Chapter 34

8 1 0
                                    

Chapter 34

Lianne's POV

Aaaaaahh. Ang saket ng ulo grabe ! Hanggang ngayon may hang over pa din ako sa nangyare, ang saket kagabe nung sampal nya ah? Ni minsan hindi pa ko nasampal kahet yung mga magulang ko sya lang, nakakainis.

Ano ba kase problema nila? Akala ko ba mahal ni Kerstine si East bat ganun na lang sya magreact nung kinomfort ako nung lalakeng yun? Ano ba talaga ang meron sa kanila? Ano ba talaga ang tunay na nangyayare? Naguguluhan na talaga ako ha?!

Pero buti na lang umattend ako sa party nila kagabe nakapagusap tuloy kame ni East, pero hindi ko alam kung tutuloy pa ko sa pakikipagkita sa kanya or wag na lang kase... Non sense din naman tong gagawen ko kase ikakasal na sya eh? Aaaaaaaahhh. Nakakabaliw na talaga tong mga nangyayare !!!

"Princess? Gising ka na ba? " kuya

"Ah.. O-opo kuya, pasok ka na lang po." Ako

Bumukas naman yung pinto ng kwarto ko at mula dun nakita ko si Kuya na may dala ng tray na may pagkaen.

"Ah. Princess, nagdala ako ng pagkaen mo. Anong oras ka ng umuwe kagabe maguumaga na, tapos sabe pa nila uminom ka daw. Kaya for sure masaket yang ulo mo. Ito kaen ka muna." Kuya

Nilapag ni Kuya yung tray sa bed ko at sinubuan ako nung soup na ginawa nya .

"Kuya para naman akong bata neto e?" Pagrereklamo ko

"Ang arte mo naman! Baket matanda ka na ba ha?" Kuya

"Eh?" Ako

"Hayaan mo na ko minsan lang ako maging ganito bahala ka baka hindi na ko maging sweet sayo nyan?" Kuya sabay pout

"Eh? Baket may girlfriend ka na noh ? Ano sabihin mo saken kuya yiiiieh!!" Ako

"Wala noh? Ikaw lang ang number one girlfriend ko at si mama ang number two ko. Haha xD " kuya

"Aaaaww. Ang bait at ang sweet naman ng Kuya ko. Da best ka talaga kuya!" Ako

"Wag ka ng magsalita dyan, kainin mo na lahat to! At inumin mo tong gamot pati na rin itong tea na ginawa ko." Kuya

"Opo Kuya." Ako

Sinubuan lang ako ni Kuya dun hanggang sa maubos ko na yung niluto nya, infairness ang sarap talaga magluto ng kuya ko. Pati yung tea na ginawa nya naubos ko.

Wala kameng pasok today due to the party last night and of course invited ang mga taga school kaya for sure naman nun ay walang pasok. Kaya ito okay lang na tanghaliin ng gising at naalala ko lang bukas na pala ang birthday ko at wala pa rin akong ka plano-plano. Naibigay na saken ni Kuya yung pera na pinadala ni Mama pero nagastos ko na pambayad ng tuition fee ko kaya for sure walang handaang magaganap.

Bibili na lang ako ng Pizza at ice cream para samen ng Kuya ko kameng dalawa na lang ang magcecelebrate pero if maalala ng mga bff's ko yung bday ko, why not if they wanna join to my small celebration.

Buti nga naalala ko pa yung bday ko sa dami ng problemang dumadating saken, hindi ko alam kung baket sa ganito kong edad sandamakmak na problema na ang kelangan kong lamapasan araw araw hindi man to financial pero mas mahirap tong saken, mabuti pa nga sana kung financial na lang eh nagagawan pa ng paraan kaysa itong problema ko na hindi nga ginagamitan ng pera pero puso naman ang nagpapahirap.

Wala kase si Mama dito para masabihan ko ng problema ko although naiintindihan naman ni Kuya to dahil simula bata ako sya na kasama ko at sya na din nasasabihan ko ng mga nangyayare sa buhay ko pero iba pa rin kapag mama mo at babae sya syempre mas maiintindihan nya yung pinagdadaanan ko di ba? Pero wala eh Busy sila parehas ni Papa at alam ko para samen yung ginagawa nila .

Unheard Feelings (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon