Chapter 2

42 4 0
                                    

habang nagawa ako ng assignments ay nasa tabi ko si Bodge.
maya-maya pa ay may message akong nareceived sa FB ko from Bodge Santos, napatingin nalang ako sa kaniya. "ano to?" nakakunot ang noo ko ng tanungin ko sya. wala syang nasagot kundi ngiti lang.
binuksan ko ang message niya at ang naka lagay ay "Ang ganda ng katabi ko ❤" nakakatawa na nakakakilig. pero hindi ko na pinansin.

mas nauna akong natapos sa pag computer kaya mas nauna nalang akong umuwi kesa kay Bodge.
gusto padaw kase niyang mag laro kaya hinayaan ko na muna sya. nag madali nadin akong makauwi dahil nagugutom na yung dragon ko sa tyan.

Matapos ang hapunan ay pumunta nako sa kwarto para itext si Bodge.

Text Conversation:
Ako: Hon? nakauwi kana po?
Bodge: opo hon, nakakain nadin po. ikaw kumain na?
Ako: yes Hon :) .. pagod?
Bodge: sakto lang ;) want mo naba mag pahinga mahal? maaga pa pasok natin bukas.
Ako: Sabay na tayo matulog :*
Bodge: Opo mahal. :) ILoveYou, Good night na po. sweet dreams Hon :*
Ako: sweet dreams My Dear. ;) IloveYoumost.

di kami sanay ni Bodge mag usap sa text lang.. mas prefer namin ang mag usap sa personal, pero sweet naman sya minsan lalo pag morning nag ttext sisend sya ng random text messages at supeeer haba :D

bago ako mag pahinga ay kinamusta ko muna si Mathew, hinde paden kase ako inaantok.

Text Conversation:
Ako: math, kamusta ka?
Math: okay lang. natapos ko nadin yung assignments :)
Ako: buti naman ako din tapos na.
Math: ahhm, mag papahinga kana ba?
Ako: hinde nga ko makatulog eh. siguro mamaya na..
Math: gabi na ah, maaga pa pasok tom. gusto mo patulugin kita? haha
Ako: sira! hahaha . kung kaya mo lang eh!
Math: Gusto mo kantahan kita? :)
Ako: sige ngaaaa! hahaha.

tumawag si Math para kumanta habang nakalagay ang cp ko sa tainga ko. "minsan tama, minsan mali.. minsan oo, minsan hindeee. umaabante,umaatras. kilos mong namimintas..kung tunay ngaaa.---" pag kanta ni Mathew sakin.
Ang lamig ng Boses niya haha, First time niya kong kantahan and masasabi kong may talent sya..

matapos ang kanta ay nawalan na sya ng load.. madami na syang kinanta at halos nag mash up na ito. "wala nakong load princess hehe. matulog na tayo. Good night" text ni Math sakin. "Sige, salamat sa kanta mo :D Good night din see you tomorrow." nag pahinga nako matapos namin mag usap, inantok din ako sa kanta ni Math sakin.

(mahal ko? gising naaaaaaaaaa!) ito ang ringtone ko pang Alarm. at paulit-ulit at palakas ng palakas habang tumatagal kaya magigising talaga ako haha..
bumangon nako para mag asikaso at para nakaready nako pag dating ni Bodge mamaya.

*message received from Bodge*
"Good morning para sa pinaka mamahal kong babae sa balat ng lupa at papakasalanan ko pag dating ng right time :D Iloveyou mahal ko :* bangon kana ah? miss na kita.. can't wait na makita ko ulit ang reyna ng buhay ko ;) God bless mahal .. mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo :D"

kilig much.... nag reply naden ako para fair hehe mahal na mahal ko talaga si Bodge.
"Hi mahal ko :) Good morning din mahal ko ;) Miss nadin kita.. Iloveyoumost mahal ko. Hon? mahal na mahal kita, alam mo yan dba? kahit pasaway ka ;) wait kalang ikakasal din tayo sa right time basta stay strong mahal :* God bless."

matapos ang ilang oras ay nag kita na ulit kami ni Bodge at nag sabay na papunta sa school.
"sabay na tayo umuwi ah?" tugon niya, "opo sige."
sagot ko...
"hon?" tanong niya. "po?"
"what if dimo na ko makita Someday? ano gagawin mo?" tugon niya, kinabahan ako sa tanong niya.. bakit kaya sya mag sasalita ng ganun? at ano bang isasagot ko? nakakaloka. "ahhhm.. ewan.. bakit? iiwan moba ko?" pag aalalang tanong ko din sa kaniya. "hindi naman. natanong ko lang :)" sabay hawak sa kamay ko at tuloy tuloy kami sa pag lalakad.
alam kong may ibig sabihin ang mga sinasabi niya.. kinakabahan ako bakit kaya? haaays.

nakarating na kami sa school ni Bodge after 30 mins. na byahe. "pasok kana? sunduin nalang kita sa room mo mamaya ha? Iloveyou :* (halik sa noo ko)"
"opo, Iloveyoumost" sagot ko. medyo napapaisip pa din ako sa sinasabi niya, pero siguro nga wala lang yun. di bale na nga.

nag patuloy nako sa pag akyat ng hagdan papuntang 3rd floor, nang biglang may umakbay sakin " ay bakla!" gulat na tugon ko. "ako!!? bakla!?" tugon ni Math.. "anak ng tokwa naman oh!!" hinampas ko ng libro si math dahil sa pang gugulat niya sakin. "aray! teka teka sandali! may ibabalita pa nga ko sayo eh!" pag pigil nito sakin. "ano yun?" sabay lapit ko sa kaniya at papakinggan ang sasabihin niya. "may pinabibigay na invitation yung president ng org. natin." sabay abot sakin ng card. "ano naman to?" tanong ko at binuksan ang papel. "ewan ko diko naman yan binasa."

nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko "AAAAAAAAAAAHHHH!! MAAAAAATH!!! OMG! eto naaa.! myghaaad!" sigaw ko sabay hampas kay Math. "ano yun? kanina kapa nanghahampas!" inis na tugon niya. "nag hahanap sila ng runway models at sasayaw para sa foundation" .. excited na sabi ko. nakita ko din ang naka paskil na ito sa hallway pero diko lang pinansin.
"so ano sasalihan mo? sayaw o yung runway?" tanong ni math. "ahmm. parehas ;)" tugon ko.
"wow! hahaha kayanin mo yan, panunuorin ka namin at panunuorin ka ni Bodge panigurado ;)"
tugon ni mathew.
"oo naman! sige, ganto.. hawakan mo tong bag ko tapos lagay mo sa upuan ko at pupunta ako dun sa president ng org. natin okay?" nag mamadaling sabi ko habang binibigay ang gamit ko kay Math.
agad nadin akong tumakbo papuntang DSAS kung saan naka assign ang president namin mag duty.

"hi, kuya ken :) balak kopo sanang sumali dito sa runway at sa sayaw :)" nakangiti at super excited na tugon ko. "yeah sure :) bale sa Tuesday ang rehearsals natin and sa monday start ng practice ng sayaw." paalala niya. "aah, opo sige po salamat." paalis nako ngunit may pahabol pa ito. "by the way Arian, bring your 4 inches heels :) dapat pointed okay?" tugon ni kuya ken.
hinde pa naman ako sanay sa pointed heels. haaays.
nag madali nako para pumunta sa klase ko..

"Sir, sorry I'm late galing po ako sa DSAS." may prof. na pag dating ko, umupo nako sa tabi ni Math. nag bubulungan kami ni math habang nasa klase puro kwento na ata ako kaya walang narinig sa discussion. hahaha.
"Miss Dela Cruz at Mr. Cuenca! kung ag kkwentuhan lang kayo mas maigi ng lumabas kayo sa klase ko!" Galit na sigaw ni Sir Fred sa klase namin.
tumahimik ang buong klase at umayos ako sa pag kakaupo. "Get out!" sigaw pa nito. napatingin nalang ako kay Math habang nag sasalita si Sir Fred. "labas na tayo?" bulong ko kay Math.
tumango nalang si Math at tumayo na kami sabay nag lakad palabas.

"ang kulit mo kase eh! napahiya tuloy tayo.. sbi ko kasi sayong wag kang maingay." tugon ni Math. "malay koba! na excite lang naman ako sa gagawin sa foundation eh." paliwanag ko.
umupo kami ni Math sa gilid ng pinto at doon na nag kwentuhan.
maya-maya pa ay dumaan si Bodge sa tapat ng room, seryoso ang mukha nito.
"bat nandyan kayo? may klase kayo sa loob ah!" palagay ko medyo inis ang tono ng pananalita niya, natahimik nalang kami ni Math at tumayo ako. "aaahm, hon kase, si Sir Fred pinalabas yun mga nakapag recite sa kiniya kanina exempted daw sa Quiz na ibibigay niya ngayon" pinagpapawisan ang palad ko habang nag sisinungaling.
habang si Math naman ay nag napalunok laway at kinurot ang likod ng binti ko habang sya ay nakaupo.
"aah. bali dalawa lang kayo naka recite? galing niyo ah," tugon ni Bodge. sumagot nadin si Mathew. "ay, hinde dre.. merong ibang pinalabas nasa lakwatsa na dito sa campus haha, kanina pa nga sila eh." dagdag pa ni math. "aaah! okay sige. pasok nako sa next class ko hon.. " ani Bodge.
"sige hon :) see you later!" nag lakad na si Bodge paakyat sa room niya.

"whoooaa! kinabahan ako dun!" tugon ko kay math. "sira ka! bat nag sinungaling ka dun!" anong ni Math. "pag sinabi ko magagalit sakin yun! kaya wag kanang maingay"
biglang lumabas si Sir Fred "oh? kayo next time ah!" tugon ni sir. "opo sir, pasensya napo". pumasok na ulit kami ni Math sa room parasa susunod pang klase.

*end of class*
"tara  kain tayo :)" pag yayaya ni Math, "nako Math sorry, di kita masasamahan ngayon .. Sabay kami ni Bodge kakain eh baka sa labas kami kumain. next time nalang" tugon ko..
at eto na nga nas labas na sya ng room. "sige Math una n ko ah? ingat ka pauwi text moko ah?" paalam ko dito. "sige ingat din kayo. Enjoy :)"
lumabas nako ng room para puntahan si Bodge.

"san tayo kain mahal?" tanong ni Bodge. "dito nalang hon sa canteen, wala naman tayong pera eh." sagot ko.
"may pera ko, sa mcdo nalang tayo hon..." yaya niya. "mcdo nanaman hon? malapit nako lumipad. all this years mcdo na tayo. isang beses lang tayo naiba eh. KFC lang." tugon ko.

Your Words Hurt Me INSIDEWhere stories live. Discover now