Nagseselos lang naman ako dahil mahal kita at takot akong mawala ka.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Nakakainlove yung taong magkapareho kayo sa gusto at ayaw pero mas nakakainlove yung taong kahit ayaw nya, basta para sayo gugustuhin nya.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Ayokong mangako, hindi ako magaling sa mga ganyang bagay pero para sa’yo babaguhin ko lahat ng bagay na pag aawayan natin. Kasi mahal kita. Yun lang yon.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya hinding hindi ko hahayaan na basta basta ka na lang mawawala sakin.
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
Araw araw kasama kita, araw araw nagkikita tayo, araw araw pinapadama mo sakin na mahalaga ako sayo.
Sana araw araw ganito na lang, kasi hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala ka.Importante ba yung “I LOVE YOU”? Para sakin kasi mas importante ka. Pano ko masasabi yung word na I LOVE YOU kung wala ka?
![](https://img.wattpad.com/cover/26590811-288-k729272.jpg)