T w e l v e M i r a c l e s - P a r t O n e ❆

1.2K 22 17
                                    

Note: Dedicated to kay Ate PinkRomance, na nagsulat ng 'life with exo' na unang exo fanfic na nabasa ko. Hindi lang ako masyadong nagcocomment kasi isa akong 'silent reader'. Gusto ko lang pong sabihin na subrang nagustuhan ko ang libro nyo. *o*

TWELVE MIRACLES - PART ONE

"Ayan na si Bakekang!"

"Sus, Akala naman nya magugustuhan sya ng exo!"

"Hahaha. Tama! Feelingera kasi. Yan taas pangarap mo bakeks!"

Araw araw silang ganto at, syempre, ako ang pinagbubulongan nila.

Dirediretso lang akong naglakad papuntang classroom ko.

Ako si Marrey, Mah-ray. Isa akong ulila. Walang magulang, nagiisa na lang sa buhay. Wait hindi. I have twelve miracles. Miracles ang tawag ko sa exo kasi sila na lang ang rason kung bakit ako gumigising.

Binubully ako sa school ng mga mayayaman kong kaklase na kesyo wala daw akong pagasa sa exo. Eh so what naman diba? Atleast andito ako, sumusupporta hanggang kaya ko.

Ang mga kaklase ko ay fans din ng exo, napakadami nilang mga merch. Albums, Merch, Posters, Photocards, etc. Completo sila sa lahat. Ako ni wala akong Poster. Pictures lang at Music sa cellphone kung bigay lang ng tita kung umampon at nagpaaral sa akin.

Umupo ako sa usual kung upuan, sa likod.

"Bakeks. Musta na ang exo? Mahal ka na ga? HAHAHA." Hindi na lang ako umimik kasi hindi ko kelangan ng away. Pero konti na lang talaga, sasagutin ko na tong mga bruhang pangit na ito!

"Tigilin nyo si Bakeks! Baka ipakulam kayo nya!" Eto namang kambing na ito, sumabat pa. Psh. Kain ka na lang ng damo dyan.

"Hala! Oo nga. Omg guithe. Thop na tayo." Keh landeh naman nareng babaeng are. Bias nya si Sehun. Kaya ayan! Laging nagkukunwaring bulol sa 's'.

"Good Morning, Class." Bungad ng Prof namin.

❆ ❆ ❆

"Bakekang! Bakekang!" Sa totoo lang, Di naman akong mukhang lusyang o bakekang. Sus! Mas maganda pa nga ako sa kanila eh. Kaya lang subrang low ng confidence ko, Hinahayaan ko ng apak apakan nila ako.

Di ko lang sila pinansin at dumiretso na. Gusto ko ng makauwi ng bahay ni Tita.

"HUY BAKEKS!" Alam ko tong boses na ito. Eto ang boses ng reyna nilang lahat.

"Ano?" Sagot ko ng mahina habang tumingin sa kanya. Pinabibilogan na kami ng mga tao ngayon.

"Bakeks. Alam mo never kang magugustuhan ng exo." Ngayong araw na to. Ngayong araw ako lalaban na pabalik. Hindi na ako magpapatalo.

"Hindi ka din naman nila magugustuhan ha?!" Medyo lumakas na ang boses ko. Nagsimula na ring magvideo yung mga taong asa paligid namin.

"Ah ganun! So sumasagot ka na ngayon ha?" Nakaramdaman ako ng takot dahil tinaasan ako ng boses.

"Lagi na nyo na lang kasi akong inaaway na hindi ako magugustuhan ng exo. Eh kayo ba?" Mahina munit may lakas ng loob kung sinabi.

"Aba! Ayos to ah. Bat ka nagkanagkakaganyan? Binili ka ba ng mga magulang mo ng album ng exo?" Tumigil sya sa pagsasalita at nagkunwaring nagiisip.

"Ay Bakeks. Sorry! Nalimutan kung wala ka na nga palang mga magulang. So anong mga pinakikinggan mong mga kanta nila? Yung mga downloaded lang sa phone?" Tahimik ako, Hindi na ako maka-imik.

"Eh kasi naman Bakeks! Hindi ka tunay na fan! KAMI YUNG TUNAY NA FANS. Hindi yung puro----*pak*"

Oo, tunog nga yun ng kamay ko na lumapat sa mukha nya. Binigyan ko lang naman sya ng isang lagitik na sampal.

"Sa totoo lang, Reyna, Hindi ako naghahanap ng away. Pero nung kahit mga magulang ko dinamay m, Hindi na ako makakapagpigil. *pak*" Sinampal ko ulit sya at nag-gasp ang mga tao.

"Eto pa. Ang pagiging fan ay hindi na susukat sa merch. Hindi ito na susukat sa mga albums o pagpunta ng mga concert. Ang pagiging fan ay nasusukat sa supporta at pagmamahal ko para sa exo. Yang mga merch ay mga additional lang. Kaya pwede ba. Wag mong tawagin ang sarili mong fan kasi sa pagkakaisip ko, hindi ka tunay na fan. *pak*"

Oo. Tatlong beses ko syang sinampal. Sya kasi ang may dahilan kung bakit ako pinagbubulongan ng mga tao. Sya nga kasi ang Reyna.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong sinabunutan, Pero hindi ako lumaban.

Tuloy pa rin ang mga tao sa pagvivideo at walang umaawat sa akin. Hindi ko rin naman sya inaawat kasi hindi ko kaya. Ang taba kasi ng biik na ito.

*prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt*

Tunog ng isang pito.

❆ ❆ ❆

One Week Later....

Hindi ko to inaasahan. Isang linggo na simula ng lumaban ako. Hindi na ako nagpapatalo. Lagi na akong sumasagot sa bawat pangaasar nila.

Pero ito ang kakaiba, Naging viral kasi yung video namin ng Reyna na nagaaway. Oo. Seryoso. Kahit sa TV Patrol ay pinalabas na din ito. Mga kesyo napakalakas daw ng loob ko para sa unang pagkakataon ay ipaglaban ang sarili ko, mga magulang ko at pagiging fan ko.

Puro naman positive pero syempre may negative din pero wapakels lang. Medyo sumikat din ako sa tumblr at, syempre, sa exo fandom. Madaming kumalat na copya ng vid sa internet na kahit yung mga kalapit na bansa ay napanood na ito. Syempre may sub. Iba iba mga comment eh. May mga nagsasabing proud daw sila at kapwa fan nila ako. Meron din namang kumakampe sa Reyna.

Pero ayos lang naman ang lahat hanggang may dumating na isang tawag sa akin.

"Hello. Is this Marrey Cruz?" Sabi ng isang babaeng boses na halatang hindi sanay sa lenggwaheng ingles.

"Yes. This is Marrey. Who is this?" Sabi ko ng may pagaalinlangan. Bah! Malay ko ba kung kidnapper to diba!?

"Hi Marrey. I am Ms. Amber Lee." Lee? Hind ba korean surname yun?

Huminga sya ng malalim at tinulay ang sinasabi nya,"I am exo's manager. Would you like to go to Korea to meet them?"

END OF PART ONE

Buhay Fangirl {SHORT STORIES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon