Hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang nangyari kanina sa parking lot bago ako umalis. I saw him kissing a girl! Parang tinusok ng karayom ang puso ko ng di ko maipaliwanag. Oo aaminin ko, mahal ko parin siya at bumalik ako para ayusin ang lahat pero mukang wala na akong babalikan pang muli.
Siguro yun na ang hudyat para tumigil narin ang puso ko na tumibok sakanya sa madaling salita mag move on na ako. Masakit man pero gagawin ko.
Dinampot ko ang cellphone kong umiilaw. May tumatawag!
Sinagot ko ito ng di tinitingnan kung sino ang caller ko. Sila leigh at Rhodz lang naman ang gumugulo sa cellphone ko.hahaha. Sh*t nagawa ko pang tumawa sa sitwasyon kong to.
"oh bakit?"
"anung bakit ka jan? Iniwan mo kami basta-basta tapos itatanong mo lang kung bakit"nanigas ako sa mga narinig ko. Boses ito ni Bryle.
" Ano? Mananahimik kalang jan. Si Bryle to!"
" How did you get my number?"
" nakalimutan mo na bang kami ang may-ari ng biggest telecommunication company dito sa Pilipinas. I miss you. I want to see you. Di ka busy"
" Meet me at GJC restaurant." narinig kong nag yes siya. I smiled. He's my boy bestfriend. I miss him too.
Nagbihis ako. Simpleng dress lang ang sinuot ko. Di ko na kailangan pang mag disguise, wala naman sigurong dudumog saaking dun. Brinodcast ko kasi noon na kailangan ko ng privacy.
Di na ako nagpaalam sakanila. I used my pink ferrari.
Pagkarating ko roon pinagtitinginan nila ako. Binati ako ng isa sa mga crew ng restaurant.
" Sir Bryle are waiting you at VIP room Young Lady." pag aassist niya saakin
" May kasama ba siya.?"
" He's with a girl young lady" siguro si Majen. Dadaan muna ako sa office ko. GJC resto is mine. GJC my initial. Regalo to saakin ng daddy.
Pagpasok ko sa VIP room,nang nakita ako ni Majen bigla siyang tumakbo papunta saakin at yinakap ako. Yinakap ko rin siya. Nakiyakap na rin Byle.Naiyak ako. God! I really miss them so much.
Naupo kami sa couch.
" Siguro naman ngayon magpapaliwanag ka na kung bakit nawala ka nang parang bula at bumalik ka sikat kana agad.!!" sabi ni Bryle. Natawa ako. Bigla akong binatukan ni Majen,,
"TAWA-TAWA KA jan"
Tumigil ako sa pag tawa at nagsimulang nagkwento sakanila.
" What! Pinalayas ka ng mga Ferrer.?"
" Yeah. They blamed me na ninakaw ko ang mga alahas ni Minch. At naniwala si papa. Umalis ako. Sa panahong iyong my memories back."
" what do you mean?"
" I have a 10 yrs. Amnesia. Kaya ilang taon rin ako nawalay sa totoo kong pamilya. Pero dahil sa bumalik na ang memory ko non na hindi alam nila papa hinanap ko ang pamilya ko. Anu mang oras pwede na akong umalis pero inisip ko kayo. Ayaw ko kayong iwan. Gusto ko magpaalam sainyo pero nawawala yung cellphone ko. Itinago ng mag ina. Buti may ipon ako noon kaya nakaalis ako at pumuntang Japan,sa Callente Family." mahabang paliwanag ko.
" but why you changed your name.!?" tanong ni Bryle na linalaro yung baso niya.
" haha. My real name is Gabriellie Jacqiel Callente not Jelina Mhiel. Kaya yun rin ang ginagamit ko sa mga magazine ko."
" dapat sabihin mo to kay Adrianne. Para bumalik na kayo sa dati." -Bryle.
" Gusto kong magkaayos kami pero huli na ang lahat. Ayaw kong saktan siyang muli. Alam kong galit siya saakin dahil umalis ako ng hindi nagpapaalam sakanya" tinitigan ko sila.
" So, what's your plan? We can help you" - Majen
" Wala. ! Ahm nga pala. I want to give this to you." magtatanong palang sana sila kung ano yun pero sinagot ko sila,
" My siblings want to held a party for me. Mas mabuti na pumunta kayo para makilala niyo sila:"
" of course. We will come. Pwedeng payakap ulit.haha"
pinagbigyan ko na sila. Natawa ako dahil binatukan na naman ni Majen si Bryle.
" nakakarami kana Saavedra. Ako naman" sabi niya sabay yakap saakin.
Pumasok ang isa sa mga tauhan ko dito.
" Young lady, hinahanap ka na po ng mga kapatid mo. Kailangan niyo na daw po umuwi dahil on the way na raw po ang daddy niyo."
God! I almost forgot. Ngayon pala ang uwi ni daddy.
" I'm sorry guys. Di ko na kayo masasamahan dito. I really need to go." pagpapaliwanag ko.
" No it's okay. Magkikita pa naman tayo sa school."
yinakap ko ulit sila bago umalis.
Majen's Pov
Napangiti ako kahit umalis na siya. Kahit iba na ang name niya. Siya parin ang kaibigan namin dati.
Pag-alis niya. Nag stay muna kami ni Bryle. Gusto niya daw magsaya dahil bumalik na ang bestfriend niya.
Tssk.! Bestfriend or first love.? Alam kong minahal ni Bryle si Je- Jacqiel kahit may iba itong mahal na walang iba kundi si Adrianne, pero nag paubaya siya dahil alam niyang talo siya sa una palang.
Magkababata kaming tatlo, ayaw naming may alitan sa mga pagitan namin kaya pati ako ayaw kong ipaalam sa kanya na mahal ko siya dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. I'm deeply inlove to this guy beside me.