Chapter 1

106 5 0
                                    

*phone ringing*
"haaaaaaaaay!! ang aga naman..(pick up the phone) hello hon?" sagot ko sa telepono ko. "good morning honeeeey!" sagot ng boy friend ko. " hon! ang aga pa!"
"huh? anong maaga. 6:00 napo 7:30 ang pasok mo dba? bangon kana jan!" .. pangungulit pa niya sakin. "eehh, honey.. sure ako wala pang prof. sige na kahit 10 mins. nalang pleaaasee." .. pangungulit ko dito. "oh sige. mag ti-timer ako sa phone ko okay?"
"okaaaay! Iloveyou! mwuaaah!" pinatay ko na agad ang cp ko at dali dali ng nag asikaso para pag tumawag sya nasa banyo nako at aakalain niyang tulog paden ako haha...

ako nga pala si Marianne Rivera... ay este!  si Marianne Dela Cruz pala, 18 years old nako...
2nd year college , isa akong psychology student. yung boy friend kong tumawag kanina si Bodge Santos 2nd year college din sya at isa syang Architect student, mag ka edad lang din kami.

1 year na kaming mag boy friend at legal kami sa Both side ..
------- at eto na nga! naririnig ko na yung phone kong nag ri-ring.. kaso nasa banyo pako haha.
*after 15 mins.*
*phone ringing*
"yes hon!?" tugon ko sa telepono "ano naaa! kanina pako tawag ng tawag sayo eh.. di ka sumasagot, yung 10 minutes mo naging 20 na! anong oras nato.. papasok kaba oh ano? huh? bumangon kana! kanina pako nasa tapat ng bahay niyo..!" .. galit na galit na sabi ni Bodge. "hon.. sermon nanaman aga-aga.." pag lambing ko .. "ang aga-aga mo din mang inis!" .. pikon na tugon niya haha. "Hon! wag kana magalit."
"panong di magagalit di kapa nabangon! mag asikaso kana. alam mo ba kung anong oras nato ha?!" medyo pasigaw na sermon pa nito. " sige andyan na! galit na galit .. pasensya naman! pasensya napo boss. nag asikaso kase ako eh.. naligo, nag tooth brush, nag bihis at nag paganda pa! sorry naman. eto na pababa na nga eh pababa napo!" pag mamalaki ko. hahaha lagi nalang naninermon.
pinatay ko naden ang cp ko para wala ng sermon at nang makaalis na kami..
pag baba ko ng hagdan galing kwarto ay nakita ko si mama na nag hahanda ng agahan "oh anak, nakaready kana pala anjan na ang sundo mo, hinihintay ka. mag agahan muna kayo" pag yayaya ni mama "nako ma! mauna napo kami high blood na sya eh. baka po mahuli pa kami" paliwanag ko dito. "oh sya sige. mag ingat kayo." humalik ako kay mama bago umalis.

pag labas ko sa gate ng bahay namin .. batok agad ang sumalubong sakin
"aray! bakeeeet!?" reklamo ko kay Bodge. "ang bagal mo! oh eto! eggdesal mo from McDonalds payan! libre moko pamasahe ahh!" pag yayabang nito. "wooow! hoy bakulaw! 25 lang ata to! sana di kana bumili. 35 pesos pa pamasahe papuntang sakayan lugi ako! unggoy ka!" pag tataray ko sa kaniya.
kinain ko nadin ang almusal na binili niya para sakin at syempre no choice ako nag bayad nako ng pamasahe naming dalawa papuntang school. habang nakain ako ng eggdesal at nag lalakad sa hallway sa school ay tumunog ang cp ko.
*message received*
at dahil busy ako sa pag kain si Bodge ang kumuha ng cp ko sa bulsa ng slax ko. pag basa niya ng message sa cp ko ay bigla nalang nag sungit eto. "oh! nag text nanaman lalaki mo!" si Mathew ang tinutukoy niya .. Best friend ko yun since 4th year highschool .. "wews! buti kapa alam mong lalaki ko yan ako hinde.. ano daw sabi?" tanong ko . "ano pa ba! edi yung daily routine niya! good morning princess!" .. inis na tugon nito. agad ko nang tinapos ang pag kain ko. at kinuha ang cp ko. "yan, replyan mo lalaki mo!" sarkastikong sabi niya. sabay walk out.
minsan talaga baliw yun! lagi nalang niya pinag seselosan si Mathew.. eh diko naman gusto yun!

mag classmate kami ni Mathew since 1st year highschool until now.. totoo din naman, madami nading nag sasabi na parang mag On daw kami ni Mathew. pero hinde eh. hinde namin yun maramdaman sa isa't-isa at isa pa si Bodge lang talaga ang gusto ko.

pumasok nako sa class ko , hinde ko na muna inintindi si Bodge tinotopak nanaman eh...
*1st subject*
*2nd subject*
"Sir! sorry po nalate ako.." pag interrupt ni Mathew sa klase. pinaupo ito ng prof. at tumabi na sa silya ko. "ano nangyare sayo bakit late ka? kanina pa kita tinitext ah!" pag tataka ko ngayon lang nalate si mathew for the first time. "lintik na jeep kase yan eh! nasiraan haaaayss! medyo nilakad ko papunta dito" well, obvious naman pawis na pawis sya ..

Your Words Hurt Me INSIDEWhere stories live. Discover now