Chapter 1

52 2 1
                                    

Chapter 1

Ako nga pala si Lianne Esguerra 16 yrs old . Maputi , matangos ang ilong maliit hindi ako ganun kaganda . Parang natural ba mukha lang walang make up , hindi ako marunong ng ganun eh? Tama na saken yung polbo. At nakasuklay na buhok mas comfortable saken . 4th yr high. Na ko sa isang private school makulet ako kapag kasama ko mga kaibigan ko . At speaking of mga kaibigan ito na po sila.

"Good Morning Li" bati ni Ate kimmy . 

"Morning din ^^" bati ko . 

"Nasan na sila tobi ? Tsaka si Gail?" Pagtatanong nya 

"Nandun sa canteen bumibili ng art materials . Art naten diba?" 

"Ah.. Oo nga pala ?" Pagkatapos nyang ayusin yung gamit nya ay nagyaya syang bumaba sa canteen at puntahan daw namen sila gail . Nagayos muna ako ng sarili . 

"Dali ! Naku nagpaganda pa ang loka !" 

"Eh? Dadaan tayo sa room nila e, baka makita ko sya" 

"Hay. Kelan ka ba nya napansin ? As if naman Li! Ang tagal tagal mo ng crush yan pero ni pangalan mo hindi nya nga alam eh? Wag ka ngang assuming ! Halika na" napakasupportive nya ano po ? Imbis na pagaanin yung pakiramdam ko dinodown pa ko.

Eh totoo naman kase parang hindi ako nageexists sa kanya . Samantalang ako matagal ko na syang crush 2 years na pero wala eh ? Ajujuju 

T.T ..  

"Sabagay !" Sabay sabe ko  

Hinatak na nya ko papuntang canteen . Naku ! Dadaan kame sa room nya, sabay silip ko sa pintuan since nakabukas. "Wala pa sya?" Bulong ko  

Pababa na kame ng makita ko sya paakyat makakasalubong ko sya . Kinakabahan ako ... Basta nanginginig ako ewan . Pag nandyan talaga sya ganito lage kong nararamdaman . :( malapet na sya , humakbang ako pababa ng biglang .. "Booooogssshh"  

"Aray ko ! Ang saket sa pwet ."  

"Huy! Li anong ginagawa mo? Walang tubig dyan , bakit ka lumalangoy ha?" 

Nakakaasar naman buti mababa lang nabagsakan ko , ang saket tuloy ng pwet ko. Teka si-si East . Nakita ko syang nakatingin saken . Walang emosyon yung mukha nya . 

"Pare ! Tignan mo may lumalangoy sa hagdan . Hahahaha xD" sabi nung kasama nyang lalake sabay turo saken . 

Tawa ng tawa yung kasama nya, sya naman walang reaksyon . Hinila na ko ni Ate kimmy patayo tapos nakita ko naman na umalis na din si east habang yung kaibigan nya tawa ng tawa .

"Nakita mo yun , ate kimmy?" 

"Oo yung nalaglag ka? Baket ngiting ngiti ka? Nalaglag ka na nga eh."  

"Hindi yun ! Tumingin sya . Tumingin si East kyaaaahh >.< napansin nya ko nageexists na ko sa kanya" sabay sigaw ko namay halong kilig . 

"Napahiya ka na nga ! Kinikilig ka pa? Baliw !"  

"Eh? Napansin na nya ko eh? Kyaaaahh" sabay hampas hampas ko kay ate kimmy. 

"Aray! Bat mo naman ako hinampas ang saket ah? Kinikilig ka naman . " 

Grabe nakakakilig hindi ako makapaniwala na napansin na nya ko na nakikita nya pala ako . Kahet nagmukha akong tanga okay lang atleast na pansin nya ko di ba? Kyaaaaaahh >.< masaya na ko sa mga ganung pagtingin lang nya . Mas mabuti sigurong magtanga tangahan ako para lage nya akong napapansin ..

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong ni gail saken . Nandito na nga kame sa room at nakikinig sila , take note sila lang dahil ako busy sa pagiisip sa kanya . XD  

"Huy! Li . Hala nabaliw na ang loka !" Sabay kalabit nya saken 

"Ah? A-ano yun? May sinasabe ka ba?" Pagtatanong ko dahil hindi ko sya narinig kanina . 

"Sabe ko anong nginingiti ngiti mo dyan. Baliw ka na ata eh?" 

"Hay. Baliw talaga yan!" Pagsisingit ni Ate Kimmy 

"Baket ?" Tanong ulet ni Gail 

"Kase parang tanga yan ! Nalaglag sa hagdanan nung nakasalubong namen yung crush nya . Tapos ayun tawa na ng tawa napansin na daw sya ni East ! Engot yan nagmukha nga syang tanga kanina eh? Pero kinikilig . Baliw talaga yan ." Pagk'kwento ni Ate Kimmy 

"Hala ! Talaga nakakahiya nga yun" 

"Okay lang atleast napansin nya ko , nageexist na ko sa paningin nya . Kyaaaahh >.< " pagsabat ko. 

"Anong sinisigaw mo dyan Ms. Esguerra?" 

"Ah-eh? Hehe wala naman po miss" sabay ngiti ko . Mapapagalitan pa ko eh? 

"Nagdadaydream ka na naman ! Hindi ka nakikinig sa klase ko ha?" 

"Nakikinig po ako Miss , sorry po" sabay tawanan ng mga classmate ko.  

Hay. Nang dahil sa kakaisip ko sayo mapapagalitan ako pero kahet na, eh sa kinikilig ako eh? Baket ba.. Hihi

Natapos ang klase na sya lang ang iniisip ko , hindi na nga ako nakinig sa mga lessons eh? Basta hindi lang talaga ako makapaniwala na napansin nya ko for the first of time of my existence Haha xD ewan ko ba? Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya , kahet tignan nya lang ako biglang kikiligin na lang ako o kaya basta pagmakikita ko sya manginginig ako , nanghihina yung tuhod ko na ewan . Haaayy !

Unheard Feelings (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon