Paano pa aayusin ang isang bagay na may lamat na?
Parang namamangka kalang sa kalsada, hindi kana nga umuusad mukha kapang tanga.
Pero ba't sinusubukan mo parin?
Kasi gusto mo pang gumana
kahit alam mo sa puso mo na wala ng kwenta at patapon na.
Bakit kailangan pa nating masaktan at iyakan ang isang bagay ng bawat segundo ng bawat minuto ng bawat oras ng bawat araw ng bawat sandali
sa isang pagsubok na HINDI MO NAMAN PINILI?
Siguro ganun talaga, may mga bagay na NAGTATAGO sa anino ng katiting na PAG ASA
Upang maging BUO sa paningin ng mata.
Ngunit ang totoo,
HINDI na gumagana
at WASAK NA WASAK NA.
......
Inspired by a family problem I once faced.
We all experience one sometimes we just have to choose on how will it affect us right?Henceforth, I will write whatever it is that has driven me to write my poems for me remember it. Just in case I suffer amnesia like Carla Rave Jones from "Torn Again" by JClaire__
..
Jclaire__