Chapter 20

14 1 0
                                    

Chapter 20

Ace's POV

Kanina habang kumakaen, alam kong hindi gusto ni lianne ang ginagawa ko, aLam kong fake lang yung pinapakita nya saken , at alam ko din na hindi ako ang gusto nya dahil si east lang.

At nararamdaman ko din na gusto ni East si Lianne, basa ko sa mga mata nila ang pagkagusto nila sa isat isa. Pero hindi ako makakapayag na maging sila!

Mahal na mahal ko si Lianne at ayokong mapunta sya sa iba dahil saken lang sya, ayoko ng iniiwanan ako katulad ng ginawa saken ni Jessie .

At ayoko din na may mangaagaw sa mahal ko, ako lang dapat ang nagmamay ari sa kanya ako lang. At kung sino man ang hahadlang saken ay hindi ko alam kung anong gagawen ko sa kanya !

Wag lang talaga akong subukang hiwalayan ni Lianne ng dahil dyan kay east dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya.

*******

Gabi

East's POV

Kanina pa ako dito sa room at wala pa din si Lianne, aba ! Gabi na kaya? Baka nageenjoy sa paglalakad kasama ang bf nya.

Bigla naman may kumatok sa pinto at binuksan . Si Lianne

"Oh? Bat ngayon ka lang ? " pagtatanong ko

"Ah. Namili pa kase kame ng mga souveneirs eh?" Sya

Napansin ko naman na may suot syang bracelet tapos nakalagay yung name ni Ace dun.

"Ah . Pati ba yan ?" Pagtatanong ko sabay turo dun sa bracelet

"Ah. Ito ba? Oo name nya yung nakalagay dito tapos yung sa kanya name ko naman nakalagay ." Sya

"Ah. Nagdinner na ba kayo ? Ikaw ?" Ako

"Ah. Oo kanina, ikaw ? Mukhang hindi ka lumabas mula kanina ha?" Sya

"Ah.. Oo wala naman kase din akong gagawen kaya nagstay na lang ako dito ! Kamusta pala yung paggala nyo ?" Ako

"Okay lang, pasensya na pala kanina ha? Hindi ko lang kase kaya na ganun sya . Hindi ko pa naman kase sya ganun kamahal, at alam mo naman na first time ko sa ganitong bagay kaya hindi ko alam kong paano ko sya pakikisamahan ." Sabay nyang yuko .

"Ano ka ba ? Okay lang yun " ako

Basta para sayo , kahet magmukha akong tanga okay lang . Mahal na mahal kita eh ?

"Ah. East pagod ka na ba ?" Sya

"Ako pagod? Baket" ako

"Gusto ko sana maglakad sa labas yung tayo lang . Trip naten to eh tapos iba naman yung nakakasama ko!" Sya

"Ah. O... Sige ." Ako

Bumaba muna kame tapos pumunta kame sa dalampasigan, may mga tao pa naman dun tapos dun kame malapet sa may puno ng coconut . May bonfire kase dun eh, dinagdagan na lang namen para hindi masyado malamig . Umupo kame sa buhanginan tapos sya naman nakatingin lang sa dagat .

"Ah. East pasandal ha?" Sya sabay sandal ng ulo nya sa balikat ko.

Alam kong nahihirapan na sya sa ganitong sitwasyon dahil hindi nya mahal si Ace . Hindi ko alam kung paano ko sya icocomfort, wala akong alam . Bat ba kase ganito na nangyare sa lovelife ko eh ? Ang lungkot naman .

Kinantahan ko na lang muna sya habang nakasandal sa balikat ko.

"Ako'y umaamin na may pagtingin..

Sayong pagkatao na di nagbabago ,

mapagkumbaba hindi katulad ng iba kilala ng marami ulo'y di lumalaki"

Kinuha ko yung maliit na bato sa tabi ko tapos binato ko dun sa dagat .

"Mga katulad mo ang hinahangan ko

Ang awit na ito ay alay ko sayo

Sa dami ng yong pinagkakaabalahan

Marinig mo pa kaya ang nilalaman"

Hayy.. Buhay nga naman.. Dinama ko na lang yung hangin medyo nawawala na din kase yung apo'y hindi ko naman malagyan ng kahoy kase nakasandal saken si lianne.

"Ang boses mo ay kabighabighani

Hindi mo man marinig ang awit ko saiyo

Ipagsisigawan ko akoy humahanga ng lubos saiyo"

Tinignan ko naman sya at napansin kong nakatulog na sya sa balikat ko.

"Hayy. Akala ko pinakikinggan mo ko ayun pala tinulugan mo na ko ? Sira ka talaga . Pagod na pagod ka ata?" Ako

Baliw na talaga tong babaeng to ! Kung hindi ko lang to mahal matagal ko na tong hindi pinansin . Hindi naman kase ako mahilig makipagkaibigan sa mga babae dati eh, pero ng dahil sa kanya nagkaroon ako ng mga girl na kaibigan .

Pero wala na din eh? Meron na sya at wala na akong magagawa . Susundin ko na lang yung sinabe saken ni bree . Baka maktulong din yun na makalimutan ko sya. Maybe were not meant for each other talaga . Maybe she's one part of my life na hinding hindi ko makakalimutan hanggang nabuhuhay ako.

Magmomove on na ko sa kanya, at maghahanap ng bagong love of my life siguro magiging inspiration ko na lang sya sa mga tatahakin kong path for love . Sya na lang ang gagawen kong basic teacher sa pagibig .

Tumigil na ko sa pagkanta at hinayaan na makatulog lang sya sa balikat ko.

Unheard Feelings (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon