best ko at sa wakas bumukas at sumirit kaya tumalsik yung laman at "oh em giiii" may natamaan ako at basang basa po ang kanyang uniform . At dali dali akong tumayo at kinuha yung panyo sa bulsa ko at tinatry na punasan yung nabasa nyang damit . Nung tinignan ko yung mukha nung lalake na gulat ako nang si-si East yung natapunan ko. Nakatingin lang sya saken at as i expected walang reaksyon ang mukha nya at nakatingin lang sya saken ako naman naninigas sa kinatatayuan ko at napatigil ako sa pagpupunas sa kanya ewan ko pero bigla bigla na lang akong nagkaganito yung mga kaibigan ko naman nakatingin lang nagulat din ata sila sa nangyare.

"Oh? Li! Natuod ka na ata dyan ?" Hindi ako sumagot at naninigas pa rin ako 

"Huy! Lianne ! Ano ba?" Hindi pa rin ako makagalaw .  

"Oyy, babaita wala na yung crush mo baket hindi ka pa rin nagalaw dyan ha?" Sabay sabi gail saken . Pagtingin ko ay wala na nga sya at nakahinga na ko ng maluwag . 

"Oh my gosh ! Ohm my gosh! Cant breath guys , cant breath !" Pagsisigaw ko .Bigla naman akong sinapok ni tobi  

"Aray naman ! Baket mo ginawa yun ?" 

"Para ka naman kaseng ewan ! Para kang tuod kanina , inalisan ka tuloy ni East para kaseng engot dun !" 

"Sorry! Hindi ko lang alam ang gagawin ko talaga kanina , ganito lagi yung nararamdaman ko eh pag makikita ko sya. Kainis!" 

"Hay ! Kaya pala hindi ka mapansin pansin eh? "

Unheard Feelings (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon