Chapter 12 :')

2.8K 38 6
                                    

Fille's POV

Nag-ayos na ako at bumaba. Nakita ko'ng nag-aayos sina Dzi at A ng mesa para sa pananghalian namin. Ngumit parang may kulang sa paningin ko.

Fille: "Si Gretch?"
Ella: "Ay Gosh !"
Fille: "Oh, Bakit?" Agad ako'ng pumunta sa kanya
Ella: "Andaming langgam !"

Sinapak ko siya. -_-

Dzi: "Ayaaaan ! Sige Ella ! Banat pa .. Ayun siya sa sofa, Fille. Nanunood ng TV"

Napatingin ako sa sala at may nakaupo nga doon. Humarap ulit ako kay dzi

Fille: "Sige Dzi.. Salamat :)"

Pumunta na ako sa sala at umupo sa sofa. 'di gaanong kalayuan sa kinauupuan ni Gretch pero sa iisang upuan lang kami.

Nakatitig lang siya sa akin pero ako, tutuk na tutuk sa Tv. Humarap ako sa kanya

Fille: "Bakit?"

Ngumiti siya at yumuko.. Tinitigan yung kamay ko at hinawakan. Umiling lang siya. Ngumiti rin ako.

Yung moment na parang huminto yung mundo namin. lumalim yung pagtititigan namin. Mas bumakas sa mga mukha namin ang saya dahil sa ngiting nasa mukha namin.

Jem: "Hoy Kayong dalawa diyan !"

Pareho kaming natauhan ni Gretch at napaharap kay Jem na nasa mesa.

Jem: "Sa sobrang pagtititigan niyo diyan, baka magkapalitan kayo ng mukha haaa."
All: "HAHAHAH !"
Gretchen: "HAHA ! Diyan ka talaga magaling eh, no ? sa pagbabasag ng Moment"

Napatayo na kami ni Gretch at Pumunta na sa mesa at kumain.
Napahinto ako sa pagkain dahil sa sobrang saya :) Ang saya siguro kung ganito kami palagi. Nag-aasaran,Nagkukulitan Pero walang napipikun. 

Dzi: "Guys, Bilisan niyong kumain haa. May training pa tayo.. Baka nakakalimutan niyo."
A: "Hala ! Oo nga pala. Tara2"

Inayos na namin yung mesa. at pumunta sa kanya-kanya naming kwarto para mag-ayos ng mga sarili. Nauna kaming pumasok ni gretch. Biglang pumasok si Alyssa.

Alyssa: "Ate Gretch, Fille. Okay lang ba kung lilipat ako ng room ? Samahan ko na si denden dun sa kabila. Nag-iisa lang eh"
Fille: "HAHA ! Nakuuuu ! Ang sabihin mo..." Lumapit ako sa kanya at pinisil yung ilong niya "..Dadamoves ka lng ! HAHAH"
Alyssa: "HAHA ! Aray naman ! Oo na. yun na rin yun"
Gretchen: Inakbayan ako "Sige Ly.. Tulungan nakitang dalhin doon ang mga gamit mo." Tumingin siya sa akin "..Dito ka lng. Mag-ayos ka na lang ng sarili mo" Ngumiti ito.
Fille: "Okay. Ingat haa" Ngumiti ako.

Alyssa's POV

Tinulungan at sinamahan ako si ate Gretch ilagay yung mga gamit ko sa kwarto ni Denden.

Alyssa: "Ate Gretch, Salamat ha"
Gretchen: "Wala yun.. Algaan at mahalin mo siya ha. 'Wag na 'wag mo siyang sasaktan."
Alyssa: "Opo. Mahal na mahal ko siya ate."

FF: Nasa Gym na kami ng Team nakaline. May ipapakilala daw si Coach sa amin eh. Katabi ko lang si Den. Humarap ako sa kanya

Denden: "May problema ba Ly ?"

Tiningnan ko yung kamay niya at hinawakan ng mahigpit

Alyssa: "Wala. Ang ganda mo lang kasi" Ngumiti ako
Denden: "Sus ! Ayan ka na naman." Ngumiti ito

Tiningnan ko yung mukha niya. Anghel talaga 'tung si Denden. Yung ngiti niyang nakakapagpatameme sa akin. Mahal ko talaga 'tung babaeng 'to.

Denden: "Hoy ! Ba't ganyan ka makatitig sa'kin?"
Alyssa: Ngumiti ako "Mahal kita, Den."

Ngumiti ito sa akin. WoW ! Just Wow ! Ang ganda talaga ng babaeng 'to

Denden: "Mas mahal kita,Ly."

Biglang nagsalita si Coach. May kasama siyang dalawang lalaki

Coach: "Good Afternoon Girls !"
ALE: "Good Afternoon Coach !"
Coach: "May bisita tayo guys.. This is Myco Antonio And Jeron Teng"
ALE: "Good Afternoon Guys."
Jeron: "Good Afternoon, Girls.."

Ano ba tung Antonio'ng Toh ! >__< Makatitig kay Den ! Mas Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Den. Napaharap ito sa akin.

Denden: "Bakit Ly ?"
Alyssa: " Wala... I Love You.."
Denden: "Sikap mo'ng iremind aa. I Love you more, Ly."

Humarap na kami ni Den sa mga bisita.

Jeron: "Hoy Tol !" Tinapik nito si Myco ".. Batiin mo naman sila."
Myco: Natauhan "Ah ! Haha. Hello Girls.. I'm Myco Antonio."

Coach: "Magpakilala naman kayo, Girls."

Isa-isa kaming nagpakilala sa kanila. Shit ! Nakatitig pa rin siya kay Denden ! Ano ba ! Gusto ko nang upakan toh ! >____<

Alyssa: "Coach.. Tapos na po yung pagpapakilala. Ano na po ang gagawin namin ?"
Coach: "Ah ! oo . Sige2 Magbihis na kayo at sisimulan na natin ang Training."

Umalis na kami para magbihis. Pero nahuli kami ni Den dahil kinuha pa namin yung bag niya sa Bench. Magkahawak parin kami. Kinuha niya na at hinila niya ako pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Napaharap siya sa'kin

Denden: "Bakit ly ? May problema ba ? Kanina ka pa ganyan aa."

Lumapit siya sa akin pero hindi gaanong malapit. Hinila ko siya at magkayap na yung mga katawan namin pero nakahiwalay yung mga ulo namin. So it means ang lapit2 na namin sa isa't-isa.

Denden: Hinigpitan yung yakap sa akin "Yung Myco ba ?"

Yumuko ng kaunti at pinatung na yung ulo ko sa balikat niya. For short, nagyayakapan na talaga kami

Alyssa: "Akin ka lang ha."
Denden: "Haaaay, Alyssa. Ala-"

Biglang sumigaw si Gretchen

Gretchen: "Den ! Ly ! Tara na ! Mamaya lang yang landian haa."

Binitawan ko na si Den. Kinuha ko yung bag niya. Tumingin ako kina Coach, Jeron at Myco. Nag-uusap si Coach at Jeron. Tapos si Myco, Nakatingin lang kay Denden na nakangiti. Seryoso. Ilang galong drugs ang ininom nito ? -______- Kulang nalang tumulo yung laway eh. Bumaling na ang mga mata ko kay Denden. Nakatingin ito sa akin.

Denden: Ngumiti ito "..Ikaw lang..."

Ngumiti lang ako

Denden: "Tara na ?"
Alyssa: "Tara.."

Pumunta na kami sa Dug out at nagbihis. Ilang araw na.. Ay ! Minuto pala ay lumabas na kami XD
Nagjo-jog na kami papuntang court. Nasa harapan ko si Den. May biglang humila sa kanya

Denden: "Ay Leche ! Aray !"

O.O Putang Ina !

Alyssa: "Gago ka ba !??" Tinulak ko siya "Ano bang problema mo! Kanina ka pa haaa !" Hinawakan ko yung kwelyo ng polo at akmang susuntukin nang pigilan ako si Gretch

Gretchen: "Ly ! 'Wag !"

Binaba ko yung kamay kung susuntok sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggan paa. At Binitawan na yung kwelyo niya na pinalakas. Tiningnan ko si Den. Gulat na gulat ang mukha nito

Alyssa: "Den, okay ka lang ?" Hinwakan ko yung mga balikat niya
Denden: "Ba't Mo ginawa yun ?"
Alyssa: "Sinasaktan ka niya eh."
Gretchen: "Myco, Umalis ka na muna dito."

Tiningnan niya lang ako at umalis na

Gretchen: "Ano bang pumasok sa utak mo Ly !?"
Alyssa: "Eh Sinaktan niya si Denden Eh."
Denden: "Okay lang naman ako.. Nabigla lang. Sana hindi ganun yung ginawa mo sa kanya"
Gretchen: "Mag-isip ka kasi muna bago mo gawin Ly !"

Napayuko lang ako. Shit ! Ang init na ng ulo ko ! Ako pa ang pinagalitan ! Ako na nga yung nangligtas ! Pinipigilan ko na lang talagang sumagot at ang sarili ko. Shit ! Kunting-kunti na lang sasabog na'ko !

Fille: " Ly..." Hinwakan niya ako. "Okay ka lang?"
Gretchen: "Wag mo nang uulitin mo ly. Kundi-"
Alyssa: "Kundi Ano !?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko "Mawawala na ako sa team !? Bakit hindi niyo na lang gawin ngayon !? ikaw ba gretch ! Kung ginanun si Fille, Kakalma ka lang ba !? Hindi mo ba siya ipaglalaban !?"

Tumahimik silang lahat.

Alyssa: Tiningnan ko lang si Den "If this is what i get of trying.. Fine!"
Denden: "Ly !" Hinawakan na yung jersey shirt ko pero patuloy yung paglalakad ko kaya binitawan niya na lang.

Bumalik ako sa dug out para kunin yung gamit ko. Umalis na agad ako. Hindi na ako nag paalam kay coach. Habang nada-drive ako, ring nang ring yung phone ko. tinatawagan ako ni Fille,Den,Gretchen,A, At Coach. 

Alyssa: "Ano bang problema sa akin !!!" Sigaw ko habang nagda-drive. tumutulo na yung mga luha ko. "Pati ba naman ikaw den !? >___<  Shiiiiiiiiit !"

Sinagot ko yung tawag ni Fille

Fille: "Ly ? Okay ka lang ? Saan ka ngayon ? Gusto mo puntahan kita?"
Alyssa: "Okay lang ako Fille. Gusto ko lang munang mapag-isa. Pakisabi sa kanila na hindi muna ako makakauwi ng Dorm ngayon"
Fille: "Bakit ? Saan ka pupunta ? Magkita tayo 'Ly. Tayo lang"
Alyssa: "Tatawagan lang kita mamaya kung kaylangan ko nang magpakita sayo Fille. Salamat"
Fille: "Sige2. Mag-iingat ka haaa."
Alyssa: "Salamat talaga Fille."

Binaba ko na yung phone. Pinarada ko yung sasakyan sa harap ng Starbucks para bumili ng Coffee at didiretso sa Secret or Hiding Place ko.

Andito ako ngayon sa Pinakapaborito ko'ng lugar. Gabi na rin kasi.  Andito ako kapag nalulungkot o gusto ko'ng mapag-isa. Biglang nagring yung phone ko. Si Denden. Sinagot ko

Denden: "Ly ? Alyssa ? Naririnig mo ba ako ? Nasaan ka ?" Concern talaga yung boses niya
Alyssa: "Gusto ko'ng mapag-isa,Den. 'Wag mo muna akong kausapin."
Denden: "Nasaan ka ba kasi? Pupuntahan kita"
Alyssa: "Wag na."
Denden: "Alyssa, Mag-usap naman tayo oh. Let me explain. Kahit hindi mo na ako tanggapin basta makapag explain lang ako"
Alyssa: " Saka na lang. Kapag kaya ko nang makipagkita sa inyo"
Denden: "Alyssa?" *Sigh* "Sige. take your time. Basta bumalik ka dito ha ? Alyssa .... Sorry"
Alyssa: "Okay."
Denden: "Wag ka nang umiyak. Tama na ly."

Inilayo ko yung Phone ko. napatangla ako sa langit. Grabeng pilit ko na na huwag tumulo ng mag luha ko. Parang masisira na yung phone ko sa kakapilit ng sakit.

Denden: "Ly? Alyssa?"

Nilapit ko na yung  phone. Pinunasan ko na yung mga luha sa mukha ko

Alyssa: "Paalam na Den"
Denden: "Wait lang ly ! ..Tandaan mo palaging .... Mahal kita... Ikaw lang"

Napahawak ako sa bibig ko sa kakapigil ng sakit at ng kakaiyak. Binaba ko na agad yung telepono

Alyssa: AAAuuuurrrrgggghhhhh !!!! Ano bang kasalanan ko at pinarusahan mo ako ng ganitooooo !!!!???" Sigaw ko sa langit.

"Tang ina ! Hindi ko kayang iwan si Denden !!!!!! Mahal ko siya ! Bakit ba andaming hindi sang-ayon sa pagmamahalan namin !!!"

Ilang oras ako'ng andun sa favorite ko'ng lugar. Inom lang ako ng inom ng kape. Nakatulala lang ako sa hangin. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko,

*13 missed calls and 23 messages*

I deleted all of it. Wala akong binasa or tiningnan kahit isa. Pagkatapos nun ay tiningnan ko yung oras. 11:30 pm na pala. Tumayo na ako at sumakay na sa kotse ko. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi muna ako matutulog sa Dorm. ini-start ko na yung kotse. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. 

Pinarada ko yung sasakyan ko sa harap ng kabilang bahay ng Dorm. Nag taka ako kung bakit on pa ang lahat ng ilaw. Biglang nag beep yung phone ko. Binasa ko agad.

*From Fille ni Gretchen*

Ly ? Saan ka ? May matutulugan ka ba ? Kung gusto mo sa bahay ka na lang muna namin. Gising ka pa ba ? Pls. Txt back.

*To Fille ni Gretchen*

I'm Fine, Fille. Gising ka pa ? sinong kasama mo?

*From Fille ni Gretchen*

Gising pa kaming lahat. Nagbabakasakaling bubukas yung pinto at papasok ka

*To Fille ni Gretchen*

Na appreciate ko yung efforts niyo. Salamat. Pero sorry. Hindi ako diyan matutulog. Sige bye na

*From Fille ni Gretchen*

:/ Uwi ka lang dito kung kaylangan mo na ha ? Miss ka na namin. See You Soon Alyssa. 

Hindi ko na siya nireplayan. Baka mabe-break down lang ako dito. Sobrang sakit na ng feeling ko. Parang sinaksak ng napakaraming kutsilyo yung puso ko. Hindi lang kasi ako nasaktan dahil kay Den. Pati na rin sa kanilng lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Fast Forward~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

@.@ Nagising ako dahil may kumatok sa bintana ng kotse ko. -___ - Akalain mo ba namang dito na ako nakatulog sa sasakyan ko. O.O Si Denden ! Binaba ko yung glass ng window at tinitigan lang siya

Denden: "Ly? Bakit diyan ka natulog ? Halika.. pasok tayo sa loob." 

Hinawakan niya na yung knob ng kotse Ng bigla siyang napahinto nung nagsalita ako

Alyssa: "Wag na. Aalis na rin ako. Hindi ko rin naman sinadyang dito makatulog."

ini-start ko na yung sasakyan.  Pumasok siya sa open na part nung window at niyakap ako.

Denden: "Ly? Halika na.. Please. Sorry naaa." Mas hinigpitan niya yung pagkayakap sa akin
Alyssa: "Den. Tama na. Just give me time para makapag-isip."

Sinusubukan kung alisin yung kamay niya na nakayakap sa akin

Denden: "Wag mo naman akong iwan,ly. Hindi ko naman kayang wala ka. Bakit ba ang unfair2 mo.. Okay lang para sayo na wala ako. Eh ako ? Hindi mo man lang ba aalamin kung okay lang sa akin na wala ka ? Na Walang Alyssa Valdez na andiyan palagi sa tabi ko kung kaylangan ko ng masasandalan ? ..Kung okay lang ba sa akin na hindi mo ako tatawagan o itext man lang? Alyssa.! Kaylangan kita!"

Basa na yung balikat ko. It means grabe na ang iyak niya. :O Shit ! Hindi ko kaya ! Kung pwede lang talagang yakapin rin siya. Kung pwede lang talagang nasa tabi niya lang ako palagi. Kung pwede lang talagang ako yung nag-aalaga na kanya. Kung pwede lang talagang mahalin rin siya tulad ng pagmamahal niya sa akin, Kung pwede lang talagang Ipagmalaki ko siya.

Alyssa: "Den. Pabayaan mo na ako. Wag mo na akong intindihin. Wag mo na akong pakialaman...." Napalunok ako "..At. 'Wag mo na akong mahalin."

Nagulat siya sa sinabi ko at napabangon mula sa pagkapatung ng ulo niya sa balikat ko. Bumaling na yung tingin ko sa harapang daan.

Denden: "A-aly-alyssa. Ano-anong sinabi m-mo ?" Utal2 niyang sabi sa akin "Ly.. Panong- .. Pano na tayo?"
Alyssa: Huminga ako ng malalim "Walang Tayo, Den"

Umalis na ako. Iniwan ko si Denden na nakatayo doon at may hang-over pa sa sinabi ko. Hindi ko na kinaya at bumuhos na ang mga luha mula sa mga mata ko. Shit ! >_< I'm so sorry, Den !

Alyssa: "Sorry, Den. Kalimutan mo na ako. Mahal na mahal kita pero para sayo din 'tung ginagawa ko" 

Mystery SpikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon