Isang Taon

13 3 2
                                    

Isang taon,
Isang taon na pala mula nang pinili kong putulin ang ating ugnayan,

Pinili kong lumayo upang di kana masaktan,

Isang taon na pala?

Ang bilis no? 'sing bilis ng tibok ng puso ko nung nakilala ka
'sing bilis ng pagkawala ng nararamdaman mo

'sing bilis ng pagbitaw mo ng mga katagang
"Hindi pala ako"

"hindi pala tayo"

hanggang sa pinakamasakit na

"siya na ang mahal ko"

bakit ganun?
Kung gaano kadali sayo ang paglimot

ganun nalang kahirap para saken ang kumala sa lungkot?

Kung gaano kadali sayo ang palitan ako,

ganun din kahirap umisip ng sagot sa tanong na

"kulang pa ba ako?"

    At sa isang taon ng aking pagdurusa, naisip ko na.....
 
Marahil tama ka...

"BAKA HINDI PALA IKAW TALAGA"
-------
Dedicated to the man who will never get the chance to read this letter.

EPVT
JClaire__

The Broken's PoetryWhere stories live. Discover now