an AUTHOR BELOVED OPINIONS :)

218 3 0
                                        

Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo.

Kapag nagmamahal ka, kelangan magtira ka ng para sa sarili mo. Hindi pwedeng buong mundo mo ay umiikot lang sa taong ito. At kung alam mo na yung taong minamahal mo ay walang maisusukli na pagmamahal para sayo, tigilan mo na lang dahil ikaw lang ang masasaktan.


--------------------------------

Mahirap paaminin ang ayaw umamin. Pero madaling mapansin ang ayaw nyang aminin

Kapag ayaw mabuko, todo itatanggi mo. Ok lang yun kung nahihiya kang aminin, pero kung obvious na obvious naman na gustong-gusto mo sya dahil lagi mong binabanggit pangalan nya, lagi mong napapansin pag dumadaan sa harap mo, ultimo pabango nya naamoy mo, ay nako wag mo ng itanggi kasi halata na at masasabihan ka lang sinungaling. Malay mo pag nalaman pala nya gusto mo sya at gusto ka rin nya at nagkakahiyaan lang kayo.... sa huli kayo din pala ang magkakatuluyan.


.................

Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang...ganyan mag papansin ang ayaw mag first move.

Msyadong mataas ang pride at ayaw masabihan na sya ang unang gumawa 1st move. Alam na nila yang GM at wrong send na pakulo na yan kaya wag mo na lang itry. Eh ano naman kung mangamusta ka? Walang masama diba, kung deadmahin ka eh di senyales na yun na tigilan mo na. Oh kung msyado syang suplado/suplada deadmahin mo na lang kesa naman magmukha kang naghahabol. Giving a try is ok, pero kung OA na di na magandang tignan.


.......................

Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.

Magkaron sila ng sariling mundo ang iniintindi ng ibang tao. O kaya masabi lang na di sila cheap iniiwasan nila. Kelangan din natin makihalubilo sa iba, kahit na mahirap o mayaman yan, magulo man o tahimik yan.

Random JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon