Chapter 14 ~ Sweet Moments Together [ 1 ]

665 12 5
                                    

 << pasensya na po kung super late update ^__^ >>

Erin’s POV :

“Kamusta naman ang baby ko?”

“ma, hindi na ako bata, i am already 16 years old at kung nandito kayo para pilitin akong umuwi sa mansion,,, alam nyo na po kung anong isasagot ko”

“darling, dalawang taon na ang lumipas, hindi pa rin ba naghihilom ang sugat na iniwan ni Isaac jan sa puso mo?”

“ma, please don’t mention his name in front of me. Babalik din po ako sa totoo kong pagkatao at sa totoo kong buhay sa tamang panahon”

“kelan pa kaya ‘yung tamang panahon na sinasabi mo?”

“ma, i don’t want to talk about things .. so please ma, stop this non-sense”

“anak, basta lagi mong tatandaan, ina mo ako, mapagkakatiwalaan mo ako sa lahat ng bagay, kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako, kapag nalulungkot ka, nalulungkot din ako.. basta kapag may kailangan ka, huwag kang magdalawang isip na magsabi sa akin ha”

Tapos niyakap niya ako nang napakahigpit.

Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko nalang uli naramdaman ang yakap ng aking ina, feeling ko protektado ako sa kahit na ano.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan at nagtawanan.

Grabe! Namiss ko ‘to.

Sana lagi nalang ganito.  Sana lagi ko nalang kasama ang mama ko sa isang simple ngunit masayang pamumuhay

x-x-x-x-x-x-  Kinabukasan sa School –x-x-x-x-x-x

BLAAAGGG !!!

Awww !!

Nakatapak ako ng balat ng saging habang naglalakad sa may hallway.. siguradong may kung sinong maitim na budhi na naman ang naglagay nito

“ HAHAHA !!! kawawang Nerd ! mukang maaga pa lang ,, minamalas ka na”

“oo, malas ako kasi nakita ko kayo, mga impakta” – bulong ko

“what ? anong binubulong-bulong mo diyan? Sinong impakta?”

“ha? may sinabi ba akong ganun ? wala naman ah, ang sabi ko, ang lakas ng impact ng pagkakadulas ko, impact ha, hindi impakta.. bukod pala sa mukha mo, problema mo din ang pandinig mo”

Nagtawan naman ang mga nakakarinig. Haller !! sa hallway kaya kami gumagawa ng eksena

“aba at talagang lamalaban ka na ngayon. Hindi porke’t ipinagtatanggol ka na ni Prince Ven ay nagmamalaki ka na.”

“hindi ako nagmamalaki steph.. hindi ko nalang talaga kayang tiisin ang mga pang-iinsulto at pagpapahiya niyo sa akin na dalawang taon ko nang iniinda”

“shut up !! kahit na anong sabihin mo at kahit na anong mangyari,, isa ka pa ring dukha, nerd at walang class na babae!!!”

“steph ! tama na ‘yan, below the belt na ang mga sinasabi mo”—saway ni ailory

“cut it out stephie, prince ven just arrived, narinig niya lahat ng sinabi mo”-- misty

“stephany ! how dare you to say that? I told you not to bother Erin anymore!!”—playboy slash monster

“why? I am just saying the truth, she is a girl with no class”—steph

“you are wrong, i told you, she’s one of a kind kaya wala kayong karapatan na sabihing isa siyang walang class na babae. Oo, siguro tama kayo, hindi siya mayaman, hindi siya maganda, but to tell you the truth, her worth is more than the most precious diamond in the whole world. For me, Katherin Isabelle Hermosa Dren is a very precious treasure. Her good heart is priceless. SHE IS PRICELESS!! So don’t dare to call her a girl without class ever again!”

Twist of fate (the man-hater and the playboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon