S t y l i n g E x o - P a r t F o u r ❀

273 10 0
                                    

NOTE: Sinisipag ako mag-UD kaya shhhhh lang. Kekeke ~ Hart hart <3

Basahin nyo naman yung Operatione: Break the Good Guy's Heart. Hihi asa external link. Ahihi thank you ghuuuuuuuuuise <3

❀ STYLING EXO - PART FOUR ❀

"KIM JONGDAE! UMUPO KA DITO! WAG KANG ALIS NG ALIS! DI PA AKO TAPOS KAY NA D.O AT KAI." Sigaw ko kay Chen na nagtatakbo sa arena.

"A, kalma. Ako na lang muna unahin mo." Sabi ni Kai at umupo sa harap ng salamin. Magpapablonde ata to. Kinulayan ko na din at pinagstay sya doon sa mga naghihintay maka-isang oras gang. Hahaha.

"D.O, Ikaw naman." Umupo sya sa harap ng salamin. Syet hahawakan ko ba buhok nito? Trim lang naman kasi yung gusto nya.

Sinimulan ko na ang pagtitrim ng buhok nya at waaaaaaah ang lambot,"Alam mo A. Mas matanda ako sayo. Dapat tawagin mo akong Oppa." Napatigil ako.

"Ah... Eh... Sige.... Uhmmm... Oppa...." Napatawa naman sya dahil sa ginawa kung kahihiya-hiya.

"Bagay sa'yo yung buhok mo. Ang ganda mo." Naramdaman kung umkyat lahat ng dugo sa pisngi ko.

"Ah eh. Salamat. Ikaw ang pogi mo. Pero lagi naman." At ngumiti ako.... WAIT ANONG SABEEEEH KO?

"Ah eh ibig sabihin ko ang pogi mo dahil sa bagong trim na lagi kung nakikita. Hehehehehehehehe!" Pinagpagan ko na agad sya,"Tapos na. Hehehehe!"

"Zera!" Napatingin sa akin yung nagiisa kong help. Nagresign kasi yung dahil natanggap sya sa gusto nyang university kaya di na nya agad tinanggihan.

"Bakit Ate A?" Tanong nya at lumapit sa akin,"Anong oras na?" Tumingin sya sa relo nya.

"8:30 na, Ate." Sabi nya. Nagnod ako.

"Pakibanlawan na ng mga buhok nila. Titignan ko lang kung dumating na yung damit. Simulan mo kay Lay tas kay Suho tas tanong mo na lang kung sino sunod. Basta huli si Kai. Tas simulan mo na din iblower ko pag na tapos. Tuylong kita pagbalik ko." Nagnod sya at tinawag na si Lay, at napatingin naman agad si Yixing..... FISHY HAHAHA. Back to present, lumabas na din ako ng kwarto.

"Amber Unnie!" Tawag ko sa manager ng exo.

"Oh A? Tapos na ba buhok nila? Para makapagrehearsal na sila?" Tanong nya,"Binabanlawan na yung buhok nila." Ngumiti sya.

"Eh bat ka andito?" Tanong nya,"Tatanong ko lang sana. Dumating na ba yung mga damit? Para matry na nila kung malaki ba o maliit. Para marepair ko kung hindi tama." Nagnod sya.

"Ang responsable mong bata! Andoon sa may staff room. Hindi ko pa nadadala eh. Sorry. Ikaw na lang kumuha kung okay lang?" Nagnod ako. Kasi naawa din ako kay Unnie dami nya kayang inaasikaso tas ang kukulit pa ng exo kids.

"Sige ako na kukuha. Bye unnie!" At naglakad na akong papunta ng staff room at doon nga sa labas ng staff room ay may labindalawang mabibigat na mga box. Woooooow. Kaya ko ba to?

Kinuha ko isa isa at dinala doon sa pinakamake-up room nila na parang rest room din. Nakita kung binabanlawan ni Zera yung buhok na ni Tao.

Bumalik na din ako doon at kumuha pa ng isang box ng biglang may tumabi sa akin at kumuha ng isang box.

"Tutulungan na kita." At ngumiti sya. sheeeet yung heart shaped lips nya. Omy naman dyoooooooo staaaap! :---(

Ngumiti na din ako at ramdam kung namula na naman ako,"Salamat D.O." Tinignan nya ako,"D.O Oppa o Kyungsoo Oppa." Nagnod ako.

Buhay Fangirl {SHORT STORIES}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon