Tatlong taon,
Tatlong taon na kitang lihim na minamahal
Tatlong taon na akong nagsusulat ng mga berso
Madami na akong nasulat at halos lahat tungkol sayo
Tatlong taon na halos kahit di kita makita ng ilang buwan Hindi ka mawala sa isip ko
Ewan ko,
At pag nakita ka naman, hindi din naman ako makatingin ng diretsoLagi kitang kinukwento
Kung paanong hindi naging tayo
Kung paanong hindi mo Alam yung feelings ko
Na sa tuwing tinatanong nila ako
"Uy kumusta na kayo?"
Wala akong masabing salita,
Kasi hindi nga tayo magkaibigan maging tayo pa kaya?Tatlong taon,
Tatlong taong puro stalk lang
Tatlong taong nangarap nalang
Tatlong taon na siguro ako'y iyong nakita
Pisikal, ngunit hindi ang halagaAkala ko 'nung una
Wala lang to
Hanggang sa naging tatlo
Tatlong taon na nagkaroon ako
Ng tatlong salitang nais Kong ipagsigawan sa mundo
Tatlong salitang minsan ninais kong sabihin sayo
Ngunit 'di ko ginawa
Kasi baka,
Baka hindi to tama
Baka hindi tayo tugmaAng ikaw at ako ay isang kanta
Kantang may wasak na melodiya
Kantang sinulat at umubos sa tinta
Kantang paulit paulit-ulit kong sinulat ngunit 'di ko makuha ng tama
At marahil tama nga na,
Ang pag-ibig na hindi tugma
Ay mas mabuting isuko naSiguro Tama na,
Tama na ang tatlo
Kasi siguro
Umabot man ako sa higit sa tatlo
magwawakas din ako sa pagsukoEto na to,
Ang huling berso para sayo
Huling tula
Tatlong taon at tatlong huling salita
"Isinusuko na Kita"-----------------------------------------
To APMJ
![](https://img.wattpad.com/cover/92513781-288-k243818.jpg)