Chapter 8

17 1 0
                                    

Chapter 8

Lianne's POV

Nagpaplano na ang mga student para sa fashion week na gaganapin and ilang days na lang yun mula ngayon .

Excited na ba kayo?

Pwes! Ako hindi, ni hindi ko nga alam kung paano ako kikilos ng maayos dun, nagwoworry lang kase ako kay East na baka madisapppoint ko sya, kase kung sakin lang okay lang kahet hindi manalo. Eh? Sa wala akong maipapakita sa kanila e, ipapahiya ko lang sarili ko sa kanila .

Nandidito na naman sila sa room namen, at ang ingay dito puro boses naririnig ko . Ganito na kase ginagawa namen 3days na ang nakakalipas well sa iba may improvement na pero samen wala pa . Hindi talaga kame magkasundo sa mga dapat na suotin namen kaya nalilito na kame parehas .

"Okay class dismissed!" Sabi ni Miss

Uwian na pala hindi naman namen namalayan dahil panay lang argue namen about sa susuotin .

"Ano na! Yun na lang kase, wala na talaga akong ibang maisip . Ang hirap naman neto !" Sabay sabi nya

"Eh? Ayoko ng ganun , nakakahiya hindi ako sanay e?"

"Tsk. Hindi pa tayo nakakapagpractice paano magpro-ject ng sarili naten dahil pinagtatalunan pa rin naten yang damit na yan !"

Mukhang naiinis na talaga sya

"Eh, hindi na lang ako rarampa?"

"Engot ! Hindi pwede yun !"

"Ayoko talaga nun!"

"Ayy nako. Text mo muna kuya mo at sabihin mong may gagawin kang project, pupunta tayo sa bahay at magpapractice ! Nahihirapan na ko ah!"

"Osige ."

Kinuha ko naman yung phone ko at, nagtatype na ng biglang magsink in saken yung sinabe nya. WAIT!

Napahinto ako sa pagtetext tapos nagisip .

"Teka ano ulet sabe mo?" Pagtatanong ko sa kanya

"Sabi ko! Pupunta tayo sa bahay , magpapractice! Bingi ka ba?"

"Wait sa bahay nyo ?" Pagtatanong ko ulet

"Aysus! Unli tayo nyan?"

Wait! Sabahay talaga nila? First time ko yun , na pupunta sa bahay nila. Hinatak na naman nya ako pababa , sa room at pumunta ng parking lot.

May kinuha sya sa bulsa nya na, susi ata ng kotse nya at binuksan yung driver seat.

"Pasok !" Sabi nya

"Hoy! Pasok nga sabe !" Sigaw nya

Wala man lang kagentleman itong lalaking ito, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto . Napaka talaga nya! Pasalamat talaga sya at Crush ko sya kung hind nako.

"Opo! Eto na, !" Sabay pasok ko sa loob.

Nagdrive naman din sya kaagad pagkapasok ko.

East's POV

Nagdrive na kaagad ako nung makapasok na sya.

Pansin nyo ba na parang ang cold ko sa kanya na. Inaaway ko sya? Baka kase magtaka yun kung baket nagiging mabaet ako sa kanya at baka mabuking nya pa ko na may gusto sa kanya, nakakahiya yun >.<

Nakadating namen kame sa bahay namen, bumukas naman ang gate at pinasok ko na yung kotse ko sa loob .

"Hello Sir!"

"Hello Manang ! Teka andyan po ba si Bree?"

"Wala pa po eh?"

"Ah. Sige po !"

Unheard Feelings (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon