Grabeee! purgang purga nako sa Mcdo Jusko!
"mahal, studyante palang tayo! syaka na tayo mangarap ng mamahalin ;) gusto ko dadalhin kita dun kapag legal na tayo, pero ngayon mcdo-mcdo muna hehe." ani Bodge.
"fineeee! tara na nga! Mag move on na tayo!"
nag lakad na kami ni Bodge papuntang sakayan at nag punta sa sm.
umorder sya ng Fries,Coke float, 1 pcs. chicken etc.
"Hon! di ka nanaman humingi ng ketchup!" pag mamaktol ko.
hindi kumakain si Bodge sa food na may Ketchup,mayo and melted cheese.
tinarayan lang niya ako at pumunta ulit ng counter para mang hingi ng ketchup for fries.
grabe talaga sya napaka arte. pag nakain ako ng fries with ketchup diring diri sya. minsan na try ko ng ingudngod sa bibig niya yung bread na nilagyan ko ng madaming cheese whizz para lang sa kaniya kase nakalimutan ko na di sya kumakain nun :'( sayang effort ko, pero di talaga niya kinain. tssss...
"oh, kumain kana.. after mo natin punta tayo national bookstore :)" nakangiting sabi ni Bodge.
"ano gagawin natin dun?" tanong ko.
"titingnan ko lang ulit yung nag de-demo dun sa magic wackie" excited na sabi niya.
ang tinutukoy niya ay yung laruang parang bulate na kinokontrol ng tao. tuwang tuwa talaga sya dun kaso ang mahal mahal ng presyo grabe! balak ko sana iregalo yun sa kaniya kaya lang bitin allowance ko at ang mahal mahal pa nun!
"nu bayan! di kapa nag sawa jan!!!"
"aaay! Hon!" masayang boses na tugon ko.
"ano?"
"panuorin moko sa foundation ah? may sayaw kami at runway ;)" excited na tugon ko.
"sus! mag kakalat kalang dun eh! hahhaha. magaling kaba sumayaw?" pang-aasar niya.
"(suntok kay Bodge) Ang sama mo! manuod kana lang!"
"oo na! bilisan mo nalang kumain! pati buto simot na simot, ngayon kalang nakakain ng chicken? kala ko ba sawa kana sa mcdo?"
"sige mang-asar pa!"
"joke lang.. sigeee hon, bagalan mopa. :) di naman tayo nag mamadali okay lang.. ganda mo nga panuorin eh. sige lang enjoy mo lang" sarkastikong sabi ni Bodge.
"Baliw! hugas lang muna ko kamay."
tumayo ako para pumunta sa hand wash Area ng Mcdo, pumila pako merong kasing elementary student na nag huhugas pa ng kamay sa unahan ko..
at ang tagal niya mag hugas, ilang minuto nakong nakatayo dun!"tara na!" yaya ko kay Bodge.
"ang tagal mo naman!"
"pagalitan mo yung elementary dun! jusko! lahat na ng different way ng pag huhugas ng kamay gamit safe guard nagawa na niya!" natatawa na sabi ko.
"oh? galing ahh. daig ka nung bata!"
Umalis na kami ng mcdo at pumunta na sa national Bookstore para tingnan yung paburito niya.
"eto po ma'am/sir tatawid si Wackie sa Baso tingnan niyo po. at kahit pukpukin niyo po sya ng baso hindi po sya mamamatay... di rin po sya nangangagat try niyo po hawakan sa ulo ma'am/sir" tugon ng lalaki na nag dedemo ng Wackie toy.
"hon! hawakan mo daw!" tugon ni Bodge.
"ikaw na! damay mopa ko!"
hinawakan ni Bodge at umatras ang ulo ng wackie toy.
YOU ARE READING
Your Words Hurt Me INSIDE
Random"kahit sinasaktan kaniya? sya paden? lagi nalang sya.. nagsisisi ako! na binigay kita sa kaniya!" Mathew says. alam ko naman na mali ang manatili ako sa kaniya, lalo na ngayon na nararamdaman kong lagi lang akong masasaktan. pero anong magagawa k...