Chapter 5

25 2 2
                                    

Pumunta si mama sa kwarto ko.

*Knock knock*
"Anak? pwede kita makausap?"

"Aah, opo pasok ka ma"

Pumasok si mama sa kwarto ko at umupo sa tabi ko sa may kama.

"Arian may problema ba?"

"Wala naman ma, pagod lang po :)" pag papanggap ko sa kaniya.

Ayukong ishare kay mama ang nararamdaman ko :'( kahit na mabigat sa loob ko.

"Ehh, kayo ni Bodge okay lang ba kayo?"

"Okay naman ma :)" tugon ko na may kasamang pag-aalinlangan sa sagot ko.

"Mabuti naman :)"
paalis na sana si mama pero tinawag ko pa sya.

"Ahm, ma?"

Lumingon si mama pabalik sakin.

"Ano yun?"

"Ahh wala po :)"

Bumalik si mama sa tabi ko.
"anak? alam kong meron, wag ka mahiyang mag sabi sakin"

Di ko na mapigilang umiyak sa harap ni mama, alam kong maiintindihan niya ko dahil babae din sya.

"Mama 😫😭 Ang sakit sakit! diko po alam gagawin ko :'("  tuloy tuloy ang luha sa mga mata ko na halos kahapon ko pa gustong ilabas lahat lahat.

"Ano bang nangyare?"

"Mahal pa ni Bodge yung ex niya ma :'("

"Anak, siguro may concern lang sya sa ex niya. unang una may pinag samahan din sila nung ex niya kahit papano diba?" tugon ni mama habang hinihimas ang ulo ko dahil naka yakap ako sa kaniya.

"Ma, iba yung nakita ko sa sinasabi mo :'( sinabi pa niya na mahal niya pa ex niya :'(" paliwanag ko.

"Pinag usapan niyo naba yan? kasi kung ganun pala edi mas maiging wag kaniyang paasahin na mahal ka niya." medyo inis na tugon ni mama.

Alam kong nasaktan din si mama, malaki tiwala niya kay Bodge :'( kaya nga dapat di ko nalang sinabi eh! :(

"Kinakabahan akong kausapin sya mama. natatakot po ako sa sasabihin niya :'("

"Wag kang matakot anak, kung ano man sasabihin niya ke masakit man o ano! dapat tanggapin mo. hay nako anak malayo pa mararating mo bata kapa. kaylangan mo syang kausapin habang maaga pa" tugon ni mama.

Siguro nga tama sya, dapat ko nang kausapin si Bodge para matapos na din yung bigat na nararamdaman ko. :(

"Sige po ma, bukas po." sagot ko.

"Okay mag pahinga kana. hindi kaba muna kakain?" tanong ni mama.

"Hindi na ma gusto ko napo mag pahinga muna. salamat po ulit"

"Oh sige anak. baba na ko :)"

bago tumayo si mama ay hinalikan niya ko sa noo. pinatay niya na ang ilaw at sinara ang pinto.

Agad kong tinext si Mathew.

Text Conversation:
Ako: kakausapin ko na sya bukas.
Math: akala ko ba mag p-pretend ka muna?
Ako: hindi ko na kaya :'(
Math: ikaw bahala. mag ingat ka ah.
Ako: salamat.
Math: susuportahan kita :)
Ako: salamat, napagaan niyo ni mama yung loob ko.
Math: :) wala yun, dito lang kami para sayo. mag pahinga kana maaga pa rehearsals niyo bukas. miss na kita.
Ako: hayaan mo after ng foundation natin kakain tayo treat ko na! hehe.
Math: Yun oh! haha. asahan ko yan ah! sige na pahinga na tayo pagod kana din alam ko :) gusto mong kantahan ulit kita?
Ako: hindi na math, matutulog nalang ako salamat ulit Good night nadin :)
Math: sige Good night :)

Your Words Hurt Me INSIDEWhere stories live. Discover now